Maraming buwan ang makalipas...
~Yohan~
Tanghaling tapat at naisipan kong lumabas ng palasyo mag-isa. Nakasuot ako ng armor ng isang warrior at mayroon din ng sa ulo kaya mata ko lang ''yung nakikita.
Ang totoo n'yan, tumakas lang ako kaya nakaganto ako.
Gusto ko munang lumabas kasi gusto kong magpahangin at maging peaceful ''yung isip ko.
Nakalabas na 'ko nang tuluyan na walang nakakilala sa 'kin.
Nagawa ko ring takasan sila Seth kasi pinagbabantay ko sila sa kwarto ng nanay kong prinsesa.
Araw-araw akong bumibisita ro'n para tulungan na makarecover ''yung katawan niya.
Malakas na siya kasi anim na buwan na ang pagpapagaling niya pero kahit gano'n, mayroon siyang trauma.
Trauma sa dilim kaya ayaw niyang madilim ang kwarto niya kahit gabi.
Halos labing walong taon ba naman siyang ikinulong sa isang madilim na lugar, sinong hindi matotrauma sa gano'n kaya kapag sinubukan ni Mades na atakihin ako, igaganti ko ang lahat ng ginawa niya sa nanay ko.
Kung nandito lang sana si Serafina, magagamot niya siguro ''yung trauma niya, o hindi kasi psychological issue na 'yon.
Pero hindi pa rin bumabalik si Serafina sa palasyo.
Nababalitaan ko na marami siyang pinagagaling sa buong kaharian.
Siguradong 'yun ''yung way niya para alisin ''yung lungkot na nararamdaman niya sa pagkawala nila Hemira.
Si Eugene, noong huling mga kita ko sa kaniya, nangbababae sa mga tagapagsilbi.
Ramdam ko na malungkot pa rin siya pero sinusubukan niya rin na maging masaya ulit at si Kirion... Nagmumukmok pa rin naman siya pero kumakain na.
Ayaw niya pa ring ipagamot ''yung mga mata niya kasi ang sabi niya sa 'kin, kapag bumalik na si Hemira, saka na lang siya magpapagamot ng mga mata niya.
Ayaw niyang makita ang paligid na wala si Hemira kaya hahayaan niya muna na gano'n siya 'tsaka ''yung pagiging nemean niya. Ayaw niya munang ipabago ''yung mga 'yon hangga't hindi bumabalik si Hemira.
Kaya naiisip ko minsan... Tama ba na pinaaasa ko siya ng gano'n sa isang bagay na alam naming walang kasiguraduhan?
Parehas naming hindi nakita 'yung sinasabi nila Eugene kaya malakas ang loob namin na umasa na buhay pa talaga si Hemira pero paano kung... paano kung wala na talaga sya?...
Habang buhay na bang aasa si Kirion sa pagbabalik niya?
Habang buhay rin ba akong aasa na magkikita ulit kami?
Ayaw kong maging negative pero habang lumilipas ang mga araw, napakaraming mga buwan... narerealize ko na ''yung mga gano'ng tanong.
Ang hirap-hirap na kasi nadamay ko pa si Kirion doon pero kasi... Bakit ang lakas ng pakiramdam ko na babalikan kami ni Hemira?
Mayroon ba kong pinanghuhugutan o talagang masyado na 'kong nalublob sa fantasy world na 'to na pati gano'ng bagay, iniisip ko na posibleng mangyari.
Kaya naisipan ko na ring lumabas ng palasyo, dahil sa mga gantong isipin.
Sobra na 'kong naiistress.
Napahinga ako ng malalim. Kailangan ko ng kausap.
"Air Maiden of the Four Elements! I humbly summon thee! Aela release!" tawag ko kay Aella.
BINABASA MO ANG
Hemira, Kadiliman [VOLUME 2]
AdventurePUBLISHED UNDER DREAME Ito ang ikalawang libro ng Hemira, Anim na mga kasamahan. Don't read this if you haven't read the first book yet. Spoiler ito nang bonggang bongga.