Follow my Dream III

87 2 0
                                    

JN's POV

"Dalhin niyo iyan sa Dressing Cottage." -utos nung babae.

Tinignan ko si Sic pero hindi ito nakatingin sa'kin. Busy siya sa pag-pose niya.

"Please.. Miss. Makipag-cooperate ka po sa'min. Ngayon lang 'to. Kapag hindi ka pumayag, lahat kami mapag iinitan ni Ma'am Diana. Baka nga mapatanggap pa kami lalo na ako. Saka for your boyfriend's sake." pagmamakaawa nung lalaki.

Ugh.. Nakakaawa naman sila kapag tumanggi ako.

Teka! Boyfriend? Wala naman akong-- Nako! Mukhang akala nito ay boyfriend niya si Sic.

"Okay. Fine. For all staff's sake." sabi ko na lang.

Ngumiti naman ang lalaki at pinapasok niya sa loob ang mga make-up artist, at mag aayos ng buhok ko. Binigyan niya ako ng isang papel para daw sa contract para sa one day pictorial at sa agreement na ayos lang na gamitin nila ang mukha ko para sa magazine until matapos ang Summer Season. Pinirmahan ko iyon at ginamit ang screen name na Jen. Ayokong Nine or JN kasi mga close friend ko lang natawag sa'kin ng Nine at si Sic lang ang pwedeng tumawag sa'kin ng JN kasi siya nag isip nun. Weird man na Jen ang pinili kong screen ay mas pinili ko iyon.

Tumagal ng kalahating oras ang pag-aayos ng buhok ko pero hindi pa nila tinatanggal ang pampakulot sa may buhok ko.

Habang naghihintay ay nagsimula na silang kalikutin ang mukha ko. Plain lang naman ang pagkaka-make up nila eh.. Except sa may mata dahil nilagyan nila ng kulay light pink ang magkabilaang gilid ng mata ko na may glitters din pero hindi naman daw iyon mapupunta sa mata ko.

After nun ay pinasuot na nila sa'kin ang isang white dress na may mahabang buntot sa likod at lampas tuhod sa harap.

Hindi nila ako pinasuot nung para bilog sa ulo nung mga Angel kundi isang pabilog na bulaklak na kulay puti ang ipinasuot nila sa'kin. At isang flat sandals na may tali na nakapalupoy sa may paanan ko hanggang medyo umabot na sa tuhod tulad sa mga Romans noon pero kulay puti iyong suot ko.

"Ready ka na pong lumabas, Miss Jen?" tanong sa'kin nung babae.

Tumango ako kahit kinakabahan ako kasi hindi ko pa nakikita ang itsura ko nang ilugay na nila ang buhok ko.

Pagkabukas ng pinto ng dressing cottage ay may narinig ako.

"Tom, nasaan ba si JN?"
"Nasa Dressing.." sagot nung lalaki na kausap ko kanina na ang pagkakarinig ko na tawag sa kanya ni Sic ay Tom tapos lumingon ito. ".. Room, Sir.. Sic." patigil-tigil na sagot nito at halata ang gulat at mangha sa mukha. "It's not enough to call you Angel. You're more than Angel. Mas mukha ka pong Dyosa, Miss." sabi nito na halata ang pagkamangha at nakangiting sabi nung Tom.

Isang ngiti naman ang iginawad ko kay Tom at tumingin naman ako kay Sic. Nakatulala siya.

Nagandahan kaya siya sa'kin?

"You're beautiful, JN." komento ni Sic. Siya na mismo ang sumagot sa tanong ko.

"Miss, tara na po. Kailangan na po kayo." sabi ni Tom.

New Life with You[AMAaYA Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon