The Danger-zone

98 5 0
                                    

Jahziel's POV

I miss the nights I'm with you in one room and one bed. I miss the times you hugged me. I miss the mornings that the first thing I saw is your face. I miss the time na walang palyang I love you niya araw araw.

Napahawak ako sa tiyan ko.

And I'm pretty sure namimiss na siya ng Baby namin. I miss my husband. I miss my love. I miss Francis Rutherford. I miss you.

****************************

Ashford Academy

Gusto ko kausapin si Francis kaya pumunta ako dito.

Pero hindi ko mahanap si Francis. Walang Francis na sobrang miss na miss ko.

"Are you looking for Francis?"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng tanong na iyon. Nakita ko ang isang babae na mapula ang labi.

"Yes, I am. And who are you?" me
"I am Cess Arciaga. Co-teacher ni Francis. Ex Girlfriend niya din." pakilala niya.

Nakwento na ni Francis iyong tungkol sa kanya. Nagselos ako nung una pero mas pinaramdam ni Francis na ako lang ang mahal niya.

"It's my pleasure to meet you, Miss Arciaga." sabi ko at bigla akong napangiti sa naisip ko. "If you don't mind I will introduce myself. I'm Mrs. Jahziel Marque Rutherford." pakilala ko na pinagdiinan ang family name namin ni Francis.

Nakita ko ang pag-asim nung mukha niya. Success!

"Alam mo kung hindi ka lang umepal sa buhay namin. Edi ako sana ang MRS. RUTHERFORD." nanggagalaiting sabi nito.
"Hindi ako umepal sa inyo. Simula ng pinanganak ako sa mundong 'to. Ako ang tinakda para sa kanya. Kami ang para sa isa't isa. Walang kayo!" sigaw ko sa kanya.

Parang papatay ang tingin niya.

Biglang may mga dumating.

"Cess Arciaga!" tawag sa pangalan ng babaeng nasa harap ko.

Napalingon ako. Si Francis. May mga kasama siyang pulis kasama niya din sina Anjo at Rey.

Napakabilis ng pangyayari.

Nasa likod ko si Cess. Nakapulupot ang kaliwang braso nito sa leeg ko. Naramdaman ko na may nakatusok na matulis na bagay sa kanang bahagi ng leeg ko. Nakita ko ang isang gunting.

"Bitawan mo iyan, Cess!" Francis
"Sumuko ka na lang, Cess." Rey
"Oh? Nakatakas ka? Dapat pala pinatay na kitang pakialamero ka." Cess

Nakita ko ang pamumulta ni Rey. Mukhang sobrang hirap ng pinagdaanan ni Rey kay Cess.

Hinaplos ni Cess ang gunting sa pisngi ko. Hindi man halata sa itsura ko ay nangangatog ako at sa takot.

"Alam mo ba. Walang nangyari sa'min." bulong niya sa taenga ko. "Masaya ka ng Malandi ka? Sinong gaganahang makipag-s*x sa kanya kung hindi man lang gumagalaw?" pasigaw niyang sabi na medyo dumiin na gunting sa pisngi ko. "Tapos sasabihin niya habang nilalandi ko siya 'Mahal kita Jahz. Mahal na mahal kita'. Kung hindi ko siya makukuha, hindi mo siya makukuha!" dumiin lalo ang tusok niya. Naramdaman ko ang likido na dumadaloy sa pisngi ko marahil ay dugo.

"Cess! Stop it!" Francis

Tumigil ang pagdiin ng gunting sa pisngi ko.

"Bitawan mo si Jahz. Ako ang kailangan mo 'di ba? Makawalan mo siya." sabi ni Francis na nakatingin sa'kin. Bakas sa mata niya ang pag aalala.

Umiling-iling ako at nagsimulang umiyak.

"I love you" walang boses kong binigkas iyon.

Napangiti naman si Francis doon at bumigkas din iyon ng walang boses "I love you too".

Lumuwag ang pagkakakapit ni Cess sa'kin nang makalapit si Francis sa'min.

Tinulak na ako ni Cess ng nasa tabi niya na si Francis. Buti na lang at hindi ako na-out of balance. Nasa likod ako nina Anjo at Rey.

Nagkagulo na bigla. Nag aagawan sa gunting sina Francis at Cess. Napapikit ako sa kaba.

Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa lugar.

Francis

Titingin sana ako sa kinaroroonan nina Francis pero naramdaman ko ang pananakit ng tiyan ko at likido na dumadaloy sa binti ko. Hinawakan ko ang hita ko at nakita ko sa kamay ko ang dugo. Tinignan ko ang binti. Kitang kita ko ang dugo dahil naka-dress lang ako.

"Anjo.. Rey.." tumingin sila sa'kin na halatang gulat. "FRANCIS! OUR BABY!" sigaw ko na umalingawngaw sa buong lugar.

Kapit ka lang, baby. Don't leave us please..

At nawalan na ako ng malay.

New Life with You[AMAaYA Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon