Most Painful Problem of Married Couple

99 5 0
                                    

Francis's POV

Nagising ako na masakit ang ulo.

Napahawak ako sa magkabilaang sentido ko dahil sobrang sakit ng ulo ko.

F*ck. Anong nangyari kagabi? Bakit wala akong maalala?

Napatingin ako sa paligid ko.

Nasaan ako? D*mn. Lagot ako kay Jahz nito.

Tatayo na dapat ako ng mapansin kong wala akong damit.

F*ck. Ano ba talagang nangyari?

Agad akong tumayo at nagbihis. Umalis ako sa lugar na iyon. Isang Motel.

****************************

Jahziel's POV

Nasa Elementary School ako para magpaalam at mag-thank you sa mga employee dahil doon ako nag-OJT.

Bakit kaya hindi nag-text o tumawag si Francis na hindi siya uuwi kagabi? Hindi naman siya ganoon eh.. Lagi iyon natawag kapag hindi uuwi eh.. Nasa bahay na kaya siya?

Pauwi na ako sakay ng taxi papunta sa bahay namin.

Nakita kong bukas ang ilaw sa bahay kaya panigurado nandoon si Francis.

Nagmamadali akong nagbayad at bumababa sa taxi. At tumakbo papunta sa bahay.

"Francis!" sigaw ko ng makita ko siya agad ko siyang niyakap.

I feel relief saka may good news ako sa kanya.

"Aba aba! Mukhang sobrang namiss ako ng Misis ko ah.." natatawang sabi ni Francis.

Bumitaw ako ng yakap sa kanya at tinignan siya na para bang papatay ng tao.

"Ikaw ba naman mag alala dahil hindi umuwi kagabi ang asawa mo. Sinong hindi ka mamimiss? Tapos wala man lang pasabi." nagtataray kong sabi.

"Nako. Sorry na, Sweetie." lambing ni Francis.
"You made me worry. At bawal akong mag aalala o ma-stress sabi ni Doc. Bawal akong mag-increase ng matinding negative emotion." sabi ko na ikinakunot noo niya. "Makakasama daw sa baby na'tin."

"Sorry na kasi. Hindi ko naman kasi--" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng mukhang may na-realize ito. "Baby? Na'tin?" pagre-recall nito sa sinabi ko.
"Yes. Baby na'tin. 3 weeks na siya." naka-ngiti kong sabi kay Francis.

Mahigit one minute bago siya nakapag-react.

Napasuntok si Francis sa hangin.

"Yahoooo! I'm going to be Daddy soon. One try pa lang pero nakabuo na tayo." natatawa pang sabi ni Francis.

Napamewang ako sa sinabi niya.

Kaya tumigil siya sa pagse-celebrate niya.

"What?" tanong niya na medyo frustrated pero nakangiti pa rin.
"I am preggy now at nag aaral pa rin ako. So, paano na 'to?"
"I will help you. Don't worry. Hindi kita bibigyan ng problema." nakangiti niyang sabi at lumapit sa'kin saka ako hinalikan.

Lumipas ang isang linggo

Lahat ng Kaibigan at kakilala namin ni Francis ay nabalitaan ang tungkol sa preggy thingy ko.

Regular pa rin ang pagpasok ko.

Nasa school pa rin si Francis at ako naman ay nasa bahay para gumawa ng project.

Nang biglang may nag-doorbell. Pumunta ako sa may gate pero walang tao. Napatingin ako sa baba dahil napansin ko ang isang box kaya kinuha ko iyon at pumasok sa bahay.

****************************

Nakaupo ako sa upuan kung saan ako ang bubungad sa main door.

Ilang sandali lang ay narinig ko na ang paghinto ng makina ng sasakyan.

Iniluwa ng pintuan si Francis. Agad akong tumayo at humarap sa kanya. Lumapit siya sa'kin at niyakap ako.

"Miss me, Sweetie?" tanong ni Francis na naka-hawak sa magkabilang balikat ko.

Hindi ako umimik.

Napatingin siya sa maleta na nasa tabi ko.

"Ano iyan? Saan ka pupunta?" tanong niya sa'kin.

Pumikit ako at huminga ng malalim.

"After kong makita 'to sa tingin mo hindi ako aalis?" hawak ang box na may mga picture.

Kumunot ang noo nito.

Binitawan ko ang box at hinawakan ang maleta.

Nasa main door na ako ay hinablot niya ang kaliwang pulsuan ko.

"Don't stop me. I'm warning you, Francis Rutherford. Hindi ako magdadalawang isip na ipalaglag ang baby sa tiyan ko kapag hindi mo ako nilayuan." banta ko kay Francis.

Halata naman sa mukha nito ang pamumutla. Mukhang nabigla sa banta ko. Dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak niya sa pulsuan ko kaya agad akong lumabas ng bahay at sumakay ng taxi na pinasadya kong papuntahin dito para maihatid ako sa kung saang lugar.

Nang makasakay ako ng taxi at Unti-unting lumalayo ang taxi sa bahay namin ni Francis ay ang Unti-unting paglalabo ng mata ko. Tumulo na ang kanina pang nagpupumiglas na luha ko.

Sobrang sakit. Walang makakapag-describe kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon.

The sob became whimper until became weep.

Naramdaman ko ang pa-minsan minsang pag lihim na tingin ng taxi driver.

__________________________________

A/N: Last 7 chapters na lang, guys. Nakakaiyak. T^T Don't worry sa may gusto po ng Book 3 paki-inform po ako kahit sa Vote, Comment, or Message po. Mga mga silent reader: mahal ko kayo. Doon sa mga kadalasan nagvo-vote ng ibang chapter. Salamat po. Kilala niyo na sarili niyo. :) Salamat sa pagtitiis ng matagal na update.
-BlackAndWhiteHeart24

New Life with You[AMAaYA Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon