Ashford Academy II (School Of Hell)

171 3 2
                                    

2 month na rin ng lumipat ako sa Ashford Academy.

Si Nine pa rin ang kaibigan ko. Si Sic kasi laging wala pero pumapasa naman kapag may exam. Is it really unfair, right? Mas mataas pa ang iba niyang score kaysa sa akin. Ang unfair talaga. -_-

"Oy.. Pahiram ng Note mo." sabi niya sakin. Dalawang linggo din siyang absent nun.

"Ayoko nga!" sabi ko na may pag-belat.

"Ang damot mo. F*cksh*t." aba! Loko ito! Nagmura pa.

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Aray!" sigaw niya. "Anong karapatang mo para batukan ako, huh!" sigaw niya.

"Abay! Loko ka pala eh.. Bakit ka nagmura sa harap ko?" pataray kong tanong.

"Masama ba?"

"Opo. Masama!"

"Look at her. Anong karapatan niyang batukan si Prince Sic?" narinig kong sabi ng classmate ko.

"Yeah.. Tayo nga. Hindi makadikit kay Prince Sic. Tapos, gaganunin niya lang?" napayuko na lang ako at that time.

"HOY! KAYO! Wala kayong karapatang sabihan siya ng ganyan. Paki niyo ba kung ginaganito niya ako? Wala kayong PAKI! Ang papanget niyo! Ang panget din ng mga ugali niyo! Sinong lalaki ang magkaka-gusto sa mga katulad niyo? WALA!! Isang beses ko pang marinig na sabihan niyo siya ng ganyan o mabalitaan ko lang. Umalis na kayo sa ACADEMY dahil makikita at mararamdaman niyo ang HELL ni FRANCIS GIL!" huminga pa ba siya nun?

Biglang nag-walk out iyong dalawa kong classmate.

"Ah.. Eh.. Sorry sa badword ko at sa dalawang babae na iyon."

"You don't need to apologize, Sic. Ako nga ang dapat mag-sorry kasi binatukan kita ng dahil lang doon."

"Eh? Mali din naman kasi ako eh.."

"Okay lang."

"So? Babawi na lang ako sa'yo. Punta tayo sa Ice Cream House mamaya."

"Hhhmmm.... with Nine?"

"Who is Nine?"

"That's ME!" biglang bungad ni Nine na malawak ang ngiti.

"HAHAHAHAHA!!! Sige.. Sige.."

Lumabas muna ako ng room para pumunta sa Canteen kasi alam kong hindi makakabili ng pagkain si Francis ng pagkain niya kasi busy siya. Hindi kasi ako nakagawa ng pagkain niya kasi late akong nagising.

Nang makabili na ako ng food. Agad akong pumunta sa Art Department. Wala namang malisya kung dalhan ko siya ng food kasi ang alam nilang lahat kapatid ko siya.

Malapit na ako sa building ng Department nila ng dumating sina Ricka at Eyhen. Sila iyong inaway ni Sic dahil sa mga pinagsasabi sakin.

"Anong kailangan niyo sakin?" matapang kong tanong sa kanila.

"Impakta kang babae ka! Ng dahil sa'yo inaway kami ni Prince Sic." sabi ni Ricka.

"Who cares? Mariah Carey? We don't care." palaban at mataray kong sagot.

"Akala mo kung sinong friendly at matalino. Iyon pala may bahong tinatago." sabi naman ni Eyhen.

Ganoon ba katindi? :( Pinaglalaban ko lang naman ang sarili ko kasi laging ang sama ang tingin at pakikitungo nila eh... Masama ba ang maging palaban kahit ngayon lang?

Yumuko na lang ako. Ang dami na nilang sinasabi sakin at that time pero nagbingi-bingihan ako kasi alam kong masasaktan lang ako eh..

"Hoy! Babae! Nakikinig ka ba samin?" walang sagot at nakayuko pa rin ako.

Biglang may sumabunot sakin. "Aray. Masakit."

"Masakit ba?" tanong sakin ni Ricka na siya palang sumasabunot sa buhok ko.

"Mas matindi pa ang naramdaman namin nung napahiya kami kay Prince Sic." sabi naman ni Eyhen.

"Kayo din naman ang may kasalanan eh.." sabi ko kahit masakit ang sabunot nila sakin.

"HOY!" pinilit kong lumingon pero hindi ko magawa kasi hawak pa rin ni Ricka ang buhok ko.

"Prince Sic?" narinig kong sabi ni Ricka. WHAT?! Si Sic?

"Bitiwan niyo siya!"

New Life with You[AMAaYA Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon