Escape

105 5 0
                                    

Someone's POV

Nasa madilim akong lugar. Walang maaninag na liwanag kahit saang sulok.

Isang medyo hindi kaingay ang narinig ko sa gilid.

Nakaamoy ako ng pagkain.

"HAYOP KA! PALABASIN MO AKO DITO!" sigaw ko.

Isang malakas na tawa ang isinagot nito. Mala-demonyo ang tawa na iyon. Nakakabingi. Nakakarindi ang tawa na pinakawalan niya.

Tumigil ito sa pagtawa at narinig ko ang mga yabag ng paa niya at pagbukas ng pinto.

Gumapang ako. Hindi ako makatayo dahil sa sugat ko sa binti. Nakakapos din kasi ang mga kamay ko sa likod gamit ang tali.

Nilapitan ko pagkain na dinala niya. Kinain ko iyon na parang baboy dahil bilang lang sa kamay kong ilang beses ako dinalhan ng pagkain nito sa loob ng matagal na panahon pamamalagi ko sa loob ng madilim na kwarto.

Nang matapos akong kumain ay nag isip ako ng paraan para makatakas. Tatakas ako habang wala siya.

Naiisip ko lalagyan nung pagkain. Iyong plato. Hinawakan ko iyon at winasak. Nagtagumpay naman ako.

Ikiniskis ko ang plastic plate na iyon sa tali na nakabuhol sa dalawang pulsuan ko.

Tumatama iyon minsan sa pulsuan ko at dama ko ang likido sa palad ko. Sigurado akong dugo iyon.

Nang maramdaman ko na medyo nasisira na ang tali ay agad kong ginamit ang lakas ko para masira iyon. Nagtagumpay naman ako.

Tumayo ako kahit nakirot ang sugat ko sa kanang binti. Kumapakapa ako sa gilid dahil wala akong makita.

Nahawakan ko ang doorknob. Pinihit ko iyon pero hindi bumukas.

Kumapa ulit ako sa baba hanggang sa makarating ako sa kabilang sulok. May nakapa akong tabla na kahoy.

Great! Hindi talaga ako pinapabayaan ng Diyos.

Kinuha ko ang tabla at naglakad ng ika-ika pabalik sa pintuan. Agad kong hinampas ang doorknob gamit ang tabla. Nakailang hampas ako bago masira ng tuluyan ang doorknob.

Nang masira ang doorknob ay lalaglag iyon kaya nagkaroon ng liwanag na nagmumula sa butas ng pinto. Isang butas dahil sa doorknob.

Sumilip ako at nakita ko ang parang sala.

Ugh. I need to escape here.

Hindi ko mabuksan ang pinto kaya nagkapa ulit ako para maghanap ng mas matibay para maihampas sa pinto. Ilang kapa pa ay may nakapa akong matigas at malabig na bagay. Bakal! Mukhang sirang upuang bakal.

Bumalik ako sa pinto at pinaghahampas ang pinto gamit ang bakal.

Halos hingalin ako dahil sa kakahampas nang umuga na 'to.

I need to escape here soon as possible.

Hindi ko pwedeng tadyakan 'to dahil sa sugat ko na mas lalong nadugo marahil ay bumuka ang sugat kaya ginamit ko ang kaliwang braso at balikat ko para itulak ang pinto.

Nakatatlong ulit ako bago bumukas ang pinto.

Nang bumukas ang pinto ay agad kong hinanap ang pintong palabas ng lugar na iyon.

Agad akong tinakbong ika ang nakita kong pintuan. Nagmamadali akong tumakbong ika nang makalabas. Puro mga puno ang nakapaligid sa'kin. Halos magkanda-dapa ako sa pagtakbo pero patuloy pa rin sa pagtakbo. Hindi ko inda ang pagkirot ng sugat sa kanang binti ko.

New Life with You[AMAaYA Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon