para sa ibang mga estudyante siguro ng school namen ordinaryong battle of the bands lang yun. pero saken? ang laki ng impact.
"uiiiiiiiiiiiiiiiiiii. TINE! magsalita ka naman! ano bang nangyari senyo ni dale?"
Yan ang impact saken. hindi lang naman ako tinigilan ni yra hanggang lunch break tungkol sa commotion na ginawa ni Dale at yung pagsunod ko sa kanya chorva.
"wala nga kasi."
"kaninang umaga pa yang wala na yan ah. bakit ba ayaw mong sabihin?"
"eh kasi wala naman talagang dapat sabihin."
wala nga ba talaga? hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sabi.
"Yra!" tawag ng isa kong classmate sa kanya. tapos ayun, nawala na siya sa aking paningin at tumahimik ang mundo ko.
"bakit kasi ayaw mong ikwento?" napalingon ako kay sunny nung mga time na yun habang papasok kami ng classroom.
*sigh
"sa tingin mo ba may dapat akong ikwento?" umupo ako sa upuan ko at hinarap to sa upuan niya para makapag usap kami ng maayos.
"meron."
"ano nga?"
"diba sinundan mo si dale?"
"oo"
"ikwento mo yung nangyari pagkatapos nun."
"kailangan ba?"
"kita mo na. may ikukuwento ka naman talaga. nahihiya ka lang magsabi. ibig sabihin may something talaga."
"anong something?"
"ewan ko kung anong something. sabe ni yra may something daw sa inyo ni Dale."
"bwisit talaga yung bruha na yun."
at ayun. nakwento ko nga kay sunny lahat lahat. at ang reaction niya.
*POKER FACE
"wala ka man lang comment o reaction?"
"kailangan ba kiligin ako?"
*facepalm. "hindi naman. yung parang payo, suggestion, reaction. mga ganun."
"wala eh."
hindi ko alam kung anong dapat kong gawin dito kay sunny. sobra talaga niyang emotionless pagdating sa ganitong mga bagay. kaya takot sa kanya yung ibang tao.
pagkatapos ng klase.......
"TINEEEEEE~!" sabay akbay saken. alam ko na kung anong kailangan ng yra na to eh.
"OO NA! magkukwento na ko!" napasigaw ako dun sabay ng pagtanggal ko sa braso niya sa balikat ko. tapos siya may ngiting abot hanggang tenga. -________________-
"anong ikukwento mo?" :))))) kung mamalasin ka nga naman.
"hi Dale! nice timing! ikukwento na kasi saken ni tine yung nangyari nung nag walk out ka." ang daldal talaga neto eh. kaya nakakaasar. "kaninang umaga ko pa nga siya kinukulit kaso ayaw patinag."