after ng lahat ng pagpapagod namin, YES! sporstfest na! whoooh! yeah! OA na. XD
nung first day, sabay sabay kami nila yra at sunny ng pagpunta sa school. kasi, WALA LANG. wahehehe. :D pagdating nga namin ng school magsisimula na yung parade kaya takbo mode kami. ewan ko ba kung bakit nauso ang parades pag may mga ganitong program sa school. pasikat lang? :PPP
after nun ang dami pang seremonyas. mga speech ganun. after nun nagpunta kami sa may bulletin board para makita yung schedule ng games. game na pala ni sunny ngayong morning.
"asan si yra?" -sunny
"nawala siya after ng parade eh. puntahan ko na lang sa room baka nandun siya. sunod na lang kami sa study center."
"sige. pag pray mo ka ha? :)"
"sure! GOODLUCK SUNNY!" then umalis na siya. ako naman nagpunta sa room para hanapin si yra. nag gagala siguro yun. mamayang hapon pa kasi yung game namin kaya petiks mode kame. haha.
pagpasok ko, nakita ko siya nakikipag usap kay dale.
"YRA!" tapos tumingin siya sakin at ngumiti. tapos may sinabi kay dale. kung ano yun? malay. :P
"hoy yra?" tapos lumapit na ko.
"yes dear?" -yra.
"YUCK. anong kacornyhan yan?"
"joke lang. :P bakit?"
"game kasi ni sunny ngayon. gusto mo magcheer?"
"uy. sama ko jan! tara! sama ka dale?"
"ok lang ba?" then tumingin silang dalaw saken.
"ANO? ako ba may ari ng study center?"
"baka kasi ayaw mong sumama ako." :(
"bakit naman? tss. magtatagal tayo dito eh. tara na nga." tapos nauna na kong maglakad sa kanila. baka kasi kinakabahan na si sunny dun kasi wala siyang kasama. pagbukas ko ng pinto ng study center hinanap ko kung san siya naglalaro at ng maispatan ko siya,
"SUNNY!" sinigaw ko yung name niya at lahat sila nakatingin saken. saka ko lang narealize na ang tahimik nung kwarto bago ako dumating.
"miss bawal po maingay dito." sabi ni ate na mukhang member ng sports committee. nakatingin lang saken si sunny at naka smile.
"sorry po."
"PFFT." napatingin ako sa likod at nakita ko si dale na nagpipigil ng tawa na katabi naman si yra na nakangiti. umupo na lang ako sa tabi ni sunny at nanahimik. >///////< eh pahiya kaya ako dun.
after ilang minutes....
Kristine's mind: noooooooooo!!!!!!!!!!!!! i wanna get out of these super duper silent place and shout!
grabe. sobrang tahimik at lahat ng player kailangan na ata ng concentration. di ako makapagsalita kasi baka mapahiya na naman ako. diba? BORED. :0
"Laboratory High School 1 and 2 proceed na sa court at in five minutes magsisimula na yung game."
"alis na ko. manunuod ba kayo?" tumayo na si dale at sinukbit yung bag niya sa balikat niya. player nga pala siya at kasali sa first five. grabe nung mga practice days namin seryoso talaga siya at parang merong gustong ma conquer. ewan ko lang. instincts ko lang siguro.
"manunuod kami. after ng game ni sunny, sabay mi na to si tine."
"ha? ako?" (lahat ng conversation at pagsasalita namin ay pabulong) pero halatang sa tone ng voice ko nagtataka ako kung bakit ako LANG ang ipapasabay niya kay dale.