TWIST 02

10.9K 451 61
                                    

NOTE: Hello, guys! Maraming salamat sa pagbabasa ng story ko na ito. May nabasa lang po kaong comment na parang 'Human Centipede' ang story ng TWIST. Kung nababasa niyo po ang posts ko sa Facebook account ko (JL Soju) ay alam niyo po na doon pa lang ay sinabi ko na ang TWIST ay inspired sa 'Human Centipede'. So, may pagkakahawig talaga ang story na ito sa movie na iyon. Iyon lang po. Hindi ko naman po itinatanggi na nai-inspired ako ibang movies... Maraming salamat po. God bless!

-----***-----

TWIST 02

MABILIS na lumipas ang mga araw, buwan at taon. Ang dating sampung taon na si Damian, ngayon ay dalawampung taon na. Marami na siyang kaalaman tungkol sa panggagamot. Ikaw ba naman ang ikulong sa mansion ay walang ginawa kundi ang mag-aral sa medisina. Halos naging pang-araw-araw na nga niya ang lab coat niya. Mataas ang pangarap ni Donya Guada sa kanya. At ang nais nito ay siya ang gagamot sa kanyang ama.

Isang umaga, pagkagising niya, hindi pa man nag-aalmusal ay nagtungo na siya sa silid ng kanyang Papa Ysmael dala ang mga gamit niya. Pagpasok niya sa silid ay sumalubong sa kanya ang amoy ng silid na parang matagal nang hindi nabubuksan. Diretso siya sa kama kung saan nakahiga ang ama. Nakadilat na ang mata nito. Mukhang katulad niya ay maaga din itong nagising. Hindi na ito nagsasalit. Puro ungol na lang. Gumagalaw nang bahagya pero hindi na nakakatayo, lakad o nakakaupo man lang. Parang nakadikit na sa higaan nito ang katawan.

Umupo siya sa gilid ng kama at inilabas ang stethoscope. Itinapat niya iyon sa dibdib ng kanyang ama.

Bigla siyang natigilan. Agad na pumatak ang luha ng kanyang mga mata.

"M-mama! Mama!!!" tawag niya sa ina.

Humahangos na pumasok sa silid na iyon ang kanyang Mama Guada. "Ano ka ba naman, Damian?! Napakaingay mo! Magigising ang papa mo sa sigaw mo. Walang galang!" Nakataas ang kilay na nilapitan siya nito.

"M-mama... ang Papa... Patay na siya!" umiiyak na deklara niya.

Kumibot-kibot ang labi nito sabay hinga ng malalim. "Kung gayon... Ngayon ko masusubukan ang husay mo sa medisina, Damian..."

"Ano pong ibig niyong sabihin, Mama?" Nagtatakang tanong niya.

"Buhayin mo ang Papa mo. Buhayin mo si Ysmael!"

-----***-----

"MAMA, saan po ba tayo pupunta?" tanong ni Damian habang nakasunod siya sa ina. Pumasok ito sa isang pinto na papunta sa basement ng kanilang mansion. "Papuntang basement po ito, ah."

"Alam mo pala, nagtatanong ka pa. Tumahimik ka na lang, Damian!"

Ayaw niyang magalit ito kaya naman sumunod na lang siya.

Pagdating nila sa basement ay binuksan nito ang ilaw doon at ganoon na lang ang gulat niya nang makakita siya ng isang lalaki na nakahiga at nakagapos sa maruming hospital bed na naroon. Ang basement ay kasinglaki ng floor area ng kanilang mansion. Iyon din ang nagsisilbing tambakan nila ng mga gamit na hindi na nila kailangan kaya medyo magulo doon.

"Mama! Sino ang lalaking iyan?" Lumapit si Damian sa lalaki. Nagpupumiglas ito pero hindi makapagsalita dahil sa busal sa bibig. Ang tanging suot nito ay ang kulay puting brief. Sa tantiya niya ay nasa edad treinta pa lang ito.

"Siya ang pagpa-practice-an mo ng panggagamot mo sa Papa Ysmael mo. Sige na, Damian, kilos na!"

"Pero, Mama, tao po ito. Hindi palaka, daga o anumang hayop."

"Alam ko, tao iyan! At anong palagay mo sa Papa mo? Palaka? Daga? Tao siya kaya tao din dapat ang pag-practice-an mo. Pinadampot ko pa iyan sa binayaran ko kaya paghusayan mo. Kailangan mong buhayin ang asawa ko kundi malilintekan ka sa akin, Damian! Huwag mong sayangin ang pagpapaaral ko sa iyo ng medisina!"

Napayuko si Damian. Nahihiya kasi siya kapag napapagalitan siya ng Mama Guada niya. Pakiramdam niya ay isa siyang walang silbi. Inutil.

"Opo, Mama... Pero, ang taong ito... buhay siya. Hindi ba pwedeng kumuha tayo ng-"

Mabilis na lumapit ang ina niya sa kanya at isang kutsilyo ang inabot sa kamay niya. "Pwes, patayin mo siya tapos buhayin mo!" utos nito.

"M-mama?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Damian.

"Ano pang hinihintay mo? Patayin mo na siya!"

Hinawakan ng Mama Guada niya ang kamay niyang may hawak sa kutsilyo at iginiya nito iyon para saksakin ang lalaki sa tiyan. Nanlaki ang mata ng lalaki at mas lalong nagwala ito.

Hindi naman makapaniwala si Damian na nagawa niyang saksakin ang lalaki. Tila namangha siya nang paghugot niya sa kutsilyo ay bumulwak sa sugat nito ang masaganang dugo. Tiningnan niya ang kutsilyong may bahid ng dugo sabay tingin sa kanyang ina. Sunod na tiningnan niya ang mukha ng lalaki. Parang nakaramdam siya ng kasiyahan habang nakarehistro ang hapdi sa mukha nito.

"Gawin mo na, Damian!"

Kusa na niyang sinaksak ang lalaki sa dibdib nito. Sa una ay mababaw lang. Ang ikalawa ay medyo may pwersa na hanggang sa maging sunod-sunod na ang pagtarak niya ng kutsilyo sa katawan nito. Para siyang nakagamit ng bawal na gamot. Naadik siya bigla sa pagsaksak sa lalaki. Ayaw na niya sanang tumigil kung hindi pa siya pinigilan ng kanyang ina. "Damian! Tama na! Patay na iyan. Ngayon... subukan mo siyang buhayin. Pag-aralan mong mabuti kung paano muling buhayin ang isang patay upang mai-apply mo kay Papa Ysmael mo. Iiwan na kita..." anito at umalis na ito sa basement.

-----***-----

HINDI napagtagumpayan ni Damian na buhayin ang lalaking iyon. Matapos ang dalawang araw ay sumuko na siya. Ganoon na lang ang galit ng kanyang ina sa kanya. Pinaghahampas na naman siya nito ng latigo. Sayang lang daw ang pinag-aralan niya. Wala daw siyang kwenta. Suko na si Damian na kaya niyang bumuhay ng patay pero ang Mama Guada niya ay hindi pa.

Ilang araw lang ang lumipas ay may dinala na naman itong tao sa basement. Babae. Katulad ng dati ay pinatay niya muna ito pero makalipas ang dalawang araw ay hindi niya rin ito nabuhay. Nasundan nang nasundan ang pagdadala ng tao sa basement para pag-ekspirimentuhan niya. Ngunit lagi siyang bigo.

Umabot pa ng isang buwan, halos mabusog na sa gamot ang katawan ng ama niya dahil sa gamot na tinuturok nila dito para hindi ito mabulok. Wala pa ring balak sumuko ni Donya Guada.

-----***-----

BAGSAK ang balikat na lumabas ng basement si Damian. Katatapos lang niyang subukang buhayin ang isang bata pero bigo na naman siya. Halos hindi na niya maihakbang ang kanyang mga paa papunta sa silid ng kanyang ina. Sigurado kasi na papagalitan na naman siya nito kapag nalaman nitong bigo na naman siya.

Tama nga ang hinala niya. Nang sabihin niya ditong bigo siya ay agad nitong kinuha ang latigo nito at walang awa na pinaghahampas siya. "Wala ka talagang kwenta! Walang silbi! Siguro ay ikaw na lang ang dapat na namatay! Inutil ka, Damian! Walang kwentaaa!!! Sana ay hindi na lang kita naging anak!"

Bawat hampas ng latigo ay tumatama sa iba't ibang parte ng katawan niya. Masakit. Pero wala nang mas sasakit pa sa mga salitang binibitiwan ng kanyang ina. Ginagawa naman niya ang lahat. Sinusunod naman niya lahat ng sinasabi nito. Kahit kailan ay hindi siya sumuway dito. Pero para dito ay wala pa rin siyang kwenta. Buong buhay niya ay nagpatali siya sa mga salita nito pero masamang anak pa rin siya para dito!

"Tama naaa!!!" Malakas na sigaw ni Damian. Walang takot na hinawakan niya ang dulo ng latigo na tatama na naman sana sa katawan niya.

Hindi makapaniwalang tiningnan siya ng ina. "Hayop ka! Sinisigawan mo ako?! Sumasagot ka na?!" galit na sigaw nito sa kanya.

Matapang na tumayo si Damian at masamang tumingin sa ina. "Sawang-sawa na ako sa iyo! Buong buhay ko, wala akong ginawa kundi ang sundin ang lahat ng sinasabi mo! Ngayon, gagawin ko naman ang gusto ko!" aniya at isang mala-demonyong ngiti ang pinakawalan niya.

TO BE CONTINUED...

SICK: Part TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon