Brown Eyes || Pearl Vina
Chapter One
"Maria! Bumalik ka dito kinakausap pa kita!" Sigaw ng mama ko.
Bahala siya jan. Kahit pumutok ang ugat niya sa ngala ngala hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari.
Padabog kong sinara ang pintuan ng kwarto ko saka ito nilock. Maling desisyon talaga na umuwi ako eh dapat nag stay nalang ako sa apartment. Akala ko pa naman kung anong importanteng bagay ang sasabihin sakin ni mama wala naman palang kwenta.
"Maria! Buksan mo tong pinto!" Nasa labas na ng kwarto ko si mama at kinakatok ito ng malakas.
Pero imbis na buksan ang pinto ay nagsuot ako ng earphones saka nagpatug-tog ng malakas. Matutulog nalang ako. Bahala siya jan.
Malapit na kong maka idlip ng biglang may humaltak sa earphones na nakalagay sa tenga ko. "Aray!" Sabi ko saka napabangon. Bumungad naman sakin ang mukha ng mama ko na halatang galit na galit na.
"Sinusubukan mo ba talaga ko?" Hindi ako sumagot. Umiwas lang ako ng tingin. Lagi nalang ganito. Nakakainis.
"Maria. Just this one please? After neto hindi na kita kukulitin. Pumayag ka lang." Ayan na. Kaya ayaw ko siyang kausapin kasi pag nag 'please' na siya papayag nanaman ako.
Ano nga bang gustong mangyari ng mama ko? Blind date. Oo, sinet up ako ng sarili kong mama na makipag date. Kung di ko lang to nanay baka inisip ko na na binubugaw ako eh.
Pero dahil mama ko siya alam kong ginagawa niya lang to dahil pursigido siyang baguhin ako.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Fine. But after this please lang ma tumigil ka na. Kasi no matter what you do. No matter what you say, ganito ako. And that won't change ma." Sabi ko saka humiga at ibinalik ang earphones sa tenga ko.
Ano nga ba kasi ako? I'm lesbian. Tomboy. Lesbo. Shibuli bam bam. Kaya naman lagi akong siniset up ni mama sa mga date date na yan. Hoping na magiging straight ako. Sobrang pursigido niya. Sa tanang college life ko hindi siya tumigil maghanap ng ka date ko.
May kapatid akong kambal na dalawang lalaki tapos ako yung panganay. Wala kaming tatay, ewan ko kung nasan siya at wala akong paki elam sa kanya. In short single mom si mama. 'Unica hija' niya raw ako kaya hindi siya tumitigil na iset up ako sa mga date na yan.
Second year college ako ng nag 'out' ako. Sabi ni mama bata pa daw ako at hindi pa sigurado pero alam ko sa sarili kong sigurado na ako sa kung ano ba talaga ang gender ko.
Akala ko nung una okay lang kay mama na lesbian ako pero nung nag college na ako at nag paikli ng buhok na windang yata ang nanay ko at hinanapan ako ng ka date.
At kahit ngayong fifth year college na ko ganun pa din. Nakakasawa na. Pero ano bang magagawa ko? I love my mom so much. Kahit anong gusto niya sinusunod ko.
Nung sinabi niyang mag engineer ako ginawa ko kaya heto kahit malapit na akong maubusan ng buhok sa katawan nagsusurvive padin ako. Kinakaya ko para sa kanya kasi pangarap niya to para sakin.
Naiinis lang talaga ako everytime na sinasabi niyang makipag date ako. Eh kahit sino namang pontio pilato ang iharap sakin wala paring nagbabago.
"Ugh" bumalikwas ako ng kama saka umupo.
"Buti sana kung kamukha ni Anne yung ka date ko eh no?" Bulong ko.
Si Anne? Siya yung crush ko. Ah hindi. Mali. Si Anne yung babaeng gustong gusto ko pero di ko makuha.
Di dahil tomboy ako at ayaw niya ko kundi dahil may boyfriend siya.
Hello, ang hirap kayang kuhanin ang isang taong pag-aari na ng iba.