Chapter Eight

6 0 0
                                    

Brown Eyes || Pearl Vina

Chapter Eight

Bigla akong nahilo dahil naalala ko lahat ng nangyari nang gabing yun. Yung gabing sinasabi ni Jiro kanina.

Para bang automatiko kong naalala ang lahat.

Seventeen at first year college palang ako ng mga panahon na yun pero dahil nga may katangkaran ako at hindi halatang menorde edad nakapasok ako ng bar ng walang problema.

Nang mga panahon na yun nagkasabay-sabay ang problema ko na para bang sinadya ang lahat.

My boyfriend for almost two years Bryan, broke up with me. Bago pa maging kami alam ko nang bisexual ako. Nagkakagusto ako sa babae at sa lalaki. Attracted ako sa parehong gender. Sinabi ko sa kanya yun at buong puso niya kong tinanggap not until first year second sem. Meron akong kaibigan na babae, si Keila, at aminado akong gusto ko siya. Ang ganda niya at parang anghel.

I know that she's also a bisexual. Hindi man niya iconfirm alam ko. Ewan ko ba para kasing meron akong radar pagdating sa mga ganyan. Siguro nga totoo yung mga naririnig ko na 'kapwa niya bakla ang makakaalam na bakla siya.'

She's single and I know, I can feel na attracted din siya sakin. Hindi lang siguro siya nagsasalita dahil alam niyang may boyfriend ako.

Lumayo ako sa kanya at hindi pinansin kung ano man ang nararamdaman ko dahil mahal ko ang boyfriend ko. Ayaw kong masaktan si Bryan. Ayaw kong saktan ang feelings niya at ang pride niya na iniwan ko siya para sa isang babae.

Nagdaos ng university week ang univ. na pinapasukan ko at nagkaroon ng party. After the party nagkayayaan na uminom sa bahay ng isa kong kaklase.

I texted Bryan para sabihin sa kanya kung nasan ako dahil gusto daw niya kong sunduin. Nagpaalam na ko sa mga kaklase ko bago pa man mag ala una ng umaga at ayaw kong umuwi ng lasing.

Paglabas ko bumungad sakin si Keila. She dragged me and kissed me. She pressed her lips to mine. Hanggang sa nakaramdam ako na may humaltak sakin and when i looked at that person I saw Bryan.

Galit na galit siya. Nakatingin siya sakin at hindi maipinta ang mukha niya. Iniuwi niya ko saamin nang hindi man lang ako kinakausap. Lasing ako pero alam ko ang nangyayari kaso wala ako sa sapat na katinuan para mag-explain sa kanya.

Kinaumagahan pinuntahan niya ko sa bahay at nakipag break sakin. I reasoned out pero hindi siya nakinig. Pinilit kong isalba yung relasyon namin pero sarado na ang tenga at puso niya.

Iniwan niya ko nang hindi man lang ako pinapakinggan.

Nang araw na yun para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Ilang oras akong nakatulala sa loob ng kwarto ko. Iniisip kung may paraan pa para balikan ako ni Bryan nang bigla ako makarinig ng kumakalampag at nagsisigawan sa labas ng kwarto ko.

That must be my dad and my mom. Napakunot ang noo ko dahil hindi sila nag-aaway nang ganyan kaingay. Tahimik lang sila at madalas nasa kwarto lang pag magkaaway sila.

Binuksan ko ng kaunti ang pintuan ng kwarto ko para marinig ng maayos kung ano ang pinagtatalunan nila.

"Gano na katagal? Sabihin mo sakin! Gano na katagal na ginagago mo kami ng mga anak mo? Hindi ka man lang nahiya! Ang kapal kapal ng mukha mo!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumabas dahil sa tono ng mama ko alam kong umiiyak na siya at sa pagkakadinig ko may ginawang kasalanan ang daddy ko.

"Lory, hindi kita gustong lokohin. Mahal kita. Mas mahal kita kesa sa kanya isa pa wala kaming anak. That boy you saw? Ampon namin siya. We're just married through papers but I don't love her. Ikaw yung mahal ko. Wala lang talaga akong choice sa ngayon. She's sick and she needs me." Napahinto ako sa paglalakad pababa ng hagdan dahil sa mga sinabi ni daddy. Ano bang nangyayari? Sinong may sakit?

"You don't love me! Hindi mo ko mahal David! Kasi kung mahal mo ko hindi mo ko lolokohin. Hindi mo ko pagmumukaing tanga sa harap ng mga kaibigan mo at mga magulang mo!" Gusto kong magpakita sa kanila at ipaalam na nandito ako para tumigil na sila sa pagtatalo pero hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan ko. Nararamdaman ko yung sakit na dinadanas ng mama ko kahit hindi malinaw sakin kung anong nangyayari.

"Alam nilang lahat na kabit ako! Pero ako mismo na kabit ni hindi man lang alam! Ni wala man lang akong idea! Nagkaanak tayo lahat lahat hindi ko man lang nalaman!

Sana man lang sinabihan mo ko na 'hoy Lory! Kabit kita! May asawa na ko at may ampon kami!' pero hindi David. Niloko mo ko. Niloko mo kami ng mga anak mo." Sa pagkakataong ito nagpakita ako at tinawag ang atensyon nila.

"Ma, dad" sabay silang napatingin sakin. Bakas sa mukha nila ang gulat nang makita ako.

Agad na nagpunas ng luha si mama bago ako nilapitan. "Maria, bakit wala ka sa school? Wala ka bang pasok? Kanina ka pa ba jan?"

Hindi ko pinansin ang tanong ni mama at tinignan ko lang sila.

Tinanong ko sila kung anong nangyayari at dun ko nalaman ang lahat.

Bago ang mama ko ay nagpakasal si daddy sa isang babae at nag ampon sila ng batang lalaki dahil merong problema sa babae at hindi sila magkaanak.

Until my dad met my mom. They fell inlove with each other and had me and my twin brothers.

All this time hindi alam ni mama na niloloko siya ni daddy. Nalaman lang niya dahil sinamahan ni mama si tita sa isang ospital para magpacheck up and she saw my dad there with his real wife and his adopted son.

May sakit yung tunay na asawa ni daddy at hindi niya ito maiwan. Nagmamakaawa ito sa kanya na samahan siya.

Hindi ko alam kung pano ipapasok sa utak ko lahat ng nangyayari. Para akong nasa teleserye at kontrolado ng mga director ang lahat at wala akong choice kundi tanggapin ang lahat.

Sabay sabay, wala man lang break maski isang araw. Hindi man lang ako hinayaang mag drama sa break up ko.

Tuluyang umalis si daddy at ganun din si Bryan. Sabay na nawala yung dalawang lalaki sa buhay ko na minsang nagpasaya sakin.

Pareho nila akong sinaktan. Pareho nilang winasak yung puso ko.

Halos lunurin ko ang sarili ko sa alak at hindi na ko umuuwi samin. Pumapasok ako tapos didiretso sa mga bar para uminom. Uuwi ako ng umaga para maligo at magpalit ng damit noon.

"Ate." Napalingon ako sa kapatid ko. Pagkatapos manggaling ni Jiro sa apartment ko ay umuwi ako dahil pakiramdam ko kailangan ko ng comfort na nakukuha ko pag nandito ako samin.

"Why are you crying?" Hinawakan ko ang pisngi ko to wash away my tears. Umiiyak na pala ko dahil sa mga masasakit na ala-ala ko.

"Wala. May naalala lang ako." Tumayo sa kama at nilapitan ang kapatid ko na halos abutan na ang height ko saka siya niyakap ng mahigpit na siya namang ibinalik niya din sakin.

Napangiti ako dahil kung meron mang lalaki na hindi ako sasaktan yun ay ang mga kapatid ko.

"Anong drama to?" Lalong lumapad ang ngiti ko ng makita ko yung isa ko pang kapatid.

"Wala naman." Kumalas ako sa yakap at bumaba para pumuntang kusina para uminom ng gamot dahil nakaramdam ako ng sakit ng ulo.

Pero bago ko pa tuluyang mainon ang gamot na hawak ko biglang nagdilim ang paningin ko at bumigat ang buong katawan ko. Hanggang sa nagdilim ang paningin ko at naramdaman kong bumagsak ako.

"Ate!"

Brown EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon