Chapter Nine

10 0 0
                                    

Brown Eyes || Pearl Vina

Chapter Nine

"Maria. Tara na kumain na tayo" malumanay na tawag sakin ni mama. Sumunod naman ako at bumaba na para kumain.

Magmula nang nahimatay ako ay hindi na ko pinayagan ni mama na umuwi sa apartment ko. Natatakot siyang mangyari ulit yun nang wala akong kasama.

Tahimik kaming kumain. Walang nagsasalita. Wala din akong ganang kumain. Pakiramdam ko ay sira ang tiyan ko. "Ma alis na ko"

Tumayo ako kahit hindi pa man ubos ang kinakain ko dahil wala talaga akong gana.

"You should eat Maria. Sit down." She said firmly and with authority na para bang pag sumaway ako ay mapaparusahan ako.

Bumalik ako sa pagkain ko at inubos ang natitira sa pinggan ko kahit pa gusto ko nang isuka lahat.

"Drink this" nang makita ni mama na tapos na kong kumain inilagay niya sa harap ko ang isang basong gatas. Tulad kanina hindi na ko nagreklamo at ininom ito.

Tumayo ako para kunin ang susi ng motor ko para makaalis na ko dahil meron pa kong klase nang harangan nanaman ako ni mama. Napabuntong hininga nalang ako dahil kahit anong pilit ko na mag motor papasok ay hindi niya ko pinapayagan kaya wala akong ibang choice kundi makisakay sa kotse ng mga kapatid ko.

"Tara na te" dinig kong tawag sakin ng kapatid ko.

"Ma alis na kami" sabi ko sa kanya saka siya hinalikan sa pisngi at niyakap.

"Mag-iingat ka. I love you." Napangiti naman ako because my mom never fail to make me feel loved. Napakaswerte ko sa mama ko.

"Awww ma! Bakit si ate lang? Wala ba kong kiss at 'I love you'?" Madramang pagbibiro ng kapatid ko na si Blue. Sa kambal ay si Blue ang maingay at magulo hindi katulad ni Skye na tahimik lang at seryoso.

Tumawa ang mama ko at niyakap din siya. Maging si Skye ay niyakap niya ng dumaan ito.

Pagdating sa univ. ay nakaramdam ako ng pagkahilo kaya nag stay muna ako sa lobby ng building namin.

Akala ko ay mawawala ang pagkahilo ko pag hindi ako gumalaw pero wala paring nangyayari nasusuka pa ako.

Agad akong tumakbo papunta sa cr at duon nagsuka. Araw-araw laging ganito. Gustong gusto ko na laging uminom ng gamot pero pinagbawalan ako ng doctor. Normal lang daw ito.

Kung ganito ang normal ayaw ko nang maging normal. Sumandal ako sa pader ng cubicle kung san ako sumuka. Pawis na pawis na ko pero wala akong paki elam. Masama ang pakiramdam ko pati na din ang loob ko.

Pumikit ako saglit at huminga ng malalim bago tumayo at lumabas pero paglabas ko ng cubicle ay nakita ko si Anne.

"Daniela." Yun lang ang sinabi niya pero parang nagwawala na ang buong pagkatao ko. Ang tagal ko din siyang hindi nakita.

"Anne. Kamusta?" Tanong ko habang nakangiti. Tapos ay nilagpasan ko siya at naghilamos ako ng mukha ko at nag mumumog dahil baka amoy suka na ang bibig ko.

"I saw you earlier at the lobby. You look sick." May bahid ng pag-aalala ang tono niya. Tinignan ko siya sa salamin saka ngumiti ulit.

"Ayos lang ako. Mejo nahilo lang, dahil siguro uminom kami kagabi. Alam mo na, hangover." Pagdadahilan ko. Gusto ko ulit masuka dahil sa kasinungalingang lumabas sa bibig ko. Ayaw kong sabihin sa kanya ang totoo dahil natatakot ako.

"Are you sure? It doesn't look like you have a hangover Daniela." Nagdududa niyang tanong. Bigla naman akong kinabahan. Bakit ba hindi nalang siya umalis?

"May klase pa ko. Sige na mauna na ko" sabi ko saka nagmadaling lumabas ng cr para dumiretso sa klase ko.

Hindi ko naman alam na may pagkamakulit pala tong si Anne at patuloy akong sinundan. Kunyari ay hindi ko alam na nakasunod siya at patuloy lang ako sa paglalakad ko.

"Are you pregnant?" Agad akong napahinto sa paglalakad nang marinig ang mga salitang yun galing kay Anne.

Napatingin ako sa paligid para tignan kung may nakarinig na iba sa sinabi niya pero mukhang wala naman.

"Bat mo naman nasabi yan? I can't be pregnant. I'm gay. Tomboy ako. Hindi ako pwedeng mabuntis." Alam kong hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko pero wala akong pakielam. Kahit anong mangyari hindi ako magsasalita.

"We both know that not because you're gay hindi ka na mabubuntis. You are still a girl after all." Umiwas ako ng tingin dahil naalala ko si Jiro sa mga mata niya.

"I'm not pregnant. At kahit buntis ako hindi ko padin sasabihin sayo. Wala ka nang pakielam" sabi ko saka siya tinalikuran nang bigla nanaman siyang nagsalita.

"I care Daniela. Because kuya loves you. He's miserable dahil wala ka. Mahal ka ni kuya kaya may pakielam ako. And if I'm right that you are pregnant hindi mo dapat to tinatago dahil for sure kuya will accept you both with open arms." Sabi niya. Sa tono ng boses niya para siyang nagmamakaawa na sabihin ko na ang totoo.

Hindi ko siya sinagot bagkus ay tuluyan akong naglakad palayo sa kaniya.

"Congrats, you're three weeks pregnant" napatulala ako dahil sa sinabi ng doctor. Ginagago ba ko neto? Joke time ba to? Dahil kung oo hindi magandang joke ito. Hindi nakakatuwa.

"Anak." Tawag sakin ni mama at hinaplos ang likuran ko.

"Ma. Is this a prank?" Tanong ko. Hindi kasi talaga pwede to.

"No. You're going to be a mother" sabi niya habang nakangiti. Bakit siya naka ngiti? Walang nakakatuwa.

"Ma hindi pwede to. Hindi ako pwedeng mabuntis. Hindi pa ko graduate. Ayaw kong magmarcha na malaki yung tiyan! Hindi ako pwedeng mabuntis ma!" Kung kanina ay kalmado pa ko pero ngayon ay umiiyak na ko at sumisigaw.

"That's not a problem. Ayos lang sakin kahit next year kana grumaduate if you don't want to attend school while pregnant. Wala kang dapat ipag-alala" umiling ako. Dahil mali siya.

"No ma. Wala akong alam sa pag-aalaga ng bata! Wala kong trabaho! I'm not a mother material! I don't even want to be a mother!" Ang sakit sakit ng dib dib ko dahil hindi ko kinakaya ang mga nangyayari. Bakit ganito? Patuloy akong umiyak habang yakap yakap ako ng mama ko.

"Don't say that. Nandito ako tutulungan kita. Hindi kita pababayaan."

"I know ma. But I'm scared. Anong sasabihin ko sa batang to pag lumaki na siya? Na wala siyang daddy kasi ayaw ko sa daddy niya. Ano nalang mararamdaman niya pag nalaman niyang tomboy ako?" Natatakot ako na magalit sakin ang batang dinadala ko dahil lalaki siyang walang tatay

"Don't worry about that. For now all we need to do ay alagaan ka. First time mo magbuntis kaya magiging mahirap but I'll be here no matter what. And you need to tell this to the guy who impregnated you. Kailangan niyang malaman.

If he accepts you and the child both of you can decide kung anong gusto niyong mangyari and if he  didn't, then I'm here. Hindi kita iiwan"

Pero hindi ko ginawa ang sinabi ni mama. Ayaw kong ipaalam kay Jiro na buntis ako. Pagkatapos ko siyang saktan at palayuin lalapit ako sa kanya para sabihing buntis ako? Ano nalang ang sasabihin niya?

Haharapin ko to nang wala siya. Ako lang at ang pamilya ko. Hindi malalaman ni Jiro na buntis ako.

Papalakihin ko ang bata na walang daddy. Nakaya ko nga mabuhay ng walang ama ito pa kayang magiging anak ko?

Brown EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon