Chapter Four

10 0 0
                                    

Brown Eyes || Pearl Vina

Chapter Four

It has been four days since my date with that Jiro. Four days na din simula nung makita ko si Anne na umiiyak at nalaman na magkapatid sila ni Jiro. At higit sa lahat Four freaking days na din na nagpapadala ng chocolates at damit yung putanginang Jiro na yun.

Naiinis ako kasi pano ba naman. Yung chocolates eh yung favorite ko tapos yung mga shirt at pants na pinapadala niya eh ang gaganda at saktong sakto sa sukat ko.

Gustong-gusto kong itapon pabalik sa kanya lahat pero anong magagawa ko? Lahat ng binibigay niya gusto ko. Hindi ko matanggihan. Di bale, babayaran ko nalang siya. Pag engineer na ko.

"Hi." Dinig ko. Tumingala ako at bumungad sakin ang dyosang si Anne. Teka, totoo ba to? Kinakausap ako ni Anne!!

Ngumiti lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko at hindi ako makapasalita. Ganito ba ang feeling ng natotorpe?

Umupo si Anne sa tabi ko. Kanina pa kasi ako naka-upo dito sa gilid ng building namin at naghihintay sa susunod kong klase. Mechanical engineer si Anne habang ako naman ay Computer engineer kaya nasa iisang college lang kami at madalas ko siya makita.

"Daniela right?" Tanong niya. Ngumiti ulit ako saka tumango.

Mukha na kong gago na ngiti ng ngiti.

"So what do you think about kuya Jiro?" Asdfghjk puta. Hanggang dito ba naman sa univ. pangalan pa din ng Jiro na yan?

"Uhh. Ayos lang." Tipid kong sagot. Jusko Anne, bakit hindi natin ibaling ang topic kung bakit ka umiiyak nung nakita kita?

Nakita ko namang nagulat si Anne sa sagot ko. Bakit? May mali ba sa sagot ko?

Buti nga hindi ko sinabing 'walang kwenta yung kuya mo. Baliw na siya, Biruin mo papatulan ako eh pareho lang naman kami'

Pero bago pa makasagot si Anne eh nagsalita na ko. Baka mamaya kung ano pang sabihin neto eh.

"The last time I saw you. Umiiyak ka. Bakit?" Tanong ko. Nacu-curious kasi talaga ako at nag aalala din para sa kanya at the same time.

Bigla naman siyang napatahimik at yumuko. Wag mong sabihing iiyak siya. Ano ba yan. Pag umiyak siya hindi ko alam ang gagawin ko. Wag kang umiyak baby Anne ko please.

"About that. Sorry nga pala kasi I interrupted your date with kuya" wala kang interrupt Anne. Walang wala.

"I just really don't know kung kanino lalapit." Sabi niya na para bang malapit na siyang umiyak. Hindi ako sumagot at hinintay lang siyang ituloy yung kwento niya.

"That night. I and Axel broke up. I saw him kissing another girl. Nagbulag-bulagan ako, sinabi ko sa kanya na sabihin lang sakin na natemp lang siya and that he loves me. Papatawarin ko siya ng buong buo pero hindi. He grabbed that girl again and kissed her infront of me." Pagkatapos nun ay tuluyan nang tumulo ang luha niya.

Hindi ko napansin na nakayukom na pala yung mga palad ko kung hindi ko ito itinaas para haplusin ang likod niya.

Gusto kong suntukin yung hinyupak na yun. Tinake for granted niya si Anne. Tinake for granted niya yung babaeng gusto kong alagaan at itreasure

Humahagul-gol na si Anne sa pag-iyak at may mangilan-ngilan na din ang tumitingin samin kaya niyakap ko siya. Agad din naman niya kong niyakap pabalik at umiyak siya sa balikat ko.

I don't know if I should be thankful na nag break sila nung boyfriend niya dahil sa wakas may chance na ko o dapat akong magalit kasi sinaktan niya yung babaeng gusto ko.

"You can always talk to me Anne." Sabi ko. Sa kursong meron kami bihira ang may mag stay kang kaibigan di dahil lumalayo sila kundi dahil lumilipat sila ng university. Kada semester nababawasan ang mga kaklase mo hanggang sa mawalan ka ng section kasi na liquidate na kayo dahil sa sobrang konti.

Kaya hindi kaila sakin na baka kaya sa kuya niya lumapit si Anne eh dahil wala siyang kaibigan na malalapitan.

Pero andito naman ako. Handa akong samahan siya. Isang tawag lang sakin ni Anne, handa akong iwan lahat ng ginagawa ko para sa kanya.

Brown EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon