Brown Eyes || Pearl Vina
Chapter Six
Kanina pa ko gising pero hindi ako umaalis ng kama ko. Alam kong meron akong klase pero wala talaga ako sa mood na bumangon at mag-ayos.
Kanina padin nagriring ang cellphone ko pero di ko ito sinasagot. Alam ko naman kasing si Jiro lang yan at kukulitin ulit ako.
After that night palagi na niya akong sinusundo at pinupuntahan sa univ. Palagi akong tumatanggi pero palagi din siyang gumagawa ng paraan para sumama ako sa kanya.
Hanggang sa isang araw tinamad na kong tumanggi at sinusunod ko nalang yung sinasabi niya. Ni hindi na nga ako nagdadala ng motor. Kasi panay ang hatid sundo niya saakin.
Sa mga oras na magkasama kami nung una hindi ko siya kinakausap at panay ang pambabastos ko pero di nagtagal naging at-ease na ko around him and I started talking and telling him stories.
Oo aaminin ko masaya siya kasama pero iba kasi ang gusto niyang mangyari. He want to be my boyfriend. Kadiri lang diba?
Nalaman niya din na may gusto ako sa kapatid niyang si Anne dahil one time ay nakita niya ko nakatulala sa kapatid niya.
Hindi na ko nagkaila nung tinanong niya ko. Gusto kong malaman niya na isa sa dahilan ng pagpayag ko sa pagsama sa kanya ay dahil kay Anne.
Magmula nang malaman niya na may gusto ako sa kapatid niya, bibihira ko ng makita si Anne. Hindi na siya sumasama saamin ni Jiro sa pag-uwi. Ni hindi na din ako pinapansin ni Anne pag nakakasalubong ko siya sa univ.
Kaya naman halos mag-iisang linggo ko nang hindi pinapansin si Jiro. Naiinis kasi ako. Dahil panigurado may kinalaman siya kung bakit ako nilalayuan ni Anne.
Kung kelan naman magkaibigan na kami at alam kong may chance na ako sa kanya saka naman ilalayo nung Jiro na yun si Anne. Bakit ba hindi nalang niya ko hayaan?
"Daniela" napabalikwas ako sa kama ko nang marinig ko ang pangalan ko.
"Tangina naman. Hindi kaba marunong kumatok? Saka pano ka nakapasok dito?" Tanong ko saka siya sinamaan ng tingin. Nakita kong sumama din ang tingin niya sakin nang marinig niyang minura ko siya pero agad din naman itong nawala.
Matagal niya kong tinitigan at agad naman akong umiwas. Ayaw kong tinitignan niya ko. Nung huling natitigan niya ko ng ganyan nawala ako sa huwisyo at may nangyari samin. Ayaw kong maulit pa ang pagkakamali kong yun.
"Are you sick? May klase ka diba? And why are you not answering my calls? Hindi mo din binubuksan ang pinto kanina pa ko kumakatok. " sunod sunod niyang tanong.
Inikutan ko siya ng mata bago ako sumagot. "Ano bang problema mo? Wala akong sakit. Tinatamad lang ako. Ayaw kong pumasok. Hindi ko sinasagot yung tawag mo kasi ayaw kitang kausapin at di ko binubuksan yung pinto dahil ayaw kong makita yang pagmumukha mo!"
Ako mismo nagulat dahil napagtaasan ko siya ng boses. Hindi ko alam kung bakit ako ganito nagagalit sa kanya. Siguro nga masama lang talaga ang loob ko at inilalayo niya ko kay Anne.
Nagulat ata siya sa pagsigaw ko kaya napatigil siya.
"Sorry. Umalis kana. Ayaw kitang makita. Please Jiro I don't want to see you ever again. Tigilan na natin to." Pagod na kasi ako. Pagod na ko sa mga pinaggagawa niya at kahit anong mangyari hindi ako magpapaka straight na babae dahil lang may nangyari samin at dahil lang sa kanya.
Hindi siya sapat na dahilan.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita "Daniela is there a problem? Ayos naman tayo diba?"
Napasinghap ako dahil sa sinabi niya. "Ayos? Hindi porket sumasama ako sayo at pumapayag akong ihatid sundo mo ako eh ibig sabihin nun ayos tayo! Hindi porket komportable na kong kasama ka eh ayos na tayo! Wake up Jiro! Hinding hindi na ko magiging straight na babae! Tomboy ako and that won't change! No matter what you do or say! Kahit ilayo mo pa sakin si Anne hinding hindi ako magkakagusto sayo!"
Sa sobrang galit ko ay dinuduro duro ko na pala siya ng di ko nalalaman.
Tinignan ko siya pero imbis na makitang galit din siya sakin dahil sinagawan ko siya nakita kong parang... nasaktan siya sa mga sinabi ko.
Bakit siya nasasaktan? Laro lang naman ako sa kanya. Challenge lang ako kumbaga. Diba?
Hindi siya nagsasalita at ganun din ako. Nakatingin lang kami sa isa't-isa.
Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko sa kanya dahil naiinis akong makita siyang nasasaktan. He look vulnerable. Pero huli na. Hindi ko pwedeng bawiin ang nasabi ko na.
"Fine. Lalayo ako. I won't bother you anymore Daniela if that's what you want. But please not my sister. Not Anne. I can see that she's fond of you and maybe if you keep being her friend she'll fall for you. And that, I can't bare to see. I can't bare to see that the woman I love is in a relationship with my little sister." Saad niya saka ako tinalikuran at nag-umpisang maglakad palayo.
Hindi ko alam kung nagi-guilty ako kaya parang kumirot ang dib-dib ko dahil sa sinabi niya.
Napangiti din ako dahil sabi niya 'the woman I love'. Kahibangan, marerealize din niyang nababaliw lang siya kaya niya nasasabi yang mga yan.
Bago pa man siya tuluyang makalabas ng kwarto ko ay humarap siya sakin, tinitigan ako sa mata at muling nagsalita.
"That night. You were so drunk and wasted. You're all alone while crying and I witnessed how much you drink na para bang gusto mo nang mamatay. I was there Daniela. I was the man you are talking with. I was the man who listened while you confessed every single thing that happened to you, your ex boyfriend and your family. I was the man you begged to be your boyfriend because you are so confused with your sexual preference.
I'm just doing what you asked for Daniela. But I fell inlove with you and I don't even know how and why. And now I end up broken because you can't give me back the love I am giving to you and you can't even accept it. Heck! You don't even want any of it."
Nahihilo ako dahil sa mga pinagsasabi niya. Bakit ba niya sinasabi yang mga yan? At anong 'that night'? Kelan ba yun?
Hindi ako makapagsalita. Napipi na ata ako. Wala din akong maisip, para bang hindi gumagana ng matino yung utak ko.
"I'll stay away from you and won't bother you anymore as you wish. But please always remember that I love you so much Daniela."
With that tuluyan na siyang umalis.
Napahinga ako ng malalim. Dahil alam kong sa pag-alis niya tuluyan na din siyang umalis na siya sa buhay ko.