Kabanata I

26 7 1
                                    

Mimi short for Carmi Geronimo. Seventeen years old at second year Literature student.

Masipag mag-aral. Masunuring anak.

Maganda...ang kalooban.

Hopeless romantic. Kaya yan nag-aral ng Literature e.

She had to transfer school kahit na second semester na. She need to fit in sa mundo ng uncle Sam niya. Fiancé ng mommy niya.

She lost her dad when she was seven. Her family went bankrupt. Lahat ng luho nila dati hindi na maibigay ng mommy niya. She had to give up learning how to play the piano.

It was only a year ago nang magkakilala si Athena, ang kanyang ina, at ang mayamang si Samuel or Sam for short. He wanted Mimi transferred to a well known university. Halos mayayaman ang nag aaral. Hindi naman siya maka tanggi dahil good education ang offer ng matanda.

Behind her mom and uncle's back, Mimi took a scholarship exam at naka pasa siya.  Ayaw niyang balang araw ay may maisumbat ng fiancé ng mama niya sa kanila when things do not go well.

Physically, Mimi is an average teen. Five feet flat. Pati chest flat din. Mana siya sa daddy niya na medyo brownish ang kulay ng mata. Untamed ang mga kilay kahit na ilang beses na siyang inaaya ng mommy niya na magpa-thread. She wears glasses kasi lumabo mata niya kakabasa.

She loves books. Romance eklaboo.

Mimi is a day dreamer kaya madalas siyang tulala. Kung hindi sa library ang tambayan niya e sa gilid malapit sa bintana kasi mas madali mag day dream kapag nakikita ang malawak na kalangitan.

"Mimi!!! Male-late ka na sa school!" Tawag ng mommy niya mula sa ibaba. Nakatira sila sa isanng two-storey townhouse na kinuha ni Sam. New house. New school.

Nasa business trip si Sam kaya dalawa lang sila ng mommy niya sa bahay. Medyo may tampo pa siya sa mommy niya sa pagpayag nito na lumipat sila ng bahay. Bago na nga ang school nila pati mga friends niya na kapit bahay nila kinailangan niyang iwan.

"Gising na po ako. Pasok na ako." Matamlay na sabi ni Mimi sa mama niya na nagtitimpla ng kape.

"Oh bakit ganyan naman ang beautiful daughter ko?" Pag lalambing ng mama niya. Tinawag siya nito at pinalapit sabay niyakap.

"Ma naman e.. Naiiyak tuloy ako." Pinigil ni Mimi ang nangingilid na mga luha. She loves her mom kaya hindi niya kayang magalit dito. She is in the process of understanding why her mother needed to marry another man and do all these big steps sa buhay nilang mag ina.

"E kasi ikaw ke aga-aga naka busangot ang mukha mo. Basta anak, love ka ng mommy ah." Pagkasabi ay hinalikan siya nito sa noo.

"Leran to like your new school at least yong gusto mong degree ang kinuha mo diba? Go ahead baka ma-late ka pa."

Kinuha lang ni Mimi ang strawberry biscuit at umalis.

Third period na nila Mimi. Muntik na siyang mahuli kaya nagmamadali siyang umupo sa likuran sa may tabi ng bintana.
Reading day nila. Nang magsimulang maglecture si Prof Magnayi ay tuluyan ng lumipad ang isip ni Mimi palabas ng bintana. Naalala niya ang binata na tumugtog ng piano kanina.

She tried remembering how he looked like.

Messy hair. Luscious lips. Bright black eyes. Makinis at magagandang mga kamay.

She caught herself smiling ng maalala na nag day dream siya habang tumutugtog ito. It was about her, near the ocean, and a man walking towards her.

Napabuntong hininga si Mimi. Malalim. Hindi ko man lang natanong ang pangalan niya. Wasted ang motto ko na Carpe Diem. Seize the moment.

Napatingin siya sa gilid kung saan lahat ng classmate niya ay nakatingin sa kanya at ang ilan ay natatawa.

Pagkalito ang rumehistro sa mukha ni Mimi. Anong meron? Bakit naka tingin sila sa akin?

"Ms. Geronimo?" Pukaw ng Prof nila sa kanya.

Sh%t. Tinatawag pala ako.

Agad siyang umupo ng maayos. "Yes Sir?"

Napailing ang Prof niya sabay ulit sa tanong nito kanina pa. "Care to tell everyone who is Jane Austen?"

Sus! Sisiw lang yan. Favorite author niya yan e.

"Jane Austen is an English novelist in the field of romantic fiction. Her works focuses on reality that bites irony and social commentary. Some of her works are Sense and Sensibility, Pride and Prejudice. In fact, I have a copy of the book here—" Sinipat niya ang mga dalang libro at notebook. Nawawala ang libro!

Nag abang ang Prof niya pero wala siyang naipakita. Napailing ito muli.

"I'm pretty sure you know what you talking about Ms. Geronimo but please do not let your mind wander during my class." Nag ring muli ang speaker hudyat ng end ng klase. Nag gesture lang si Prof na pwede na silang umalis.

Dali-daling umalis si Mimi at bumalik sa auditorium. Doon lang naman niya puwedeng maiwan ang libro. Kailangan makita niya ito kung hindi malalagot siya sa masungit nilang librarian.

Labasan na rin ng ibang estudyante kaya matao sa hallway. Chit chat. Kulitan. Yong iba slight PDA. Meron ding isnaban.

Rich kids nga naman... Iiling-iling na nakisabay si Mimi sa dami ng tao. Napahinto lang siya ng may marinig na familiar.

"Carmi!"

Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. May ilang girls pa siyang nakasalubong na namimilipit ata sa kilig.

"Carmi!!!"

"Carmi Geronimo!!!"

Teka ako ba'yon? Lumingon si Mimi at laking gulat niya na si Pogi ang kaharap niya.

"Why won't you look back? Napaos na ako kakasigaw." Speechless si Mimi. Kanina lang iniisip niya ang binata at instant heto na siya at fab pa rin katulad kanina.

May ilang girls ang nagbulungan. 'Yong iba nagsi taasan ng kilay. Bakit?! Ano bang meron?!

"Here." Iniabot ni James kay Mimi ang naiwan nitong libro.

"You left this."

"Ah—oo."

"Ay! Salamat pala."

Ay ano ba ito bakit kinabahan ako bigla...

Tumalikod na si James matapos mag wave. Pero hindi pa man nakakalayo ay lumingon itong muli.

"By the way... We should hangout some time." He ended it with a wink.

Between These White Piano TilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon