Shemas. Akala ko sa high school lang may bully. Pati ba naman sa college? Ugh-
Deep inside napangiwi sa kaba si Mimi. Hindi siya magaling sa mga ganitong scenario. Kaya lagi siyang low profile miski pa noong high school pa siya. As much as possible doon siya sa safe side.
"Sorry hindi e." Napakamot siya sa ulo. Narealize niya na baka si Pogi ang tinutukoy nila pero pinili niyang magsinungaling. Ayaw niya ng gulo.
"My gosh!" Sabi ng pangalawang babae sabay labas ng rechargeable na mini fan.
"Hay naku girl. Let's talk about over lunch?" Sabay ng huling babae sabay hawak sa balikat ni Mimi.
Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya away ang hanap ng mga ito.
Hay..ayan ang napapala mo kakabasa ng fiction. Akala mo lahat ng posh girls masama ugali.
"Sure." Maikling sagot niya.
Apat silang nagtungo sa canteen. 'Yong tatlo ang panay na nagsasalita. Taga-tango at ngiti lang si Mimi. She felt happy kasi The James topic opened the door para magkaroon siya ng kasabay sa lunch.
Umupo sila sa may table malapit corner. Gawa sa glass ang dulong bahagi ng canteen. Kita mo sa labas ang field.
"Z, you've seen him today diba. OMG he's too cute ano?" Kinikilig na sabi ni Kace, yong girl na may chestnut brown na buhok. She was talking to Zia, ang pinaka matangkad sa kanilang tatlo.
"Cute? He is so hot kayaahh!" Sabi ni Zia at Mika. Natawa silang tatlo habang si Mimi slight na nakangiti. Parang alien ang mga sinasabi ng tatlo.
"So- sino nga si James?" Pukaw niya sa mga kasama.
"Duh! Girl siya 'yong campus heartthrob!"
"James the great! Sa lahat ata magaling siya."
"First year palang kami ang dami ng nakapansin sa kanya dahil bukod sa mayaman ay super guwapo."
"Ah... Pero sino nga 'yong tinutukoy niyo?" Paglilinaw ni Mimi. Seriously, mga fangirl ata ang mga ito.
"Ano ka ba? Hindi pa ba obvious? Siya 'yong kumausap sa'yo!" Sabi ni Mika.
Ah. So James pala ang pangalan niya. Mukhang celebrity siya dito sa school a. Sabagay sa looks pa naman niya at talent malamang magiging sikat nga siya.
"Bakit nasa kanya ang book mo?" Tanong ni Kace habang nilalaro ang green leafy veggie ng salad niya.
"Ah kasi naiwan ko sa audi ng department nila. Napulot niya siguro." Hindi niya sinabi kung paano niyang naiwan doon dahil baka mamaya mainis sa kanya ang mga kasama at awayin siya. Ngayon sure na siyang fangirls ni James si Kace, Zia at Mika. Ayaw naman niya ang unang naging friends niya sa school ay mawala.
The three continued chatting about James. Nakinig lang si Mimi sa kanila. Nalaman niya tuloy ang history ni James simula pa noong pumasok ito last year. Even the senior girls tried hitting on him kahit na mas bata siya sa mga ito.
Pero hanggang ngayon wala pang pinopormahan na babae si James.
Hindi kaya bading? Sa isip niya ay iiling-iling siya.
Imposible. Ang guwapo at lalaking-lalaki ang dating.
Naalala niya ang sinabi sa kanya ni James kanina. "We should hangout sometimes." Lihim siya napangiti ng sobra.
Tss Mimi! Magtigil ka nga. Mabait lang si James kaya nasabi niya 'yon. Wag kang assuming. Ganoon man ang naisip ay kinilig pa rin siya.
Halalala siya oh!..nahahawa ata ako sa tatlong ito dahil sa mga kwento nila about James. Kakain na nga lang ako! Gutom lang 'to. Gutom lang.
Sinimulan na niyang kainin ang pasta na binili.
Natapos ang mga klase niya ngayong araw ng gano'n gano'n nalang. Pero late pa rin siyang uuwi kasi galing siya ng library researching for her assignments. Old school kasi si Mimi. She uses the internet pero mas preferred pa rin niya ang books.
Nasa first floor ang library while her locker is on the second floor. Kailangan niyang lumakad across the other side kasi 'yong staircase doon anv mas malapit sa mga lockers.
Habang lumalakad ay dumungaw siya sa ibaba kung saan tanaw ang field. May ilan pang nagpa praktis na players.
Napahinto siya nang may makita na familiar na mukha. Si James!
Naka white shirt at gray sweat pants ito at tumatakbo. Tinitigan siya ni Mimi habang inaalala lahat ng magagandang sinasabi nila Kace kanina. Medyo bumilis ang tibok ng puso niya at parang nae-excite.
Bakit ang fresh pa rin niya kahit pawis na pawid na siya?
Sa kalagitnaan ng slight na pagpapantasya niya ay tumingin si James sa itaas. Sa floor kung saan naroroon siya.
Sh%t!
Mabilis na umupo si Mimi para hindi siya makita. Namula siyang bigla dahil nahuli siya ni James na nakatigtig sa kanya.
Tss. Ano ba! Hindi lang naman siya ang tao sa field ah.
Paano niyang masasabi na sa kanya ako nakatingin?
Huhu... Buti nalang may pader dito.
Paupong naglakad si Mimi papunta sa pader malapit sa hagdanan. Tumayo siya at pinagpagan ang palda habang sa isip ay pinapagalitan ang sarili.
Sinubukan niyang sumilip ng kaunti para tignan kung nasa baba pa si James. Sa kamalasan patakbo na ito sa kabilang dulo ng field kung saan naroroon ang shower room.
Nanghinayang si Mimi sa pagkakataon. Ewan niya ba kung bakit siya nagtago. Umeepekto ba ang pag bi-build up ng mga salita nila Kace sa kanya kaya eto parang may crush na siya sa binata?
Inalog muli ni Mimi ang ulo.
"Hindi. Wala akong crush sa kanya! Hay maka uwi na nga."
Nagtuloy si Mimi sa second floor. Tahimik at wala ng tao sa palapag nila. Sa ibang department may mga estudyante pa pero sa kanila nagsi uwian na. Binuksan niya ang locker at kinuha ang mga libro.
Isasara na sana niya ang pinto ng locker nang may mahulog na maliit na puting papel sa harap niya. Inabot niya iyon at unti-unting binuksan.
Tomorrow. Same time. Piano.
-James.
BINABASA MO ANG
Between These White Piano Tiles
Teen FictionJames had the wrong idea nang magkakilala sila ni Mimi. Mapanindigan kaya ni Mimi ang kasinungalingang naging dahilan ng pagiging malapit nila ni James sa isa't isa? Started: February 2016