Kabanata IV

28 8 1
                                    

Alas diyes na ng gabi pero parang bulate na sinabuyan ng asin si Mimi sa higaan. Kanina pa siya nahiga para matulog pero hanggang ngayon ay gising pa rin siya.

Tumagilid na siya sa kaliwa, sa kanan. Tapos dumapa na siya, tumihaya at nagtakip ng unan pero hindi siya dalawin ng antok.

Totoo ba ito? Si pogi gusto akong makita ulit? Ahh-

Teka kinikilig ba ako? Bakit ako kinikilig?! Crush ko na ba siya? I mean, oo na. Sino bang hindi? Pero...

Bakit gusto niya akong makita ulit?

Umupo si Mimi sa kama at niyakap ang unan. Maya-maya ay kinuha niya ang maliit na puting papel sa bedside table niya at muling binasa.

"Tomorrow....Piano."

Ibigsabihin inaaya niya akong tumugtog kami ng piano. Pero paano?

Hindi ako marunong!

Alangan naman 'yong app ang gamitin ko?! Hay...

Paano kapag nalaman niyang hindi naman talaga ako marunong tumugtog ng piano? Papansinin pa kaya niya ako? Magha-hangout pa kaya kami?

Bigla siyang kinabahan. Nasapo niya ang dibdib. Ano ba itong sudden excitement na nararamdaman niya?

E ano naman kung malaman niya?

E diba nga sabi nila Kace hindi basta-basta nakikipag kaibigan 'yang si James.

Paano kung inaaya ka niya dahil sa marunong kang mag-piano tapos peke ka pala. O edi goodbye James ka na!!

Ayan na. Nag aaway-away na ang kalooban niya at isip.

"Ay bahala na nga."

Pagkagising dali-daling naligo si Mimi at nagbihis. Mas nauna pa siyang magising sa mommy niya.

Nagprepare siya ng breakfast nilang dalawa. Habang naghihiwa ng kamatis sinadya niyang slight na hiwain ang hintuturo ng kanang kamay niya.

"Ouch!!!!" Napangiwi siya sa sakit.

"O anong nangyari?" Mula sa hagdan ay narinig niyang sabi ni Athena.

"Wala po, Ma. Nahiwa lang ako." Lumapit si Mimi sa lababo at binuksan ang gripo. Sa umaagos na malamig na tubig hinugasan niya ang nagdudgong daliri.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Between These White Piano TilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon