Prologue

26 8 2
                                    

Bago si Mimi sa school na pinapasukan niya. Second year Literature student.

Wala pa siyang nagiging friend sa campus miski sa klase nila dahil second sem na siya nagsimula. Halos lahat ng classmates niya magkakakilala na at magbabarkada puwera sa kanya. Mababait naman ang mga ito pero dahil bago nahirapang mag-adjust si Mimi.

Vacant ang second period niya kaya nagpasya siyang pumunta sa canteen. Pero hindi pa man nakakapasok ng tuluan sa loob ay tumalikod na siya at naglakad palayo.

Madaming tao ngayon sa canteen. Halo-halong estudyante from different departments. Hindi naman sa introvert siya o ano pa man pero kinabahan siya at naisip na magmumukhang tanga kasi kakain siyang mag-isa.

Sa paglalakad sa hallway napadaan siya sa auditorium ng college of music and arts. Binuksan niya ang pinto at nakitang walang tao sa loob.

Dito nalang ako. Naisip ni Mimi kaya tuluyan na siyang pumasok sa loob at nagtungo sa stage.

Sinilip niyang muli ang bawat dulo ng stage dahil baka may Prof or bantay ay mapagalitan siya. Trespassing ng department.

Sa gitna ng stage may isang grand piano. Binuksan niya ang lagayan ng keyboard at sinubukang patugtugin ito. Umere ang tunog sa loob.

Naalala ni Mimi na noong seven years old siya ay nag piano lessons siya pero hindi rin naituloy dahil nawalan sila ng pondo pambayad. Happy bithday lang ang kaya niya tugtugin putol pa.

"Tss sino ba ang niloloko ko." Frustrated na sabi ni Mimi. Naupo siya sa may upuan sa harap ng piano at nilabas ang kanyang cellphone.

Maglalaro nalang ako. Papalipasin ko nalang ang oras.. Hay..

Sinimulan niyang hanapin ang bagong app na dinownload niya ng nagdaang gabi.

Piano Tile 2. Sinumulan niyang maglaro. Feel na feel ni Mimi ang tugtog. Feeling niya siya talaga ang nagpi-piano. Napapangiti siya mag isa.

May ilang beses siyang sumablay kaya panay ang ulit niya ng game.

Naiirita na umalis si James sa canteen. Iniwan niya ang barkada at ang mga pretty girls na sumama sa grupo nila. Na-bore siya sa non sense na pinaguusapan ng mga ito.

Dala ang ipod, papunta sana siya sa rooftop para magchill nang makarinig siya ng tunog mula sa auditorium ng college nila. Yep, isa siyang music & arts student.

Una pinakinggan lamang niya ang tunog na nagmumula sa loob. Medyo napapangiwi siya kapag medyo sumasablay ang piyanista. Nang hindi makapagpigil ay binuksan niya ang pinto at pumasok sa loob.

Umalingawngaw sa buong audi ang ingay ng piano nang pindutin ni Mimi sabay-sabay ang kung anu-anong white tiles. Nafrustrate siya kasi panay ang mali niya sa laro.

Nagulat siya nang mula sa madilim na audience area ay nakarinig siya ng lalaking nagsasalita.

"You're doing it wrong..." Mala-aussie na accent nito.

Bahagyang niliitan ni Mimi ang mata at sinubukan maaninag ang may ari ng boses. Papalapit na ito sa kanya. Mula sa harap wala hirap na inakyat ng lalaki ang stage.

Tumambad kay Mimi ang isang matipunong estudyante. Matangkad, makinis, at parang walang ka-pores pores na lalaki. Dinaig pa siya!

"Oh sorry I didn't mean to barge in to this room." Nagmamadaling sabi ni Mimi. Lagot siya. Baka ke bago bago niya e sa Dean's office siya mapunta. Pangarap niyang mapunta sa Dean's Lists pero hindi listahan ng mga pasaway na mga estudyante.

Tumawa lang si James. Naaliw siya sa reaksyon ng babaeng nasa harap niya ngaypn na para bang hindi alam ang gagawin.

"Okay lang. Hindi kita isusumbong..." Bahagyang nakataas ang kamay ni James na parang umaakto na okay lang.

"Sus, nag tatagalog naman pala e." Bulong ni Mimi sa sarili. Balak na niyang lumabas dahil ilang minuto pa na nakikitig siya sa lalaking ito ay feeling niya magkaka-crush na siya rito. At hindi ito ang ipinunta niya sa school.

Pero lalo siyang hindi nakagalaw ng tabihan siya ng lalaki. Nginitian siya nito habang inalog alog ang mga kamay.

"Nocturne yon right?" Tanong ni James kay Mimi.

"Hah?" Maang tanong ni Mimi.

"I mean, Nocturne Op 9 N 2 yong piece na tinutugtog mo earlier..." Paglilinaw ni James habang nakatingin sa kausap.

"Anong..." Naalala ni Mimi ang nilalarong android app sa cellphone kanina. Hindi niya maalala ang buong pangalan ng stage na yon kaya tumango nalang siya.

"Nocturne...ano kasi..." Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang simulan ni James ang pagtugtog.

Na-amaze si Mimi. Kasi eto sa harap niya live na tinutugtog ang kanina pa niyang nilalaro sa app.

Hmm.. Hindi lang siya guwapo.. Talented pa! Pasimpleng kinilig si Mimi sa naisip.

Ipinikit niya ang mata at buong pusong pinakinggan ang pagtugtog ng binata. Bawat palo ng nota para siyang dinadala sa ibang lugar.

Naimagine ni Mimi na nasa tabing dagat na siya ngayon. Naglalakad ng naka paa sa may buhangin. Mula sa kabilang dulo ay may papalapit na lalaking naka puti. Kahit na hinangin ang buhok nito ay matipuno pa rin ang dating kumbaga messy hair don't care ang peg ng lalaki. Malapit na sana niyang makasama ang lalaki pero inanod ito ng dagat.

Naputol ang day dream ni Mimi. Huminto na pala sa pagtugtog si James at may ineexplain sa kanya.

"You should have done it that way. These keys then this." Instruct sa kanya ng binata.

Wala naintindihan si Mimi kasi hindi naman talaga siya tumutugtog kanina. Pinipindot lang niya ang kung ano mang lumabas sa screen.

Nginitian ni James ang dalaga sa kanyang harapan. He slightly feel proud of himself for pulling that off. At sa looks ng kaharap ay mukhang napabilib niya ito. Ang mga ganitong eksena ang nagfe-feed sa ego ni James. He wants to prove na he's more than just a pretty face.

Feeling ni Mimi namula ang mga pisngi niya nang makitang ngumiti ang binata. Nag iwas siya ng tingin sabay palakpak.

Naputol ang moment nila nang mag ring ang speaker sa loob ng auditorium. Tapos na ang second period.

"Ang galing.. Pero I got to go. Salamat!" Ayaw man niya ng slight e nagpaalam na siya kay pogi.

Tumakbo pababa ng stage si Mimi at dali-daling lumabas ng pinto. Sa sunod na floor pa ang room ng next class niya.

Isinara ni James ang lagayan ng keyboard at inayos ang upuan ng mapansin niya ang libro sa ibabaw ng piano.

"She left in a hurry. Naiwan niya tuloy ito." Sinuri ni James ang libro.

"Not bad, Jane Austen... Pride and Prejudice." Binuklat niya ang una at huling page nito para hanapin ang pangalan ng may ari pero galing pala ito sa library nila.

Dahil free period pa rin niya ay pumunta si James sa library para isauli ang libro at malaman ang pangalan ng babae kanina. He find her intetesting.

"Hi." Ngumiti si James sa librarian habang ang huli ay manghang nakatitig sa kanya. Tumango lang ito.

"Uhm.. Somebody left this. I think it was borrowed here." Ipinakita niya ang libro. Slight na natauhan ang librarian at medyo nainis dahil kamuntik ng mawala ang kopya ng libro.

Kinuha ng librarian ang log at akmang hinihingi ang libro kay James.

"Ah-eh gusto ko lang malaman name ng borrower. I'd like to return it. She'll probably be looking for it." Sabi niya pero pabulong ang mga huli parte nito.

Tinaasan siya ng kilay ng librarian sabay ngumiti. Pinakita nito sa kanya ang isang naninilaw na papel na may nakasulat na pangalan.

"Carmi Geronimo..."

Between These White Piano TilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon