AIRA'S POV
Ako si Aira Callahend, 16 years old.. Isang OA pero funny kasama. At ayokong mabo-boring sila sakin, ayokong mawalan ng kaibigan ano. Yan ang pinaka iniiwasan ko, ang maging mag-isa..
"Ma, lilipat na ako ng school? Saan? Maganda ba?" Excited na tanong ko
"Oo anak, at siguradong magugustuhan mo ang school na yun" sabi ni mama, ngumiti ako ng pagka-tamis-tamis.
"So kailan ang first day ko do'n?" sabi ko
"Mamaya" sabi ni papa
"Ha? Mamaya?" sabi kong nagtataka
"Yes iha..." sabi ni papa
"Dun ka na muna titira, ayos lang ba?" sabi ni mama, hinihintay nila ang sagot ko..
"Yes! May dormitory sa new school ko, first time in the life time nga naman oh..." sabi kong napaka-saya
Nag-empake na ako, then umalis kami sa bahay ng 2 pm. Sabi ni papa mahaba-haba ang biyahe kaya mas mabuting mag-soundtrip na muna ako para hindi mabagot o masuka. Kasi pag ang byahe mahaba nasusuka ako, okay? I need music. Music is the biggest part of my life... ^_^
"Fine papa" sabi ko at kinuha ang headset ko. Soundtrip hanggang sa naka-tulog ako buong byahe, ang lalim pa nga ng tulog ko eh...
After 1.. 2... 3.. 4.. 5.. years kahit hours lang naman ang binyahe namin.
"anak wake up, we're here baby" Sabi ni mama at ginigising ako
"H-ha? What? We're here?" sabi kong inaalimpungatan
"Yes" sabi ni papa, andito na ako? Andito na kami!? Yahooo!!
"Yes!" masaya akong lumabas sa kotse. Ang aliwalas ng paligid, ang fresh ng hangin. Hindi polluted, wala kang makikitang kahit katiting na dumi sa daan. In short, ang ganda ng new school ko. Dito ba talaga ako magdo-dorm? Ganda, sisiguraduhin kong nasa top ako lagi.
"Hi" napatingin ako sa isang cute na girl
"Ah hello? Sino ka?" sabi ko
"I am your dormate" sabi nya
"Ahy hi! Ako si Aira" Sabi ko
"Hello. I am Kara, Kara Washington" sabi nya
"Bye ma" sabi ko, umalis na ako kasama si Kara. Ang cute niya talaga, sarap pisilin ng rosy cheeks nya. Ang mistisa niya talaga!
*SA DORM...
"Yun ang kama mo" sabay turo sa pink na kama na may straberry na unan. Ang cute!
"Ang ganda" sabi ko
"Yun ang side mo, yun ang side ko. This room is ours.." sabi nya pa
"Okay" sabi ko
Time check na muna tayo, 7 pm na pala? Ang haba din pala ng binyahe namin... Malayo talaga ang school na ito, hindi ko naman kasi nakita ang daan kasi nga nakatulog ako sa buong byahe. By the way, biglang may kumatok.
"Pagbubuksan ko lang" sabi nya sa akin na tinanguan ko lang
"Okay, bye" sabi nya sa kausap nya sa pinto. Sino kaya yun?? Lumakad siya papalapit sakin at ngumiti.
"Classmates tayo, heto... binigay sakin ng maid yung section mo" sabay inabot sakin ang sobreng kulay pula. Binuksan ko ito at nabasa kong Class B Emerald.
"Di ba?" sabi nya
"OO nga, masaya yun. Marami ba tayo sa isang klase?" sabi kong masaya
"30 kami bukas" sabi nya
"Bakit?" Tanong ko
"Malamang kasama ka"sabi nyang nakangiti
"Ahy oo nga pala. Sorry hehehe" sabi ko
"Magluluto lang ako para sa hapunan natin" sabi nya, wow!
"You know how to cook?" sabi kong mangha
"Bakit? Di ba halata?" Nakangiti nanamang sabi nya
"OO, ang ganda kasi ng kamay mo parang walang ginagawa" sabi ko
"Ganun talaga, ikaw marunong ka ba?" sabi nya
"Slight. Kung gusto mo you can teach me" sabi ko
"Sige, I agree" sabi niya
Pagkatapos namin magluto syempre kumain na kami, ang sarap niya magluto. Mangha na talagga ako sa kaniya. Maganda, magaling magluto at masayang kasama, sana maging mag-best friends kami forever.
"Ang sarap!!! *num... *num... *num.. San ka ba natuto magluto?" sabi ko
"Sa lola ko" sabi nya
"Swerte mo sa lola mo" sabi ko sabay kain lang ng kain
"HAHAHA! THANK YOU. Ano nga pala ang pearl mo?" sabi nya
"HA?" takang tanong ko at napatigil
____________________________________________________________________________________
Thank you for reading guyzz..
This is my new fantasy story, I hope you like it.