Part 5

87 2 0
                                    

CARLA'S POV

Iniwan ako ng Celong yun, pake ko sa kaniya... I can handle myself. Malaki na ako, hindi na ako batang always mama. Lumakad na ako sa dormitory room ko, nag-lakad na ako... Marami-rami ding students dito. Malaki ang school eh...

"Shit" bulong ko

"Hey girl, may bago" Rinig kong sabi ng isang asungot na babae

"I think she's the new girl" sabi nung isa, I ignore them... Mga walang kwentang tao, mga makakati ang dila. Ayan ang pinaka-ayoko sa isang tao, yung mga mahilig mag-kwento ng walang katuturan at ipahamak ang iba.

"Hey" may kumalabit sakin, hinarap ko yun at ayun! Sya yung babae nga as I expect naman.

"Anong charm mo?" sabi niya sakin

"Charm?" sabi ko sa kaniya

"Yes, charm nga girl. " sabi nung isa sakin

"So---"

"Sorry kailangan na niyang umalis" sabay hinila ako ni Kuya JC palayo, nagtaka ako sa ginawa niyang yun.

"Bakit?" sabi ko

"What are you thinking Carla? Huwag kang makikipagusap sa mga taong tulad nila, lalo na kapag tinanong nila ang charm mo" sabi niya sakin

"May mali ba? This, this is my charm. A charm bracelet" sabi ko sa kaniya, napasapo siya sa noo niya at napamura ng mahina. Tiningnan ko lang siya at inabangan ang mga sasabihin niya..

"Ano pang sinabi mo sa kanila?" sabi niya sakin

"wala ... kasi hinila mo ako bigla" sabi ko sa kanya

"Good... Ihahatid na kita sa dorm mo. Anong number ng dorm. mo? " sabi niya sakin, you know what? Nagtataka na ako sa mga kinikilos nitong asungot na kuya ko.

"1304" sabi ko

"Tara na, amin na yan" at binuhat niya yung mga bagahe ko. Habang naglalakad kami napansin kong ang tatalim naman ata ng bawat titig ng mga tao sa paligid ko. May mali sa kanila, they're acting weird.

"Here... Bye, mag-ingat ka lagi ha" sabi niya sakin at ginulo ang buhok ko.

"Oo na.." sabi ko sabay roll eyes

*tok...

*tok...

I knocked on the door, nagulat ako sa mabagal na bukas nun... Nakita ko ang isang babae na mas makinis pa sa kutsilyong kahahasa pa lang. Inshort she's pretty, but she look upset.

"Hi" sabi niya sakin

"Hola, can I come in?" sabi ko

"Sure" sabi niya sakin

"Ayun ang kama mo, kulay pula ang bedsheet nyan" sabi nya sakin, absolutely! I love red!!!

"Nice ha? Like it" sabi ko sa kaniya tsaka nilapag ang mga bagaheng dala ko.

"ano yan?" sabi nya sakin

"Guitar case" sabi ko

"Okay, I am Janel" sabi niya sakin

"Carla" sabi ko sa kanya tsaka inayos agad ang gamit ko.

"So napunta ka din ba dito dahil sa ayaw nila sayo?" sabi nya sakin, ang weird ng tanong.

"Hindi, gusto lang ni mom at dad" sabi ko sa kanya

"Buti ka pa, napaka-swerte mo naman? Ako kasi sa ibang dahilan, masakit na dahilan" sabi niya, ano bang problema neto? May dinadala kasi, I know she needs comfort pero wala ako sa mood. At hindi ko alam ang word na yun...

The Balemor AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon