CARLA'S POV
"What??" sabi namin ni Celo
"Yahoo!!" sabi ni Kuya
"Lilipat na kayo ng school" Ulit ni dad
"OO nga, pangalawa na yan dad" sabi ni Celo
"Hindi naman kami bagsak" sabi ko
"Mga anak kailangan nyo ito, para ito sa future nyo" sabi ni mom samin
"Masaya dun" sabi ni Kuya JC
"Bakit nakapunta ka na ba dun?" sabi ni Celo
"Maybe yes?" sabi ni kuya
"Kailan ba kami lilipat?" sabi ko
"Bukas" sabi ni dad
"Tomorrow?!" nagulat si Celo
"ang bilis naman dad?" sabi ko
"Obcourse" sabi nito
"Sige sleep na kids, maaga pa tayo bukas" sabi ni mom at tinalikuran na nila kami.
"shit!" Inis na sabi ni Celo tsaka tumayo...
"Maganda talaga dun, bye" sabi ni Kuya at pumunta na sa kwarto nya. Tumayo na din ako, medyo inaantok na kasi ako...
JANEL'S POV
Ilang oras na ang nakalipas pero hindi pa rin kami nakakarating sa destinasyon namin. Medyo nakaka-boring na ha? Sawang-sawa na akong tingnan ang mga punong nadadaanan namin, sawang sawa na rin akong panoorin si ate paano mag-drive.
"ate matagal pa ba?" sabi ko
"Malapit na" sabi nya
Pabagsak kong sinandal ang likod sa upuan, dahan-dahang pinikit ang mata at nagsimulang matulog. Maya-maya pa biglang huminto sa pagmamaneho si ate, nagmulat mata ako para tingnan sya kung bakit sya tumigil.
"Bakit ka tumigil?" sabi ko sa kanya, sumilay ang matamis na ngiti sa kanya.
"Kasi andito na tayo, kaya tumayo ka na dyan" sabi nya
"Sabi mo eh" sabi ko at bumaba na ako. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid, iba ang ihip ng hangin dito. Nararamdaman ko, iba ang pakiramdam ko sa lugar na ito.
"Bagong lugar at buhay" sabi ko na lang sa aking sarili
"Nagustuhan mo ba? Dito ako nagtapos mag-aral" sabi nya sakin
"Ha? Di ba sa Wilford University ka gumraduate?" sabi ko
"Fake information lang yun" sabi nya sakin at ngumiti nanaman.
"What? So nagsinungaling ka" sabi ko
"Yes. Bye, babalik na ako sa Earth... Ako na ang bahala sa problema mo, tsaka hindi nila ako matutunton dahil nag-set na ako ng flight sa England. Dun ako nag-apply ng teacher sa branch ng Balemor academy. So kapag nakapasa ka na sa 5 years mo dito, dun ka na sa England mag-aaral" sabi nya at tumalikod na
"ate..." tawag ko
"Bakit?" sabi nya
"I love you, mami-miss kita" at niyakap ko sya
"I love you too, basta promise me hindi ka magiging pasaway" sabi nya sakin
"Paano kung malaman nila yung secret ko?" sabi kong medyo nababahala
"Janel... Ang paaralang ito ay para sa mga taong tulad mo, natin" sabi nyang nakangiti
"Ganun? Edi okay lang sa kanila?" sabi ko
"Oo, wag mo lang gagamitin sa kasamaan, gamitin mo yan sa pagtulong. Sige alis na ako, ingat ka ha. Make a lot of new friends" sabi nya at tuluyan ng umalis
"Bye" bulong ko sa hangin, napatulala ako habang malalim na nag-iisip. Maganda ang paaralang ito, tingin ko dito magbabago ang buhay ko... Sana nga.
"Hello" Nagulat ako sa biglang nagsalita pero di ko ipinahalata
"a-ah, kamusta" sabi ko sa kanya
"ako si Mark, ang tour guide mo. So tara na" sabi nya sakin
"Okay. Janel"sabi ko
"Nice to meet you, Janel." Sabi nya
Matapos ang tour guide ko umalis na sya, medyo may pagka-awkward nga eh? Ang gwapo kasi pero mukhang mabait naman si Mark... Hinatid niya din ako sa dormitory ko. Ang gentlemen nya nga eh, alam mo sya yung nagbitbit ng mga bagahe ko.
"Mukhang wala pa ang roommate mo, pero wag kang mag-alala. Darating din sya" sabi ni Mark at umalis na.
Nilibot ko ang tingin sa buong silid, maganda at maaliwalas ang paligid. Napaka-relaxing tingnan, may dalawang kama sa magkabilang gilid. Yung isa kulay pink at yung isa kulay red. Nakita ko ang isang papel na nakalagay sa kama.
Welcome Ms. Janella!
Yun lang ang binasa ko, pagod na ako at ayoko nang magbasa. Nahiga ako sa kama at tumitig sa kisame... sana hindi na tulad ng dati ang magiging buhay ko dito, pagod na pagod na kasi akong maging plastic. Gusto ko nang magkaroon ng kaibigan, pamilyang mamahalin.
"hay... Magbago naman sana" sabi ko sa sarili ko.
KARA'S POV
Masayang kasama si Aira, kahit medyo childish siya hindi naman boring kasama. Iba talaga pag may kasama ka, nung mag-isa pa ako sa dorm naming lagi na lang inaantok ako. Kasi boring nga kasi walang kasama.
"Ngayon ang first day mo, so maligo ka na. Bago mag 7 am kailangan na natin makapunta sa room, magluluto lang ako ha" sabi ko kay Aira
"Okay, girl. Sige gora na ako ha? Bye, hahaha!" Mukha talagang baliw hahaha!!
"Bilisan mo na nga baka ma-late pa tayo" sabi ko sa kanya
Nag-luto na ako, pero pagkatapos ko magluto lumabas na sya sa banyo. Ngumiti sya sakin at nginitian ko din sya pabalik... Nag-hain na ako matapos syang magbihis, ako naman ang naligo sa banyo. Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako tsaka kumain. Sabay na kaming lumabas at pumasok sa classroom.
"Masaya ba dun?" Tanong nya sakin
"Oo naman... Pero umiwas ka sa mga taong makikipagusap sayo. Hindi kasi lahat dito pwede mong maging kaibigan" sabi ko sa kanya, napatango-tango naman sya...
"Okay, ganun ba yun? Bakit naman?" sabi nya sakin
"Kapag tinanong nila sayo kung anong charm mo iwasan mo na sila agad. Kasi pag sinabi mo sa kanila, baka ma-bully ka kasi mas malakas sila." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga paa kong humahakbang.
"Grabe naman pala dito eh? Akala ko hindi uso dito ang bully" sabi nya sakin
"Bakit san ka bang bayan galing?" sabi ko sa kaniya
"ah sa ano.. Sa Hardwood Village" sabi niya sa akin
"Saan ba yun? Hindi ko ba naririnig ang tungkol sa lugar na iyon" sabi ko sa kaniya, hindi ko kasi talaga alam ang lugar na yun. Alien na kung alien, honest naman ako.
"Andito na pala tayo, mag-handa ka na mamaya sapagpapakilala mo sa sarili mo" sabi ko sa kanya.
____________________________________
Happy reading