CELO'S POV
Carlo Marcelo Dicen, ang gwapong ka-kambal ni Carla. Isa akong maingay, mahilig mang-asar, sabi nila cute at PASAWAY daw ako? Pero hindi ako naniniwala sa kanila, ang bait ko kaya... Hindi lang kasi halata na mabait ako.
"Hoy Celo at Carla gumising na nga kayo!" sigaw ni Kuya JC samin
"What the... Paano ka nakapasok dito?" sabi ko sa kanya sabay talukbong
"Don't ruin my dreams" Medyo inaantok pa si Carla
"Remember may duplicate ako ng susi ng kwarto nyong dalawa, so I can get inside and out" sabi nya samin, hinila nya ang kumot na naka-talukbong sakin.
"hey! What the hell?" sabi ko
"What the hell mo mukha mo, sabi ni dad mag-ayos na kayo sa sarili niyo kasi bandang 6 am aalis na tayo" sabi nya sakin, nanlaki ang mata ko... Ano 6 am?! Edi maaga pa... Shit! Napatingin ako sa wall clock, at 3 am pa lang.
"3 am pa lang kuya, so bumalik ka na sa kwarto mo" sabay higa ulit.
"alam naman nating lahat na mabagal kang kumilos kaya maaga kayong pinagising sakin" sabi ni Kuya
"Ingay nyo naman? Hindi na tuloy ako inaantok" Singit ni Carla tsaka tumayo at dumiretso siya sa banyo. Nagkatinginan tuloy kami ni Kuya JC tsaka tinulak ko siya.
"Nagalit tuloy si Carla" sabi ko
"Ayusin mo na sarili mo" sabi niya sakin at lumabas, pero narinig ko ang pang-demonyong tawa nya. Nakita ko yung magazine nya na may cover ng sexy girl. Kinuha ko yun at binato sa kanya habang naglalakad sa may labas ng kwarto namin.
"Aray!" sabi nya
"Wag mong iwan ang panget mong magazine, napaghahalataan kang... manyak" sabi ko sa kanya tsaka pumasok na ako sa kwarto. Sigurado akong naka-lock ang pinto kasi for sure babalik sya dito at gaganti.
"Hoy buksan mo ito!! Langya ka!!! Patay ka saking bakla ka... Eh ano? Ang sexy nya eh" sabi nya mula sa labas ng kwarto namin ni Carla
"Celo ano nanaman ang ginawa mo?!" Sigaw ni Carla mula sa loob ng banyo
"I teased him" sabi ko sa kanya
JC'S POV
John Christian Dicen, ako nga pala ang pinaka-poging lalaki sa angkan namin pangalawa lang ang daddy ko. Hahaha! Maingay ako, favorite asarin si Celo at pinaka-source ng kalokohan sa bahay... Mahilig din ako sa magagandang babae
"Nagising mo na ba yung kambal?" sabi ni Dad sakin
"Opo, kaso inasar nanaman ako ni Celo" sabi ko
"Ikaw nanaman kasi ang nagsimula" sabi ni mom sakin, tama sya... dapat kasi ginising ko sila ng maayos.
"Pero—"
"Don't lie Christian" sabi sakin ni Dad
"Aayusin ko lang ang gamit ko dad" sabi ko, tumalikod na ako tsaka humakbang paakyat ng hagdan
"Protect your brother and sister Christian" sabi bigla ni dad
"ha? Malalaki na sila dad" sabi ko, napatigil ako sa pag-akyat sa hagdan
"Oo nga... Pero sana protektahan mo sila sa mga tao dun sa Balemor. Alam mo naman ang ibang students dun, basta bago at mahihina yun ang kinakalaban" sabi ni dad
"Tama ang daddy mo anak" sabi ni mommy sakin
"Fine.. Fine.. I promise, so may I go?" sabi ko
"Go" sabi ni dad