BRY'S POV
Ako si Brian Houston, matagal na akong nag-aaral dito sa Balemor Academy. 13 years old ako ng mapadpad ako sa paaralang ito, nagkakilala naman kami ni Christian dito rin sa school. Inshort, kababata ko si Chris at pabalik-balik nga lang yan dito tapos pupuntang Earth.
"Bry hanggang titig ka na lang ba? Gumawa ka naman ng da moves mo" sabi ni Chris sakin
"Kuya Bry torpe ka" sabi naman sakin ni Zed
"Hindi ako torpe ano" sabi ko
"Eh ano yang ginagawa mo? " sabi ni Zed
"Oo nga naman, pambihira ka naman Brian Houston. Ayos ka naman? Kilalang-kilala ka sa school" sabi sa akin ni Chris.
"Mahirap kasi eh, yung pag kausap ko na siya halos mamatay na ako" sabi ko
"Kung hindi mo masasabi sa kaniya yang feelings mo para sa kaniya, it means bakla ka" sabi ni Chris sakin
"Grabe siya? Bakla agad, duwag muna tapos mahina tapos bakla naman" sabi ko
"So pinaninindigan mo?" sabi ni Zed
"Pinagtutulungan niyo ba ako?" sabi ko bigla
"Hindi naman" sabay na sabi ng dalawa... Ewan sa inyo na lang kamo. Kilala niyo ba ang espesyal na babaeng yun? Si Kara lang naman, oo si Kara. Yung babaeng fan ni Chris, nagse-selos nga ako eh... Joke! Seryoso, oo nga... That time nagseselos talaga ako. Pwede naman sakin magpa-picture di ba?
Lunch na ngayon at kailangan kong pumunta sa cafeteria. Dun kasi kami magkikita ng barkada, habang naglalakad ako bigla kong nakita si... Kara! Ang dami niyang dalang mga gamit at pinagpatong-patong na mga kahon. Kailangan kong makaisip ng da moves, kailangan ko magpa-pogi points.
"Aha!" sabi ko
Lumapit ako sa kaniya kahit nahihiya't kinakabahan ako. Kinausap ko pa din siya kahit itong puso ko sasabog na sa kaba. Sana mag-work ang naisip kong planong ito. Heto na siya, at heto na ako.
"Ah... Kara" Tawag ko sa kaniya, lumingon siya sakin at tiningnan ako.
"Bakit Bry?" sabi niya sakin
"Marami kang dala, tulungan na kita" sabi ko
"Hindi na, kaya ko naman eh" sabi niya
"Hindi, tulungan na kita. Mabigat yan baka ma kung ano ka pa" sabi ko at kinukuha ang mga kahon pero hinihila niya
"ako na, kaya ko naman eh" sabi niya
"Tulungan na kita"
"Ako na"
"Tulungan na kita sabi eh"
"Ako na nga kasi, kaya ko naman gawin ito" sabi niya sakin, kinulit ko siya hanggang sa...
"Tulu---"
*BOOGSSHHH...
Nahulog sa sahig ang mga gamit, tumingin siya sakin tsaka nagsalita. Nagulat ako sa nangyari, hindi ko naman in-expect na ganito pala ang mangyayari. Ang plano ko kasi tutulungan ko siya, tapos makikipagkaibigan ako. Tapos pag-close na kami mamahalin niya din ako, gagawin ko ang lahat...
"ayan.. Ang kulit mo kasi eh?" sabi niya sakin, pinulot niya isa-isa ang mga gamit...
"Sorry tulungan na kita" sabi ko
"Hindi na, sabi ko naman kasi sayo kayak o na ito pero ang kulit mo. Nakita mo ba ang consequence? Mas mabuti pa umalis ka na" sabi niya sakin, nalungkot ako sa sinabi niya. Mukhang nagalit siya sakin, nakasimangot akong pumunta sa cafeteria at...