Bakit ba ganun? Magpapakilala lang naman. Sasabihin ko lang naman pangalan ko. Eh bakit pa ako kakabahan? Siguro dahil madami silang nakatingin. O siguro nahihiya ako. O siguro dahil sakanya.
Singkit siya. Payat. Sakto lang ang tangkad. Ang ayos ng kilay. Matangos ang ilong. At oo sige, ang gwapo niya.
Kakatapos ko lang magpakilala. Eh siya, ano kaya pangalan niya? Taga dito rin kaya siya sa Baguio? Sana oo.
Sana kaibiganin niya ako. Ang hirap maging babae, pag ikaw yung unang gumawa ng paraan para makausap si crush magmumukha kang desperada. Kaso ang problema, paano kung hindi niya ako gusto? Paano kung masama pala ugali niya? Paano kung repeater siya at 3rd yr na pala siya? Paano kung torpe siya tulad ng karamihan ng mga lalake? At paano kung...."Ako po si Vince"
------
Maiikli ang mga simula ng storyang to. Hahaba rin to sa mga susunod. Parang relasyon, tumatagal pag pinaghihirapan hahahaha thank you sa pagbasa!! ❤️
BINABASA MO ANG
TAYO
RomanceHindi lahat ng gusto ay nakukuha. Hindi lahat ng nananalig ay naniniwala. Hindi lahat ng humihiling ay nabibigyan. At hindi lahat ng naghahanap ng pagibig ay nakakatagpo. Eh tayo kaya?