At bilang crush ko nga si Vince, stnalk ko siya. Syempre curious na ako. Tinignan ko yong facebook niya, taga Tarlac pala siya at nag-aral sa all boys school. Ok next!
Instagrammmmm! Puro selfie ha kalalakeng tao neto. Ay sht!
MAY GIRLFRIEND!
Anak ng tipaklong! Bakit siya may karelasyon! Bakit hindi ko manlang naisip yon. Bakit wala man lang nagsabi sakin! Pero syempre duh Ann wala namang rason para sabihin nila yon sayo. Alam kaya ni Cess? Hindi ko sasabihin. Hintayin kong sila makaalam. Para hindi halatang inalam ko.At bilang sawi na ako, tinignan ko instagram ni girlfriend kaso naka private. Alam ko na! Ifofollow ko siya gamit nung online shop kong account. Hindi niya malalaman na ako yon.
Makalipas ang ilang oras, inaccept niya na. Puro mga pictures nilang dalawa. Ang tatamis ng ngiti. Ang ....sakit.
Yong feeling na wala ka ng pagasa kay crush. Sawing sawiiii."Sarah! Sarah!"
"Bakit Ann?!"
Kwinento ko sakanya na nalaman kong may girlfriend si Vince at mamamatay na ako.
"Tnga! Hindi ka mamamatay!"
At sabi ko naman "May sakit ako sa puso! Cancer. Stage 3. Hindi na to maaagapan."Sinabi niya sakin na maaagapan pa yon at walang forever. Kaya may pagasa pa daw ako. Kaso ayokong makasira ng relasyon. Hindi ako pumapatol sa taong taken na. Hindi ako ganung klaseng tao.
"Nabalitaan mo na ba?" Sabi sakin ng isang kaklase namin. Tinanong ko kung ano yon, sabi niya "si Vince! At si Jen!"
Anong kayang nangyayari? Anong mayron sa kanila?"Bakit sila?" Tanong ko.
Tinignan niya ako at sinabing "May nangyari sakanilang dalawa!"
Hindi ko siya pinaniniwalaan. Hanggang sa kwinento niya mga nangyari. Mahilig daw silang uminom. Si Vince akalain mo, may bisyo pala. Kaya minsan nagsasama sila.
Sa parehong building din daw sila ang condo nila. Magkalayong unit pero parang ganon na rin yon.
Nalasing daw silang dalawa, yon na ang simula ng maling relasyon nila.Mali. Mali talaga.
May girlfriend si Vince at may boyfriend si Jen. Haaaaaaay Long Distance Relationships. Nasa Tarlac ang girlfriend at nasa Pangasinan ang boyfriend. Mejo may kalayuan dito sa Baguio.Nabalitaan ko rin na balak daw nilang hiwalayan mga kasintahan nila para maging sila. Totoo kaya? Kakayanin ba ni Jen? At ganon bang klaseng lalake si Vince? Iiwan kaya nila?
BINABASA MO ANG
TAYO
RomanceHindi lahat ng gusto ay nakukuha. Hindi lahat ng nananalig ay naniniwala. Hindi lahat ng humihiling ay nabibigyan. At hindi lahat ng naghahanap ng pagibig ay nakakatagpo. Eh tayo kaya?