Dati

14 0 0
                                    

"Hala ang talino niya! Grabeeeeeee! Nakakainlove!" Sabi ko kay Sarah, ang kaklase ko na kaibigan ko pa mula elementarya. Hindi niya ako pinapansin. Siguro kasi alam niyang hindi tatagal tong pagkagusto ko kay Vince. O dahil alam niyang walang naidudulot na maganda ang pagibig saakin.

Noong hayskul pala kami, maraming nanliligaw sakin. *haba ng haaaaaaair*
Pero marami rin naging problema.
Dumating yung panahon na tinawag nila akong "paasa" kasi wala daw akong binibigay ng sagot. Kasi wala pa akong sinasagot sakanila. Bakit wala ba akong karapatan na mabigyan ng oras para pagisipian muna? Nainis ako. Kaya sinagot ko isa sakanila. Si John. Mas matanda sakin ng dalawang taon, graduating na siya.

Tumagal kami. Nakakatuwa siya. Hindi siya nawawalan ng biro. Minsan gasgas na pero nakakatawa parin.
Sinagot ko siya kahit hindi ko siya mahal. Hindi naman ako naniniwala sa pagmamahal noon eh. Bata pa ako. At alam kong walang permanente sa mundo. At tulad nga ng sabi nila, "puppy love" lang.

Nagtiyaga si John para ipakita sakin kung ano halaga ko sakanya at kung sino talaga siya. Nagustohan ko na siya pagkatapos ng ilang buwan.

Pero natutukso rin siya. Nagkagusto siya sa iba. Isang taon mahigit na ang relasyon namin pero siguro hindi 'to matibay. Hinayaan ko siyang hiwalayan ako. Masakit. Parang mapapaisip ka nlng, "anong ginawa kong mali?"

Hindi ko alam kung anong nagyari sakanila, pero bumalik siya sakin. Tinanggap ko siya. Bumalik kami sa dati. Parang walang nangyari. Kinalimutan ko nalang na sinaktan niya ako.

Paglipas ng mahigit isang taon, mas nahirapan na kami. Dahil hayskul parin ako, siya kolehiyo na. Hindi kami nagkakaroon ng oras para sa isa't isa. Minsan naman hindi na siya pumapasok para lang makasama ako. Hindi na maganda yung takbo ng relasyon namin. Kaya tinigil ko na.
Naghiwalay kami.

TAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon