"Crush" na ang tawag ko kay Vince. Laging siya yung sumasagot pag may tanong ang guro. Humanga tuloy ako. Minsan ka lang makahanap ng lalaking masipag at sineseryoso ang pagaaral.
Sa puntong to, padami na nang padami mga kinakaibigan ko. Block section kami kaya mas madaling makipagkilala.
Lumilipas ang mga araw at dumadami ang mga kailangang gawin. Buti pa si crush parang walang kahirap hirap mag-aral. Hindi siya sobrang talino pero kumpara sa mga ibang lalake, may maipagmamaki siya. Hindi kami naguusap. Hindi ko pa balak. Sa ngayon.
Sabay sabay kami ng iba kong mga kaklase kumain tuwing lunch break. Napaguusapan din namin yong mga nangyayari sa classroom. Lalo na yung mga nakakatawa o kaya nakakahiya. Tulad na lang ng nangyari kanina, si Anderson pag nagsasalita, yung "s" niya may "h" okaya "y". Kumbaga pag tinanong mo kung anong pangalan niya, ang sasabihin niya "Andersyyyon".
Napag-usapan na namin lahat. Yun ang akala ko. Si Cess kasi biglang umamin. Gusto niya daw si Vince. Napatingin ako agad kay Sarah. Kwinento niya na magkatabi sila sa isang subject (oo ng palaaaa! -.-) at masaya daw kasama si Vince. Hay kasalanan to ni Ma'am. Bakit pa kasi may seatplan sa subject niya! Edi sana mga lalaki parin katabi ni crush. Edi sana ako lang nagkakagusto sakanya. Dapat ko bang sabihin kay Cess? Wag na lang. Baka maging magka-away kami. Kakasimula palang ng pasukan ayaw kong bigyan sila ng maling impresyon.
BINABASA MO ANG
TAYO
RomanceHindi lahat ng gusto ay nakukuha. Hindi lahat ng nananalig ay naniniwala. Hindi lahat ng humihiling ay nabibigyan. At hindi lahat ng naghahanap ng pagibig ay nakakatagpo. Eh tayo kaya?