Chismis

8 0 0
                                    

Masaya sila. Naghaharutan at naglalambingan tuwing walang nakakakita, pero yun ang akala nila. Syempre tinitignan ko.
Pinagmamasdam ko ang mga galaw nila. Sana ako na lang. Sana kami na lang.

Oo, nawalay na sila sa piling ng mga kasintahan nang tuluyan. Nakatulong ang pagsasama nila sa paglimot ng sakit at ng hirap.

Mahigit dalawang taon si Vince at ang ex niya. Hindi naman base ang tagal ng relasyon eh. Kung mahal mo, mahal mo. Pero kung hindi, siguro talagang oras na para magpaalam.

Pinaguusapan sila ng buong klase at grabe ang pagkamuhi nila kay Jen.
Hindi nila naiintindihan na nagmamahal lang siya. Biktima rin siya ng sitwasyon.

Nakalipas ang mga linggo.
Tinutukso si Vince kay Marie, ang pinakamatalino sa klase. Pero bakit?

"Crush niya si Marie" sabi sakin ng kaklase ko. "Ha? Si Jen? Paano sila?" Tanong ko. Hindi sila ngunit alam namin na syempre may namamagitan. "Malabo na ata." 

----

Namumugtong mga mata ang mapapansin kay Jen ngayong araw.
Mabilis ang chismis. At syempre inalam ko talaga.
Dati daw, nung sekreto pa ang relasyon nila, dumating daw ang ex ni Vince sa unit niya habang nandun si Jen. Nagtago daw si Jen sa cr at nong nakatyempo, umalis. Nagusap daw sila Vince at ang kanyang girlfriend.

At nong isang araw, umakyat ulit ng baguio ang ex ni Vince, nagusap sila. At nagkaayos daw.
Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko. Kung maniniwala ba ako sa mga chismis. Pero mukhang hindi maganda ang mga pangyayari.

------

"May isang tao na nangako sakin. Akala ko paninindigan niya at kakayanin namin....." Sabi ni Jen nong may sharing na naganap sa isang subject namin.

Minsan sa buhay may mga di kanais-nais na pangyayari. Akala mo ok na pero hindi pala. Akala mo matatag na, pero masisira pala.

Ang bilis.
Parang kahapon lang masaya sila. Ngayon hindi na sila nagkikibuan.

Nasaktan nang labis si Jen. Hindi na siya pumapasok. Ayaw niyang makita si Vince. Hay. Naapektohan tuloy ang pagaaral niya. Puro na lang siya bisyo  at laging lumalabas tuwing gabi pumupunta sa club at umuuwing lasing pag madaling araw. Humahanap siya ng saya sa pamamagitan ng paglalak ng alak.

"Pag may alak, may balak" sabi nga nila. Pero ang balak lang ni Jen ay malampasan ang lahat ng to.
Matigil ang hapdi

na sila mismo ang nagsugat.

Nalaman ko lahat ng yan sa chismis.
Ang bilis talaga ng chismis. Kasing bilis ng relasyon nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon