Chapter Twenty

146 15 2
                                    

Mga pangil na mas mahaba kaysa sa karaniwang pangil ng isang bampira at aswang. Kulay itim ang mga mata. May mahabang buhok. Mabalahibo ang katawan at bagsik na higit pa sa isang leon. Ito ang mga nilalang na makakasagupa nina Daniel, Samuel, Venice, Joella at aling Choleng.

Simula pa noong una ay may mga aswang at bampira na. Hanggang ngayon ay nagkalat pa rin ang kanilang mga lahi. Sa henerasyon natin, sila ang tinatawag na mga bamas, ang pinaghalong aswang at bampira.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagkagustuhan noon ang isang aswang at isang bampira. Nagkaanak sila at ito ang henerasyon ng mga bamas. Mas mababagsik ang mga nilalang na ito, mas palaban at handang pagpira-pirasuhin ang katawan ng mga taong magpapabusog sa kanila.

Naglalaway na sa gutom ang mga bamas. Handa ng sakmalin ang grupo ni Daniel.

Lima laban sa hindi mabilang na mga bamas.

Susubukin ang kanilang mga lakas.

Hanggang saan sila tatagal?

May lugar pa ba para sa pagtakas?

"Wala na kayong pupuntahan! Magdasal na kayo!" wika nang isang lalaking bamas. Tumutulo ang laway nito dahil sa matinding gutom na nararamdaman.

"Masarap ang mga pagkain natin ngayon, mga kasama. Mukhang mabubusog tayo," humaba ang dila ng babaeng bamas.

"Turn off," nandidiring sabi ni Daniel. "Hindi ko gugustuhing maging girlfriend ang katulad mong humahaba ang dila."

Isa-isang nagsulputan ang mga bamas sa harapan ng grupo nila Daniel at Samuel. Nakaangil ang mga ito at handa na silang sunggaban.

Agad na lumapit ang babaeng bamas kay Daniel. Dinilaan nito ang pisngi ng binata. Buong tapang at lakas namang itinulak ni Daniel ang babaeng bamas palayo sa kanya. Kinuha niya ang baril na nakakasuksok sa kanyang tagiliran.
Nang ipuputok na niya ito ay biglang nagwala ang babaeng bamas at nag-iba ang hitsura nito.
Pinakamabagsik sa lahat. Hindi pinahalata ni Daniel na nakaramdam siya ng takot. Pinandigan pa rin niya ang pagiging matapang.

"May paraan pa ba para makatakas?" tanong ni Samuel sa mga kasama. Halatang nawawalan na ng pag-asa ang binata. "Hindi natin sila kayang talunin, ang dami nila."

"Nawawalan ka na ng pag-asa? Mas matapang ba ko kaysa sa 'yo, Samuel," naghahamon na tanong ni Venice.

Sa sinabing 'yon ni Venice, walang nagawa si Samuel kundi kumbinsihin ang sarili na huwag mawalan ng pag-asa para sa kanyang mga kasamahan.

"Obligado tayong lumaban dahil ito lang ang tanging daan papunta sa kinaroroonan nila Ilonah at Don Federico," wika ni Joella.

Pinaikutan ng mga bamas ang grupo nila Daniel at Samuel, kaagad silang sinunggaban ng mga gutom na nilalang.

Hinagupit ni aling Choleng ng buntot pagi ang bawat bamas na lumapit sa kanya. Lahat ay nagbagsakan.

Kinuha ni Samuel ang kakaibang patalim na nasa loob ng kanyang bulsa. Ang maliit na patalim ay naging kasinghaba ng espada nang alisin ni Samuel ang takip nito. Isa-isang nagbagsakan ang mga lumapit na bamas sa binata.

Hawak pa rin ni Daniel ang kanyang baril na ang laman ay asin. Isa-isa ring nagbagsakan ang mga bamas na nagsilapitan sa kanya.

Ginamit naman ng magkapatid na Venice at Joella ang kanilang mahika laban sa mga bamas na gusto silang sunggaban.

Naglaho isa-isa ang mga bamas dahil sa mga sandatang gamit nina Daniel, Samuel, at aling Choleng at mahikang taglay Nina Venice at Joella.

Ngunit nanatiling nakatindig sa kinatatayuan ang babaeng bamas na kanina ay nag-ibang anyo. Mas nakakatakot ito ngayon dahil sa kakaibang pag-angil.

Pinalibutan ng grupo ni Samuel at Daniel ang babaeng bamas. Nakita nila ang naramdamang takot nito.

Hindi mapakali ang babaeng bamas.

Umupo ito sa kalsada.

Yumuko.

At nang iangat nito ang ulo ay isang magandang babae ang nasilayan nang lima.

Payabang na nagsalita si Daniel. "Hindi mo ko madadala sa arte mo, kumita na sa 'kin 'yan."

"Tapos na ang laban," wika ng bamas sa malumanay na boses. "Sumusuko na ko."

Nagtaka si Venice sa sinabi at ikinilos ng bamas dahil sa pagkakaalam niya ay hindi sumusuko sa anumang labanan ang mga ito. "Huwag kayong maniniwala sa kanya. Isang patibong lang 'yan."

Walang binigkas na salita si Daniel, ngunit makikita sa kanyang mukha ang matinding poot sa babaeng bamas. Kinalabit ng binata ang gatilyo ng baril at sa isang iglap ay bumagsak ang katawan ng bamas sa kalsada. "Tapos na ang laban."

Ganti Ng Kaluluwa Ni IlonahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon