Chapter 3: Crush

31 1 1
                                        

MAXXINE

Tapos na kami sa tour kaya naisipan ko'ng nag-ditch. Wala lang trip lang.

Pumunta ako sa secret garden tsaka umupo na sa bench malapit sa pond.

Iniisip ko din yung crush ko. Yieee~ Ang gwapo niya promise. Para siyang si Park Chanyeol. Waaah~ di ko pa rin nakakalimutan yung gwapo niyang mukha.

Pero di ko pa alam pangalan niya eh. Pero gagawa na lang ako ng codename niya.

Kumuha ako ng ballpen tsaka notebook at sinulat ang codename niya. Bwahaha~

Sinulat ko at aba'y sinipag ako ngayon at dalawang punong page ang sinulatan ko. Walang ka-space space eh.

Nakaramdam naman ako bigla ng antok kaya sinandal ko muna ang ulo ko tsaka pinikit ang mga mata.

ZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzZ

Napamulat ako ng mata ng maramdaman ko'ng may umupo sa tabi ko.

"Oh? Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya.

"Wala napadaan lang ako."

K.

"Bugtong ta'yo--"

"WAG!!! Alam mo namang mahina ako diyan." pigil ko sa kaniya.

"Ok lang yan. Marami ka namang malalaman eh." sabi niya.

"OK. Pero ako naman ang magtanong sa'yo ha?" tumango naman siya.

"2 fathers and two son had dinner together. They were composed 3 men. How is this possible?" Eh? Kalito naman.

"Sirit na."

"Ang dali lang kaya nun. Tsk. Ang slow mo talaga." di bale maganda naman. Hahaha. Joke lang. Ngayon lang toh ok?

Pagbigyan...

"Sige na sirit na kasi." pilit ko sa kaniya.

"One is the grandfather, one is the father, and one is the son. Yun lang. Tsk."

"Sorry di ko gets."

"Slow." tsk.

"Ako naman." -ako na ubod ng ganda.

"Sige pero siguraduhin mo'ng hindi yan tulad nung kanina ha?" -siya na akala mo na bakla sa kanto.

"K. Pero ito di ko kasi alam ang sagot eh. Mabuhok, matigas, labas-pasok sa madilim na butas." actually alam ko yung sagot nakalimutan ko lang.

"Pfft. Hahahahahaha. Bwahahahahahaha. Xime ano ba naman yan. Hahahaha." tumatawa na naman siya na akala mo baklang baliw sa kanto.

Bigla namang tumunog yung phone ko kaya tinignan ko yun.

May notification pala.

Tinignan ko at dun ko naalala yung sagot.

"Naalala ko na yung sagot."

"Pfft. Ano?" atat niyang tanong.

"Toothbrush." maikli ko'ng sagot.

Kasi yung notification yung kay Talking Ginger na magto-toothbrush na daw siya kaya naalala ko yung sagot.

"Ahh kala ko ano na. Pero sabi mo di mo alam yung sagot."

"Nakalimutan ko kasi eh. Hehe." sabi ko at napa-kamot sa batok.

Napatingin naman siya sa lap ko na may notebook.

"Uiii~ uiii~ uiii~... Crush mo ko noh? Ba't nakasulat yung pangalan ko diyan? At aba'y sinipag ka pa ha? 2 page, puno at walang ka-space-space. Ikaw ha?"

Napsimangot naman ako.

"Wag ka nga'ng assuming diyan. Codename kaya yan ng crush ko. Tsk." sabi ko sabay irap.

"Ba't pangalan ko?" malumanay niyang sabi.

"Wala kasi ako'ng iba'ng maisip. Tsaka yung pangalan mo lang kasi yung naisip ko eh. Hehe. Peace." sabi ko.

Wala na kasi ako'ng iba'ng maisip eh. Kaya pangalan niya na lang.

"Yvan!!!" tawag ko sa kaniya. Bigla kasi siyang tumayo at nag-lakad palayo. Anyare~ dun?

"Yvan sorry papalitan ko na lang codename ng crush ko. Sorry naman oh?"

"Van sa'n ka pupunta?" tawag ko sa kaniya.

Tumigil naman siya at lumingon.

Ngumiti ako ng alinlangan tsaka nag-peace sign.

"Baka hinahanap na ako nina Kyle Sige diyan ka na." sabi niya tsaka tumalikod at nag-lakad na paalis.

Problema nun?

Too Slow, Too GreenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon