MAXXINE
Waaah~ Hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapansin mula kahapon.
Di ko alam pero kasi parang na-offend ko siya eh. (ToT)
12:00 PM na at nandito ako sa bahay kumakain kasama si kuya.
"Waaah~ Kuya parang... parang... parang galit si Van sa'kin." sabi ko kay kuya.
"Bakit naman?"
"Kasi...kasi...kasi kuya ginawa ko'ng codename pangalan niya eh."
"Codename? Para saan naman?" tanong niya.
"Para sa crush ko. Para hindi nila malaman na crush ko yung taong yun kaya ginawan ko siya ng codename kaya lang wala ako'ng iba'ng maisip kaya pangalan niya ang ginawa ko." sabi ko.
"Tingin ko kuya na offend ko siya."
"Yeah."
"Ano'ng yeah?"
"Oo na offend mo siya kasi syempre ikaw lang ang tumatawag sa first name niya pero ginawa mo'ng codename kaya syempre mao-offend talaga siya." mahabang litanya niya.
"Waaaaah~" OA na kung OA.
Ayoko kasi na may ma-offend o may kasalanan ako sa isang tao. Naiiyak ako eh. Huhuhu.
Magso-sorry ako sa kaniya. Pero pa'no?
Aish. Bahala na si Kim Myungsoo mylabsss.
"Kuya sabay ba tayo?"
"Hindi. Una ka na, may gagawin pa kasi ako." nalungkot naman ako bigla tsaka tumango na lang.
Tumayo na ako.
"Wait Xim. Where's my kiss?"
"Aba malay ko?"
"Argh. Come here." kinuha ko muna yung bag ko tsaka sinukbit at lumapit kay kuya.
"Where's my kiss?" nagkibit-balikat lang ako.
Aba aba malay ko ba kung sa'n niya yung nilagay?
"Sige kuya alis na ako. Mamaya na lang natin hanapin yun."
"Wait!" pigil niya tsaka hinalikan ako sa pisngi.
"Yan wag na wag mo na yan kalimutan ha? Kiss mo naman ako." awtomatiko ako'ng napangiti kay kuya tsaka siya hinalikan sa pisngi.
"Bye kuya. Love You."
"Bye ingat. Love you too."
Lumabas na ako tsaka sumakay na sa kotse.
Maya-maya lang nandito na ako sa academy.
Bumaba na ako at nag-lakad habng naka-yuko ang ulo.
Iniisip ko kasi kung pa'no ako magso-sorry sa kaniya.
*sigh*
Habang nagla-lakad ako di ko namalayang may nabangga na pala ako.
"Aray ko." sabi ko habang sapo sapo yung pwet ko. Yun kasi yung unang lumanding. Inangat ko naman yung ulo ko.
"Sorry." nasabi ko na lang.
Sorry kasi na-offend kita.
Sorry kasi ginamit ko pangalan mo.
Sorry din kasi nabunggo kita.
Is it too late now to say sorry?
Waaah~ napakanta pa ako nun ah?
Di ko namalayang wala na pala siya sa harap ko.
Tumayo ako tsaka lumingon-lingon.
Nakita ko siya.
"Van. Sorry!!!" sigaw ko pero hindi siya lumingon.
Aissst. Galit siya o nagta-tampo. Syet. Di ko naman ata kaya na hindi ako papansinin nun.
Aisssh. Mamaya ka Van, pupunta ako sa bahay niyo.
Sa ngayon papasok na ako sa room.
Pag-pasok ko, as usual tahimik. As in tahimik ang buong classroom.
Wala pa'ng teacher pero nandito na si Reyx.
Ayaw niya kasi ng ingay eh. Kung magiingay ka, mas maganda pa'ng pumunta ka nalang sa mental hospital kung ayaw mo'ng ma-detention. Mahirap kasi yung pinapagawa niya eh.
Umupo na ako sa tabi niya tsaka ko lang napansin na tulog pala siya.
Ba't siya dito natulog? May office naman siya?
Aiiist bahala na. Kesa naman mag-isa ako dito.
Dumating na yung teacher tsaka siya nag-discuss. Napalingon ako sa likuran ko at nagulat kung bakit absent si kuya, Yvan, Kyle, Kent tsaka si Nash at Lucas. Sa'n kaya yun nag-punta?
Dumiretso na lang ako ng upo. Tsaka nakinig.
"So? The queen said earlier that we have our camping for I think 3-4 days. Magkakaroon ng partners para sa games dun. The day after tomorrow pa ta'yo maga-assign ng mga partners kasi absent yung iba. Ok? So that's all for today good bye class." announce niya tsaka lumabas na.
*kriiiiiiiiiiing*
Bell na pala. Napatingin naman ako kay Reyx ng bigla siyang gumalaw. Gising na siguro.
"Oh? Maxx? Nandito ka pa? Breaktime na ah?" bungad niya pag-gising niya.
Lumingon-lingon naman ako tsaka ko napansin na wala na palang iba'ng tao kundi kaming dalawa nalang.
"Ah hinihintay kasi kita eh. Hehe." sabi ko.
Tumango naman siya tsaka tumayo na.
Si Reyxie Shane ang may-ari ng school na'to. Siya din ang kaisa-isa ko'ng bestfriend na babae dito. Actually, nung una namin na pagki-kita first impression ko sa kaniya masungit na mabait. Oo yun. Ayaw nga niya kumain sa cafeteria eh kaya lang sabi ko na dun na lang masasarap naman ang mga pagkain sa cafeteria ng school niya. Kaya ayun.
Nag-lalakad na kami patungong cafeteria, umupo na kami pagka-tapos naming mag-order.
"Ang tahimik mo ah? May himala ba?" naging ganiyan na yung mga salita niya simula nung naging close pa kami lalo. Haha.
"May problema kasi ako eh."
"Mind to tell me?" kinuwento ko naman yung nangyari sa'min ni Van nung ginamit ko pangalan niya, nung na-offend ko siya, nung hindi niya ako pinansin. Ni hindi niya nga ako tinulongan kanina eh.
"Naninibago kasi ako kasi walang nag-tatanong sa'kin ng bugtong ngayong araw. Wala ding tumatawag sa'kin ng slow ngayo'ng araw." malungkot ko'ng sabi.
"Alam mo isa lang naman ang solusyon diyan eh. Ang mag-sorry." sabi niya.
"Reyx di ko alam kung pa'no eh. Baka hindi niya tanggapin."
"Simple lang naman eh. Magsasabi ka ng sorry kaya lang yung sincere. Ok lang naman kung hindi niya tanggapin at least ginawa mo.
Ngumiti naman ako tsaka tumango. Magso-sorry na talaga ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Too Slow, Too Green
RomanceDo I need to change myself just to make you notice me? (ON-HOLD)
