Chapter 6: Heart Disease

14 2 0
                                        

BLAKE

"Yvan!!!" tawag niya sa'kin ng bigla ako'ng tumayo.

"Yvan sorry papalitan ko na lang codename ng crush ko. Sorry naman oh?"

"Van sa'n ka pupunta?" tawag niya ulit sa'kin.

Tumigil naman ako at lumingon.

Ngumiti siya na nagaalinlangan at nag-peace sign.

"Baka hinahanap na ako nina Blake. Sige diyan ka na." sabi ko at nag-lakad pa-alis.

Di ko alam pero naisipan ko'ng pumunta a cardio. May ka-kilala kasi ako eh.

Kasi sa oras na nakita ko yung pangalan ko sa notebook ni Xime bigla kasing bumilis yung tibok ng puso ko kahit alam ko'ng codename yun ng crush niya.

Na-offend ako oo. Pero hindi yun ang pinaka-dahilan.

Umalis ako dahil bigla ako'ng kinabahan, ewan ko ba.

"Eh pero tito normal lang naman siguro yun di ba? Kasi syempre nagulat ako eh."

"Oo. Maybe." baliw na si tito.

Kanina pa kami nag-uusap pero siya parang baliw na ngumi-ngiti ng nakakaloko.

"Tito naman eh. Seryoso ako oh?"

"Binata ka na talaga." baliw na nga.

"Tito tinatanong ko kung normal lang yun eh anlayo naman ng sagot mo."

"Gusto mo palapitin ko." tumango lang ako. Atat na kung atat. Syempre baka huling araw, linggo, buwan, taon ko na dito sa mundo.

"Normal lang naman yun... sa taong in love." tongonooo~

"Tito naman eh. Aissst. Maka-alis na nga lang."

Lumabas na ako tsaka umuwi na. Di na ako pumasok.

Baka ikamatay ko pa dahil sa babaeng yun.

*Kinabukasan*

Palabas na ako at nakita ko naman agad si Xime na nakayuko habang nag-lalakad.

Mukhang may problema siya...

Nagpatuloy lang ako sa pagla-lakad at di ko namalayang inch nalang ang layo namin kaya hindi ako naka-ilag at nag-kabanggaan kami.

"Aray ko." sabi niya habang sapo sapo ang pwetan niya. Inangat niya ulo niya.

Tsk. Ayan na naman yung kaba ko.

"Sorry." sabi niya.

I saw her spacing out kaya nag-lakad na ako palayo.

"Van. Sorry!!!" rinig ko'ng sigaw niya.

Umalis ako hindi dahil galit ako, kundi dahil mahal ko pa buhay ko. Malay ko ba'ng mamatay ako sa kaba dahil sa kaniya.

Baka lumabas pa to'ng puso ko sa katawan.

Lumabas na ako ng academy at pumunta sa kahit saan.

Kahit saan basta malayo sa kaniya.

Hindi ko muna siya papansinin mga 1 day o 2.

Haaay. Di ko alam kung kaya ko ba o hindi.

Too Slow, Too GreenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon