POGI HUNTING"Fuckers. Ang lalakas ng loob." Sabi ni ate avery na hinahawakan na ni mirella ngayon para hindi sugudin yung tukmol na ex ko.
"Sana maputol yang ano nya. Tss." Sabi ni denise.
"Hayaan nyo na yan. Maloloka lang ang beauty nyo sa dalawang malanding yan." Sabi ni kaylee na nagpatawa sakin.
"True." Pagsangayon ni ate yassi,
"Tara sayaw tayo, sab." Tawag saakin ni denise sa nickname ko. Galing yun sa isabelle ko. Lagi nila akong tinatawag na sab, lalo na ng pinsan kong mga babae. Pero, pag galit or nagulat or malungkot sila sakin. Makayla ang tawag. Hahahaha.
"Okay." Pag sangayon ko.
Sumayaw na kami ni denise sa trance music na umaalingawngaw sa bar.
My cousin usually call me sab. Minsan naman, makayla. Si denise naman, denise talaga. Si ate avery, usually ave tapos minsan avery. Si mirella naman, mirella talaga. Si ate yassi naman. Usually yass. Tapos minsan yassi. At si kaylee naman, kaylee talaga.
"Hi miss." Sabi ng isang lalaki sa likod ko. Na sinasabayan na ako sa pagsayaw kaya tumigil ako.
Humarap ako sakanya at tinignan sya. Mukhang nasa mid 20's na to.
"Excuse me." Sabi ko at aalis na sana kaso hinila nya ako at marahas na sinayaw.
S-hit Kadiri.
"ANO BA?!" sigaw ko sakanya at hinahanap ng tingin ang mga pinsan ko ngunit hindi ko sila makita.
"Pare, sabi nung babae, bitawan mo na sya." Sigaw ng isang lalaki sa likod ko na di ko makita. Syempre nasa likod ko nga diba?
"Pakealam mo ba?! Humanap ka ng babae mo!" Sabi ng lalaking manyak na to.
"Matuto kang rumespeto sa babae." Sabi nya sabay sinuntok yung lalaki at hinila na ako kung saan.
"ANO BA?! BITAWAN MO AKO!" Protesta ko. Sa sobrang pag pupumiglas ko, natumba kami. At....
SHTTTT NAHAWAKAN KO YUNG ABS NYA. MYGHAD I HATE DRUGS. LOL.
"WTF? Seriously? Ikaw na tinulungan ikaw pa galit?" Sabi nya at tumayo tapos inalalayan na rin ako tumayo.
Ay. Shit. Di naman ako na-inform na ganto pala ka-pogi tong si koya.
"S-sorry." Sabi ko. Shiz, baka sabihin nya may gusto ako sakanya kasi nautal ako.
"Magiingat ka sa susunod miss." Sabi nya sakin.
"What's your name? Nakakahiya naman. Niligtas mo pa ako." Sabi ko.
"Travis. And you? That's nothing. Basta magiingat ka sa susunod." Sabi nya.
"Makayla." Sabi ko sakanya.
"Okay. Gotta go, makayla. See you around." Sabi nya at ngumiti at umalis na.
Omygod. Those perfect lips, perfect nose, deep eyes, perfect brows, and perfect jaw. Mygodd para syang isang god. Parang adonis.
"Uy andito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap." Sabi ni ate yassi.
"Akala namin tumalon ka na sa dagat." Sabi ni ate ave.