Zeke and EulaMakayla's POV
Namo-mroblema na kami kasi hindi pa din nauwi si zeke ng 10 pm. Damn! Hindi ba sya sanay sa panlalait namin?
"KUYA!" nagtinginan kami sa pinto ng room ng dumating si zeke na walang ka emo-emosyon. It seems that he's broken hearted pero bakit naman? Dahil sa hindi lang namin tinawanan joke nya? Is that it?
"Uy! Eti kung maka tampo eh. Eto na tatawa na kami oh." Sabi ni ate ave tas nagsi-tawanan sila. Pero si zeke, ganun pa din. Parang wala dito yung utak.
"Bangag to. Nakabuntis ka ba?" Tawang sabi ni kuya calvin.
"I just....
Feel like my heart is broken." Sabi ni zeke na nagpatigil saming lahat sa pagsuyo sakanya.
"Parang ewan naman to! Dati naman sinasampal pa kita, pero di ka nagsasabi ng mga ganyan." Sabi ni ate yassi.
"Tatawa na ako sa joke mo promise." Sabi ni denise na naguguluhan din sa inaasal ng kuya nya ngayon.
"By chance, did you saw eula?" Sabi ni kuya julian na nagpa-tahimik samin. Eula? Yung ex nya na silva?
"Yeah." Sabi nya at dumiretsong higa sa kama. Hindi na namin sya ginulo. Hinayaan na lang namin syang magpahinga.
"Whooh. I felt relieved tho. Akala ko galit sya dahil lang sa hindi natin pagtawa." Sabi ni kaylee.
"We know zeke. Hindi sya mababaw na tao. Kahit higupin pa sya ni cell, i super saiyan ni goku, sapukin ni damulag, o suntukin ni taguro. Di magagalit yun basta hindi sya nasasaktan emotionally." Sabi ni kuya ty.
"But how did kuya julian know that it's eula?" Tanong ni denise.
"Eula is the only person who can make zeke like that. Kahit ako, saktan ko yan emotionally, bugbog lang naaabot ko dyan tapos ayos na ulit.
Pero si eula? Nung nalaman ni zeke na niloko lang sya, di nagsalita ng isnsg buwan yan. Iniisip ko nga na siguro panis lagi laway neto kasi hindi nagsasalita. Muntik ko na nga ipa-konsulta sa doktor yan kasi laging tulala tapos parang nasa ibang mundo yung kaluluwa. Kaya pag ganyan si zeke, ibig sabihin si eula dahilan." Sabi ni aiden."Eh bat ikaw? Nasaktan din naman, hindi ka naman naging ganyan?" Takang tanong ni mirella.
"Unlike me, kaya kong mabuhay ng walang babae. Yes, mahal ko si cristelle. But that's not enough for me to wreck my own life." Sabi ni aiden. This is what i admire about my cousins. May mga unique characteristics. Etong si aiden, eto pinaka mature magisip kumpara mo kay kuya ty at zeke. -___-
"Sus ang sabihin mo, nakilala mo lang yung great love mo." Asar ni mirella.
"Mirella shut up." Sabi ni aiden. Hmm. Fishy.
"Hay nako hindi nagkukwento si aiden." Tawang asar ni denise.
"Psh. Di 'no. Wala akong pake sa lovelife." Sabi nya at nag walk out. Bakit ba kung sino mga lalaki samin eh sila pa yung mahilig mag walk out?
"Sabbbb!!" Sigaw ni kuya ty. Tss. Ang ingay.
"What?" Inip kong sabi.
"Sleep na." Sabi ni kuya at nagpa-cute. Ugh. Bakit ang cute ng kuya ko? Huhu.
"Time to sleep freaks." Sabi ni kuya julian at pinatay ang ilaw. Natira na lang yung mga lampshades.
----------------;
"Sabby!" Gising sakin ni denise.
"What? I'm still sleepy." Sabi ko at naguunat unat pa.