TWENTY SIX

769 27 1
                                    

SAI POV

"Sai! ano ba tagal mo ah! maglalaro na daw eh" naaalibadbaran ako sa Kris na to "Huy!! ano ba ginagawa niyo diyan sa kwarto, mamaya na yan ang aga-aga pa! Ganda, hindi dadami yang Saico na yan!"

"susunod na! taena! mauna na kayo!" sigaw ko

-
"Honeybabes naman, tama na yan!" naglalagay pa kasi ng kung anu-ano si honeybabes eh

"sandali nalang to, ayaw mo ba magsando? nakikita yung peklat mo" she meant yung peklat ko sa tama ng baril dati.

"Okay na yan! hindi ka pa ba lalabas? mauuna na ako" sabi ko, honeybabes talaga

"Excited ka makakita ng mga babaeng naka bra't panty don no?!" huh?

"maglalaro tayo ng beach volleyball, tayo! problema mo honeybabes?" sita ko

"sinasabi ko sayo, Saico, pag di ka nagbehave dito, uuwi tayong dalawa!" banta niya, problema niya?

"Oo na! tara na" yaya ko na ulit, at finally lumabas na kami.

Pagakalabas namin halos bagot na bagot na naghintay ang tropa sa amin.

"Sige, Girls Vs Boys" yaya ni Jed, loko may nadali na agad-agad, tisay pa, ang bilis, sabagay bagong laya

"Sige, go!" pag sang-ayon ko "Sige na honeybabes"  pinapunta ko na siya sa team niya

Grabeh, yung saya ko parang abot langit, kelan ba ako last nag laro nito? kelan ba ako nagsaya ng ganito? antagal na! tamang-tama to, stress remover.

Nagkakatuwaan kami ang kaso nong pag spike ko dumiretso sa mukha ng tisay, nagulat ako.

"I'm sorry, I didn't mean it" dispensa ko

"I feel dizzy" sabi nong tisay, tae.

"Parang Sai naman, sinadya mo ata eh" sabay tapik sakin ni Red

"Gago, hindi ah! sorry Miss" loko tong mga tropa ko tawa ng tawa, binuhat ko yong tisay at inilapag sa gilid, nag abot naman agad ng ice bag si Jed

"Hoy, pareng Sai, gets namin na worried ka, pero yung asawa mo" tawa sila ng tawa "masama timpla pre" bulong ni Lance

"di ka parin nagbabago" sabay sabi naman ni Red

Huh? lintik talaga.

"Hooo..init, painom niyan honeybabes" sabi ko, umiinom kasi siya ng juice, inabot niya naman pero walang salisalita "ligo tayo honeybabes"

"You've just said, mainit" sabay irap at inom niya ulit sa juice "mamaya na ako, mauna kana"

"May problema ba honeybabes?" nagsusungit na naman si Honeybabes, bakit ganito siya?

"Yung blonde mukhang okay na, maglaro na kayo ulit, tamaan mo siya ulit tapos buhatin mo, alagaan mo" sabi niya

"Grabeh naman honeybabes, hindi ko type yon, dudugo ilong ko don, tsaka, wag mo na pagselosan diko sinasadya yon, tara na honeybabes, ligo na tayo" sabi ko

"Nakakabadtrip ka kasi Sai eh, kararating lang natin pero ayan, kung makabuhat at makalambitin sayo yung tisay na yon, nakakapanginit eh" ang selosa ni honeybabes, mana saken to.

"Sorry na" sabay bug hug ko, pero I fooled her, binuhat ko siya, patakbo sa may dagat at lumusob kaming dalawa, kinurot niya ako pero ayos lang.

"Sai!" reklamo niya pero naka yakap padin kami nagpapahampas sa alon, sweet namin no? inggit kayo? haha

"Ang init pa oh" reklamo niya pero nakakapit siya sa leegan ko paharap sakin, di kasi marunong lumangoy takot sa tubig, lol tong babaeng to tubig lang katapat, laptrip.

MARRIED MR. SAICO (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon