THIRTY ONE

897 31 7
                                    

Sai POV

Taena! para namang pati puso ko winasak din habang nakikita ko ang pag tow ng sasakyan ko, na pagmamayari ng kompanya, buti nalang pala hindi yong kotse ko talaga ang dala ko kundi babaliin ko buto ng Alex na yon.

"Grabeh, kawawa yong sasakyan pareng Sai" pag sabi sakin ni Red "kung sasakyan ko yan maloloka ako" palingo-lingong sabi ni Red

"Pare, sila Alex na naman to diba? nakakarami na yang Alex na yan ah!" pagsabi ni Lance, gusto ko magwala eh ang kaso kasama ko si Honeybabes

"Pinacheck ko ang cctv ng parking lot ang sabi matagal na daw sira, taenang eskwelahan to, sunugin na kaya natin to?!" pagsuggest ni Kris "Baka mamaya pati mga sasakyan namin mapagdiskitahan din, taena makakapatay ako"

"Honeybabes" pagtawag ko sa asawa ko

"Sai?" tugon niya, gusto kong magpaalam eh, kung pwede huntingin ko na ang Alex na yon ng matapos na to, wala akong panahon sa mga larong kagaya nito

"Pwede ba sumama ka muna kanila Karen?" sabi ko, ang hirap pag ganito pala! dati kasi pag may mga ganitong gusot ang bilis lang gawan ng desisyon! ngayon, kailangan ko pa magpaalam sa asawa ko! nagsisisi naba ako? Hindi rin.

"Ihatid mo nalang ako sa bakery, andon naman si Lea at tetext ko nalang si Karen na dumaan sa bakery" sabi niya

"Sige pasasakayin nalang kita ng taxi" suggest ko

"Ihahatid mo ko sa bakery" firmly,she said.

"Ihahatid nga, sabi ko" Hay, sasabunin na naman ako nito di lang makaakto kasi andito ang tropa pati section F eh.

-
Binaling ko ang atensyon ko sa tropa at nagpaalam na muna sakanila at sa tambayan nalang kami magkita, Hayop na alex na yon san ko ba huhuntingin ang lokong yon? shit.

Gaya ng utos ni honeybabes sumakay kami ng taxi papunta sa bakery, sa taxi palang tahimik siya.

"Honeybabes? anong iniisip mo, ang tahimik mo eh" sabi ko, nagtanong na ako baka mamaya galit na galit na pala to.

"Saan ka na naman ba pupunta? Hahanapin mo na naman ang Alex na yon? ayaw mo talagang tumigil hangga't dika napapahamak?" nagsimula na siya

"tapos tatahimik nalang ako sa lahat ng pinag gagawa niya?" sabi ko "duwag yung lalaking yon eh, bat di niya nalang ako diretsyohin ha? taena siya! sa lahat pa ng kukunin niya sakin ikaw pa? katayin ko muna siya kamo" pag aalburoto ko

"Jusko Sai, hindi nga niya ako makukuha! bakit ba iniisip mo na makukuha niya ko eh, una sa lahat asawa mo ko! okay sa London pero magpapakasal na naman na tayo plus sa mata ng diyos kasal na tayo!" napasigaw na siya, yon bang parang nagpipigil nalang siya at gustong gusto niya na akong kutusan.

"Kahit na! nakita mo ba yung kotse ko? honeybabes buti nga sa opisina yon eh dahil kung yung kotse ko na bigay ni mama yon papatayin ko talaga siya!" naiinis na talaga ako

"Papatay ka dahil sa kotse ganon? Wow ha" hanggang sa pag dating namin sa bakery nag tatalo parin kami.

"Honeybabes intindihin mo nalang ako please! hindi ako matatahimik hanggat diko napapadapo ang kamao ko sa mukha nong Alex na yon!" singhal ko

"Sai, pag pinatulan mo yon hindi matatapos ang gulo!" nakakabadtrip, urgh. "Sai, hindi ka ba natatakot sa maaaring gawin ng Alex na yon? sayo? sa tropa mo, sakin?!"

"Honeybabes! kahit nong wala pa akong alam tungkol sakanya ginagambala niya na tayo, tapos hahayaan ko siya?! baka naman kasi totohanan yang baby-baby niyo na yan! magsabi ka lang!" umiinit ang ulo ko, dito kami nag tatalo ni honeybabes sa loob ng office sa bakery.

MARRIED MR. SAICO (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon