THIRTY NINE

792 21 4
                                    

AN:
I hope mabasa niyo rin ang soft rock, it isn't as serious as HIMS & MMS because its a RomCom pero andun padin ang portrayer ni Sai and the rest of his bandmates 😂 ayun lang. kapit na tau, medjo pampabasag puso ng konti.

--

MADJ POV

"Ma, umuwi po ba si Sai?" ito agad ang tinanong ko kay Mama pag gising ko

"Hindi, anak nag away na naman ba kayo ni Sai? aba anak seryosohin niyo naman ang relasyon niyo at iwasan ang mga awayan" pag payo ni Mama, nalungkot naman ako bigla.

I tried to dial Sai's number pero hindi ito ma'contact.. kaya si Luisa at Karen ang sunod na tinawagan ko..

"Ah sige" Hindi din pala umuwi si Kris at Lance, malamang magkasama sila ngayon ni Sai, ano kaya ang ganap? kinakabahan ako.

Kahit mabigat ang loob ko pumasok sa school kelangan na kasi ng first semester report sa department tapos finals pa, hindi ko alam kung makakaya ko ba mag dean's list ang intense ng problema ko ngayon, hindi ko alam kung pano na.

Hindi na ako nagabala pa sa wawents dahil alam ko nag inuman na naman sila kagabi, hindi man lang nag paalam si Sai, may problema siya sakin at ayaw niya sabihin.

Is it because of my cellphone, nasabi nga kaya ng babae na si Alex ang nagpapabigay ng phone ko? hay.

Biglang nag vibrate ang phone ko sa bag. Papunta na ako ngayon ng school, wala namang kakaiba sa paligid, normal lang ang takbo ng buhay ngmga tao na nasa paligid ko, busy ang halos lahat ng mga nakakasalubong ko dahil finals week na next week.

Nalaman ko na namatay na ang nanay ni Lea mabigat ang pinagdadaanan niya pero mabuti nalang ang manly ni Red at hindi siya pinapabayaan.

Nong busy ako sa pagmumunimuni mag isa nagulat nalang ako ng may humila sa akin mahigpit ang pagkakahila niya sa akin kaya nag pumiglas ako dahil masakit na sa kamay.

"ano ba!!" finally nakaalis ako sa pagkakahawak niya ng kamay ko

"we need to talk!" si Alex pala, nakasumbrero kasi siya kaya diko siya agad nakilala

"Ano pa bang dapat natin pag usapan ha? alin pa ba ang hindi malinaw sayo? HINDI nga kita MAHAL!! gusto mo ispelling ko pa? para mas maintindiha mo?" malditang tugon ko, nakakapikon eh!

"Hindi mo ba alam na lahat na pag aaralan? napag aalaman? if you try to give and open your self for possibilities then you should at least give me a chance, kasi i tell you hindi mo kilala ang Saico na yan! mapapahamak ka lang sakanya!" napasigaw nadin siya

"Huh? at bakit? hindi ba ako mapapahamak sayo? eh ikaw tong mahilig gumawa ng gulo para sa amin ni Sai, sino ka ba? sino ka para basta basta nalang manira ng samahan?!" ang init na ng ulo ko

"Tingnan mo ang ginawa ng Saico na yan sa kasamahan ko" tapos inabot niya sa akin ang cellphone niya, may picture ito ng isang lalaki na duguan at super bugbog ito

"Pinadala sakin ni Saico kagabi, he's threatening me, ginulpi niya ang kaibigan ko para iparating sa akin kung sino talaga siya! He also did the same dati 2 sa kasamahan ko ang badly injured dahil pinagbugbog sila ni Saico sa mga tropa niya, tell me Madj, do you know this side of Saico? kilala mo ba talaga ang taong minamahal mo?" he said,

Nagulat ako sa mga sinabi at nakita ko sa cellphone, hindi totoo to.

"Hindi magagawa ni Sai yan, gawa gawa mo lang dahil galit ka sakanya dahil gusto mo kami maghiwalay gusto mo kaming sirain diba? umalis ka na!" sabay tulak ko sakanya

"Trust me Madj, monster ang mahal mo! sa dami ng taong nakaaway niya na binully niya do you think mamumuhay kayong matiwasay? as long as buhay siya you will never be happy! ililigtas kita sakanya!" sabay hawak niya ng kamay ko pero nag pumiglas ako

MARRIED MR. SAICO (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon