Lose myself.
- - - - - - - - - - - - - - - -
"Wag!"
Nakarinig ka ng sigaw sa isang eskinita. Gabi na at galing sa trabaho mo. Nakarinig ka pa ng tunog nang pagsuntok. Nakaramdam ka ng kaba at takot kaya binilisan mo ang iyong paglakad.
Papalapit ka na sa eskinitang iyon at pinipilit mong wag tumingin para hindi ka mahalata ng mga taong iyon.
"Tulong!"
Nabigla ka kaya napahinto ka. Napalingon ka at kalahati ng katawan mo ang nakakatapak sa eskinitang iyon. Pinikit mo ang mga mata mo pero patuloy ang sigaw ng tulong ng taong iyon.
Nakonsenya ka kaya nilabas mo kaagad ang whistle sa bag mo at nagtago sa poste.
"prrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrt!"
Nagtago kang mabuti. Hinawakan mo ang pito at napapikit. Nakarinig ka ng mga paang nagtatakbuhan papalayo.
"Tulong po!"
Nang wala ka ng maramdamang ibang tao, lumabas ka sa pinagtataguan mo at sinilip ang eskinitang iyon.
Nabigla ka sa nakita mo. Duguan ang lalaking nakaupo at nakasandal sa pader. Mabilis ang paghinga niya kaya nagmadali kang puntahan siya. May poste malapit sa kinaroonan niya kaya madali mong nakita ang mukha niya.
"K-kuya? O-ok ka lang po ba?" takot mong tanong.
"M-mukha ba a-akong o-ok- aish!" Napahawak siya sa may bandang tiyan niya at nakita mo ang dugong umaagos sa tagiliran niya. Nagpapanic ka na kaya tumawag ka ng ambulansya.
"Paki dalian po!" biglang patay mo sa phone mo. Napatingin ka sa kanya at naawa. Bakas sa mukha niya ang sakit na nakuha niya. Kinuha mo ang panyo sa bag mo at binigay sa kanya.
"Aanhin k--"
"Ito ang itapal mo sa tagiliran mo. maabsorb kahit papano ang dugo mo jan at para na din hindi umagos ng mabilis.
Kaagad naman niyang sinunod ang sinabi mo at nagawa naman niya.
"Parating na ang ambulansya. Kaya konting tiis nalang kuya." sabi mo habang nakatingin sa labasan ng eskinita.
"Ano ang pangalan mo Ate?"
Napatingin ka sa kanya. Medyo nastock ka sa mga tingin niya.
"Ahh--ahh..Leah." sabi mo at umiwas ng tingin.
"Ako si Sehun."