Nerds do fall inlove.
(part 1)
_______________________
"Yuck!"
"He's so kadiri!"
"Ang weird niya pa!"
Nakakaawa siya. Yung feeling na, kung ako sa posisyon niya, siguro di na ko papasok. pero, ang tatag niya. Di siya nagpapadala sa mga sinasabi nang iba. Siguro, ako lang ang humahanga sa kanya.
"Ok Class! May science competition tayo! Kaya kailangan ng representatives!" sabi ng teacher namin.
"Sus Ma'am! matik na kung sino ang sa boys! sympre, si Lay-weirdo na yun! Diba classmates! Hahahaha--"
"Shut up, Mr. Regardo! Kung ikaw kaya ang ipanlaban ko ha! Baka manganga ka lang dun! Napahiya ka pa! Sit!"
Nagtawanan pa ang mga kaklase ko sa pagpapahiya ni Ms. Rosales kay Regardo at sa pagpapahiya din ni Regardo kay Lay.
Tinignan ko si Lay na nasa gitna. Walang tumatabi sa kanya. Ang weird daw kasi. Yun ang sabi ng iba, pero saakin, tahimik lang naman siya eh. Anong weird dun? Nakayuko lang siya at nakatingin sa mga kamay niya. Pinaglalaruan niya kasi yung mga kamay niya.
"Ok. Dahil wala namang matalinong lalaki dito bukod kay Mr. Lay, sige. Kaw ulit Mr. Lay."
Tumango lang siya. Di siya palasalita except kong recitation, reporting, magtatanong at kausap ang kagrupo niya.
"Sa girls naman! May napili na ko. Ikaw Ms. Ciara. Ikaw ang makakapartner ni Mr. Lay sa competition."
Nabigla ako kaya napatingin ako kay Ma'am.
"A-ako p-po?" sabay turo ko pa sa sarili ko.
"Hahahaha! Oo! And ow! Right timing! May bagong kapartner si Lay! Ayieee! Nako! tignan ko lang kung makatagal ka! Hahaha!" namula ako sa kahiyaan. Napayuko ako bigla.
"Shut up Mr. Regardo! Go out and see me at the Detention Office! You're so disrespectful!"
Natahimik ang lahat at patabog na lumabas si Regardo ng room. Napatingin ako sa klase at nakatuon ang tingin nila kay Regardo. Pero napansin ko nang may isang titig na nakatingin saakin kaya tinignan ko iyon.
Nanlaki ang mata ko. Nakatingin saakin si..Lay. Yung mga mata niyang kaya kang tunawin kahit anong oras? Kaya namula ako at nag-iwas ng tingin.
"Ok! So Kayong dalawa na ang representative namin! Gaganapin ang competition last week of this month. Kaya kailangan niyong mag-aral ng mabuti! Maliwanag! ok, Class dismiss! See you tomorrow!"
Nagsilabasan na lahat kasama si Ma'am. Di pa din ako makapaniwala. Kaya inayos ko na ang gamit ko tsaka tumayo ng makita kong nakatingin saakin si Lay habang hawak ang bag niya.
