Promise 1: Responsibility 3.4

111 6 1
                                    

########

PROMISE 1: RESPONSIBILITY 3.4

########

                Unang practice ng banda ngayon biyernes ng hapon. Napag-usapan na namin na ngayon araw kami magpapratice para sa darating na taunang Junior at Senior Prominade sa aming paaralan. Pero halos mag-iisang oras na wala parin si Rain. Sinabe ng mga kabanda ko na itext ko na raw si Rain para makapag-umpisa na kami. Pero kahit tinawagan ko na siya ay di parin nito sinasagot ang tawag ko. Out of coverage ang linya ng telephono niya. Umaabot na sa bunbunan ang init ng ulo ko, ang pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ay yung pinag-aantay. Hindi pa niya siguro alam na importante at oras. At hindi kami naglaan ng oras sa practice na ito para lang antayin siya.

                3:00 oclock noong dumating siya. Almost one and half hour siyang nalate.

               

                “Sorry nalate ako,” paghingi pa niya ng tawad sa aming lahat. Hingal na hingal siya at tila tinakbo nito ang edsa para lang makarating sa tamang oras na alam niya rito sa aming pagpapratisan.

                “Buti dumating ka pa, kanina pa nag-iinit ang dugo nitong si Rames sa ‘yo.” Bungad pa ni Tim kay Rain.

                “Sorry na, may importante lang kasi akong ginawa,” sagot pa nito, doon pa mas lalong uminit ang dugo ko sa kanya at dahilan para tumayo ako sa kinauupuan ako at harapin siya at muntik-muntikan ko na siyang masapak, mabuti nalang at kaagad akong hinarangan ni Gio.

                “Kung wala kang pakielam sa bandang ito, ngayon palang makakaalis ka na.” singhal ko pa sa kanya.

                “Nag-sosorry na nga eh. Di ko naman sinasadya, diba nga sinabe ko na sa inyo na may ginawa lang akong importanteng bagay?”

                “Wala akong pakielam kung ano yang bagay na ginawa mo, ang usapan ay usapan. You must be on time, di mo man lang ba inisip na di kami makakapagsimula kapag wala ka?” pagpapamukha ko sa kanila.

                “Tsk. Kahit ano naman ang sabihin ko, di mo naman ako papakinggan.” Sagot pa nito sa akin, bigla na namang uminit ang ulo ko sa mga sinagot niya sa akin. At dahilan para tuluyan ko na siyang sapakin sa mukha. Nagkasapakan kaming dalawa, pero nakailag ako sa bawat tangka niyang pagsapak sa akin. Basag ulo? Diyan ako magaling. Wala pa siya sa kalingkingan ko pagdating sa pakikipag-away. Dumugo ang labi niya sa pagsapak ko, doon na ako hinila ni Gio at ni Ivan habang si Timothy naman ay kay Rain.

                Itinayo ni Tim si Rain, pero nagpumiglas ito. “Hinatid ko si Athena sa ospital dahil sa masama ang pakiramdaman niya, sana di ka naririnig ni Athena ngayon diyan sa mga pinagsasabi mo. Makaalis na nga,” pagkaalis niya ay tinawagan ko ang mga kaibigan ko at sinabe na may ipapagawa ako sa kanila. Gusto ko lang na matuto ng leksyon itong taong ito. Pero kaagad na pumasok sa isip ko yung sinabe nito bago pa man siya umalis na, inihatid niya si Athena sa ospital. Kaagad akong napatakbo at tinawagan si Athena, pero di naman sinasagot nito ang tawag ko. Tinawagan ko ang mommy niya at sinabeng otw palang raw siya doon sa ospital. At noong malapit na ako sa ospital, saka naman nagtext si Athena sa akin na ayaw niya raw akong makita. Di na ako tumuloy sa ospital na iyon dahil sa natanggap kong mensahe sa kanya. Siguro dumating na sa kanya ang balita na muli na namang pag-tatalo naming dalawa ni Rain.

PROMISE BOOTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon