CHAPTER 13

81 5 1
                                    

A/N: i dedicate this chapter kay akane, she's a goodfriend of mine sa isang facebook page, haha kamusta? miss u na hahaha....hope you like it.

xoxo

wackymervin.

PROMISE BOOTH

CHAPTER 13

HAPPINESS: ATHENA, I Promise you I will make you happy in any possible way I can. I will make sure that when you cry, I’ll be there, I will be a shoulder, you can lean on me if you want. At kapag umiyak ka hindi ito dahil sa malungkot ka kundi Masaya ka, iiyak kang Masaya (baliw?) I know hindi sa lahat ng oras magiging Masaya tayo, but I promise you na mas madaming beses na magiging Masaya tayo kesa sa magiging malungkot tayo, iloveyou bestfriend ko.

…………………………..

ATHENA’S POV

Ok na kami ni Rain, napaliwagan ko na sa kanya na hindi pa ako ready for a new love life, hindi pa ako ready magpaligaw, o ligawan, I like him pero tama sya hindi parin kasi ako maka-get over kay Lloyd, paano kaya ako magiging Masaya kung magpahanggan ngayon ay hindi ko parin matanggap na wala na ang taong mahal na mahal ko?.

Pumunta ako ng puntod ni Rain, may dala akong isang bouquet ng bulalak. Ipinatong ko ito sa kanyang libingan. Umupo ako, hinawakan ko ang marmol na nakatatak na pangalan ni Lloyd, unti unting lumamig feeling ko nasa tabi ko na si Lloyd at handang making sa mga kaartehan ko na naman.

Pumupunta ako sa libingan ni Lloyd sa twing may problema akong nararamdaman, yung para bang may problema ako na hindi ko magawang bigyan ng kasagutan pumupunta lang ako dito at pagkatapos parang may bumubulong sa akin na nagsasabi na ganito ang gawin mo tapos…tapos na ang problema. Sana by this time matulungan ulit ako ni Lloyd hays.

Nagsumbong na naman ako kay Lloyd.

“nag-away na naman kami ni Ram, oo simula noong nawala ka, naging sobrang strikto na sya sa akin, maraming bawal, ang arte arte nya nakakairita na sya, ano bang sinabe mo doon ah? Ano bang ipinangako mo nya sa iyo? Bakit ganun sya umarte?. Ako na parang may kausap sa aking harapan, para akong bawil na kinakausap ang isang puntod na wala namang sumasagot.

“naiintindihan ko naman sya, pero kasi sumusobra na kasi sya eh, bakit kelangan pa nyang saktan ang isang taong kakakilala ko palang, at hinuhusgahan pa nya, alam mo Lloyd hindi ko na maintindhan yang bestfriend mo nakakailan na sya sa akin ah?”.

Patuloy parin ako sa pag-sumbong sa kanya hanggang sa may nagsalita sa aking likuran.

“may kausap ka?” tanong ng isang boses babae sa aking likuran.

Humarap ako sa kanya, tinitigan ko sya ng husto, medyo hindi maganda ang itsura nya pero alam ko na mabait sya and she looks familiar to me.

“Have we met before?” tanong ko kaagad sa kanya, tumabi sya sa tabi ko without saying na, hoy paupo ah?, weird.

Tumingin ito sa puntod ni Lloyd.

“Is he your boyfriend?” tanong kaagad nito sa akin

Tumango lang ako sa kanya, hinawakan pa nya ang puntod ni Lloyd, saka tumingin sa akin.

“by the way I’m Sally, oo nagkita na tayo before, ako yung weird na nerd sa festival, yung promise booth? Remember? Nandito ako kasi dinalaw ko lang yung mommy ko, yung isang taong sobrang naniniwala sa akin, at sobrang nagmamahal sa akin, nawala na kasi noong 13 years old palang ako since then wala ng nagbibigay ng words of encouragement sa akin, sorry ah? Medyo weird ako? Pero hindi ako harmful na tao” nakangiting sabi nito sa akin, hindi ko naman sinabe na harmful sya, napaka-judgemental naman nitong babaeng ito.

“I remember you, kamusta? Oo dinalaw ko lang yun boyfriend ko baka kasi nalulungkot sya eh, kaya dinalaw ko sya”

“nalulungkot sya? O nalulungkot ka?, magkaiba kasi yun eh” aba itong babaeng ito malisyosa, pero tama naman sya hays.

“kamusta ang promise mo? Yung promise mo doon sa promise booth”

………………………………..

Flashback.

Tumingin ako kay Rames habang nagsusulat katabi ko sa isang booth na pagmamay-ari ng isang weird na nerd na babae tinatawag nya itong promise booth. Ang booth na magtatago raw ng aming mga promises, walang ibang makakakita nito at makakaalam kundi kami lang at ang dyos. Kasi ililibing raw ito ni Sally after this festival. The after that magkakatoo ang promise namin.

Seryoso si rames sa pagsusulat yung tipong exam tapos ayaw magpakopya ganun, ngayon ko lang syang nakitan naging seryoso sa isang bagay, siguro maraming promises itong bestfriend ko kaya medyo matagal ito natapos sa pagsusulat nito.

MOVE ON: Lloyd, promise na mag-momove on na ako, pero please tulungan mo naman ako makamove on, kasi hindi ko talaga magawa eh, ilang beses ko ng gustong kalimutan yung mga malulungkot at iniisip ko nalang yung mga masasayang mga bagay pero hindi parin kasi eh, mahal parin kasi kita, at hindi ko kasi kayang mapalitan ka kaagad ng ganun ganun lang, gusto ko rin maging Masaya pero paano eh kung yung kasiyahang hinahanap ko ay nasa iyo parin?. Hayssss

……………………………………………….

END OF FLASHBACK.

“ah? Yun ba? Hmmm” nagiisip ako ng isassagot ko sa kanya, sa totoo lang kasi hindi parin naging totoo yung promise ko, hays hays parin nganga.

Hanggang sa nagsalita sya.

“minsan kasi, ang sakit teaches you to become a better person, alam ko na nahihirapan kang makamove on, pero paano mo matutulungan ang sarili mo kung simple pagmomove on lang hindi mo pa magawa, oo hindi sya madali, kasi process yun at mahirap pero kung iisipin mo lang lagi yung past mo at hindi ka marunong maglet go, magiging miserable lang ang buhay mo at ang mga tao sa paligid mo lalong lalo na yung mga taong nagmamahal sa iyo.”

It came from the mouth of the weird/ nerd girl na hindi ko naman gaano kilala, para syang  yung nasa radio station, na nagbibigay ng advice sa isang brokenhearted na caller ang galing nya.

Hanggang sa….lumapit sya sa akin at niyakap nya ako.

It takes a minutes yung pagyakap nya sa akin, nafeel ko na kinukomfort nya ako, then she gave me a piece of paper.

At saka umalis na ito.

Doon ko lang binuksan yung piece of paper, may nakasulat dito, “SET YOU FREE by MYMP” alam ko na isa itong kanta, napakinggan ko na ito yata dati? Pero bakit ito ibinigay at ito ang isinulat ni Sally sa para sa akin?.

Set him free? Ready na ba ako? Natatakot parin kasi ako eh… hays Lloyd tulungan mo naman ako oh?.

………………………………..

PROMISE BOOTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon