CHAPTER 18

49 5 0
                                    

PROMISE BOOTH

CHAPTER 18

RAMES POV

Bukas na ang PROM night, hays ok na ulit kami ni athena,thank god.  what if aminin ko na kaya sa kanya?. Teka, ano bang aaminin ko sa kanya?. Marami akong dapat aminin sa kanya, marami akong dapat sabihin sa kanya na dati ko pa dapat sinabe, dahil sa torpe ako, at takot na mareject eh tameme lang ako.

Nagtatago ako sa isang relation na feeling ko hanggang doon nalang. Friendzone. Hanggang magkaibigan lang kami, na habang buhay na akong magseselos sa mga lalakeng idedate nya, sa mga lalakeng kakausap sa kanya, sa mga taong magmamahal sa kanya, habang ako na laging nandyan para sa kanya ay hindi man lang masabi na mahal na mahal ko sya. More friends ah.

Oo nag-aaway kami, nagkakatampuhan kami pero ako naman kaagad itong lumalapit sa kanya at sinusuyo na patawarin ako sa pagiging mainiting ulo ko, at sa pagiging makulit ko at siguro napapansin narin nya na sobra ang pagiging mahigpit  ko sa kanya, hatid-sundo, sundo-hatid. Maski yung damit na isusuot nya kapag hindi ko nagustuhan ay kaagad kong pinapapalit kapag lalabas kami at magsisimba o ma shoshopping.

May pangako kasi ako sa bestfriend ko.

Yung huling minuto ng buhay nya kasi…

Flashback.....

Hinawakan ni lloyd ang kamay ko ng mahigpit, ubos na ang luha ko sa kakaiyak dahil first time kong makakakita ng isang dying person at nasa harapan ko pa ito.  At higit sa lahat napakalapit pa sa akin ng taong ito.

“please bro, alagaan at mahalin mo si athena” mahinang sabi nito, pati kasi pagsasalita nito ay naapektuhan na ng kanyang sakit.

“makulit sya, masiyahin, at higit sa lahat maganda, ayaw na ayaw ko syang makikitan malulungkot, dahil hindi ako magiging masaya sa kabilang mundo kung ganun, mahalin at intindihin mo sya sa abot ng kaya mo”. Sabay dumating si athena.

Huminto ang pagtibok ng puso ni lloyd, ang kaninang mahigpit na paghawak nya sa kamay ko ay biglang lumuwag.

Patay na ang bestfriend ko. Wala na ang taong naniniwala sa kakayahan ko.

……………………………………………….

 MARICAR’S POV

Bukas na ang pinaka-aantay kong araw, ang prom night, hays at sana bukas maging ok na kami ni Errol, super namimiss ko na sya almost 2 months narin kaming hindi nag papansinan.

“balikan mo ako kung ok ka na, kung tanggap mo na sa sarili mo kung ano yung mga maling nagawa mo”. Pilit na hindi maalis sa isipan ko ang katagang sinabe ni Errol sa akin na yun.

Lumapit sa akin si  mommy. Niyakap ako nito.

“anak, kamusta ka na?” kamusta na ako? Oo nga pala? Kailan pa yung huli akong kinamusta ni mama?. Nakakamiss din pala.

“ok naman ako ma, eto nag-aaral ng mabuti”. Oo nag-aaral na ako ng mabuti dahil isa sa pangako ko kay Errol na kelangan kong balikan yung mga bagsak kong subject at higit sa lahat kelangan kong sabihin sa mommy ko na may mga failed subjects ako. At kaya gabi na ako nakakauwi kasi binabalikan ko yung ibang subjects ko.

Ngayon mas nagkaroon na ako ng oras sa lahat ng bagay, namamanage ko na ang oras ko, sa pag-aaral, sa pamilya sa mga bagong kaibigan at sana kay Errol din. Hays sobrang miss na miss ko na sya, sana mas mabigyan ko na sya ng oras ngayon.

……………………………………………….

RAIN’S POV

Ano na kayang nangyari sa Ex. Girlfriend ko? Oo nasa iisang eskwelahan lang kami nag-aaral pero ang huling alam ko sa kanya ay karelasyon nya ang isang nagngangalang Tyler tapos yun. Yun lang wala na akong balita sa kanya.

PROMISE BOOTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon