Promise 2: Time 1.3

87 5 2
                                    

########

PROMISE 2: Time 1.3

########

 

Maricar’s POV

 

Time, they say that time is one of the most important things you can give to a person because it is the only thing you cannot bring back. I promise to you, that I will give all of my time. Na sasamahan kita sa apat na oras mong pagpractice sa sport na hilig mo, ang basketball. Kahit na maghapon tayong magtitigan sa park, na walang ginagawa, nakaupo, nakatingala sa langit at dinadama ang lamig ng hangin na dumadampi sa ating mga balat. Gagawin ko ang lahat ng iyon, I would heartedly give my whole time to you, because you are the only man I want to spend my whole time. Because you’re my everything.

               

########

                Magkatabi lang tayo sa parke magkawahak ang kamay habang nakatingla sa langit at pinagmamasdan ang kulay asul na ulap na siyang pinaglalaruan natin sa ating mga isip. Nang bigla akong mapatingin sa iyong mukha, at nasabi ko sa sarili ko na napaka-swerte ko talaga sa iyo. Di ka lang mabait, at maalaga higit sa lahat mahal na mahal mo ako. Noong napansin mo siguro na pinagpipiyestahan ko na ang mukha mo, ay ikaw naman itong tumingin sa akin at ngumiti. Sa pag-ngiti mong iyon, parang bumukas ang langit. Hinigpitan mo ang hawak mo sa kamay ko at dahan-dahan mo rin itong hinimas.

                “Bakit mo ako minahal Marie?” one of the ramdom question na ginagawa natin sa araw-araw na magkasama tayo. Pero isa na ata ito sa lahat ng mga ramdom question na tinanong mo sa akin.

                “Tinatanong pa ba yan?” sagot ko sa ‘yo.

                “I just want to hear it from you,” you insist. Huminga ako ng malalim saka ako umiwas ng tingin sa iyo at doon ko sinagot ang tanong mo sa akin.

                “Mahal kita, kasi yung ang nararamdaman ko. Mahal kita kasi mabait ka, mahal kita kasi maalalahanin ka sa akin, mahal kita kasi alam kong mahal mo ako. Mahal kita kasi…” bigla nalang akong napahinto noong bigla mong binitawan mo ang kamay mo sa paghawak sa kamay ko. Nagtaka ako, bakit mo ginawa yun?

                “Di mo na na-ituloy? Ano ba talagang nagustuhan mo sa akin Marie? Except sa pagiging pogi ko, given na yun.” Mahina kong hinampas ang braso mo. Saka ka ngumiti. Pasaway ka rin talaga kahit papaano.

                “Sa totoo lang? wala akong ideya,” sagot ko sa iyo. Napasimangot ka. Muli kong hinawakan ang kamay mo, at hinimas ko ito ng husto. Hinalikan ko pa ito, then I smiled.

                “Sana Marie, di mo ko minahal dahi lsa mga nakikita mo sa akin. Dahil sa physical attributes ko, dahil sa sikat ako, dahil sa matalino ako, dahil sa almost perfect ako ika ng ibang tao. Sana mahalin mo ako kung sino ako, sana nakikita mo yung totoong ako Marie.” Sabi mo, ewan ko kung bakit parang bigla ka nalang naging seryoso ng minutong iyon. Napatahimik ako sa sinabe mong iyon, nagmalfunction ang utak ko at di ko alam kung nasira na ba ito. Naguluhan ako sa sarili ko, at sa mga narinig ko. Ano nga bang dahilan noong minahal kita?

PROMISE BOOTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon