CHAPTER 22

143 4 2
                                    

PROMISE BOOTH

CHAPTER 22

JAMES POV.

“are you ok?.” Tanong ko sa kanya, ang ganda ganda nya. Lahat ng mga tao sa paligid ko walang ibang sinasabe kundi yung salitang iyon.

Hindi parin sya nakapagsalita.

“ok ka lang ba?, hindi ka ba nasaktan?” sa pangalawng tanong ko sa kanya ay hindi parin sya nakapagsalita. Siguro nga nasaktan sya kaya di sya nakapagsalita.

Hanggang sa may isang lalake ang bigla nalang humila sa kanyang kamay. Agaran syang itinayo kahit sa ramdam ko ay nasaktan ito dahil sa mataas na heels na suot nya ng oras na iyon.

Habang palayo sya sa akin ay nakatitig parin ito sa akin. Ang weird feeling ko magkakilala kami.

Pero hindi ko talaga sya matandaan.

……………………………………………..

FLASHBACK.

50th anniversary ng aming paaralan. Ang treston high.

Nagkaroon ng kani-kanilang booth ang bawat grupo sa eskwelahan at bawat level nito. Pero may isang estudyante ang walang gustong isama sya sa grupo nila. Kaya nagdesisyon syang gumawa ng sarili nya at unique na booth. Tinawag nya itong PROMISE BOOTH.

Promise booth?

Unique nga. Mag-aalas tres na pero bumalik na ako muli ay wala paring dumadaan sa booth ni Sally. Patuloy parin sya sa pagbibigay ng flier. Kinukuha nga ito ng mga estudyante pero pagkatapos ay itinatapon rin nila pagkatapos kunin.

Kawawa naman talaga sya .

Pagkapulot ni sally sa itinapon ng isang estudyante yung flier ay may babaeng nakatayo sa kanyang harapan. At di- kalaulan ay pumasok rin sa loob ng kanyang booth.

Pagkatapos ay may sumunod namang isang lalake.

At sinundan pa ito ng isang malungkot na babae. At ang huli ay ang magbestfriend na babae at lalake.

Magsasarado na si sally nang biglang makaramdam ata ito ng tawag ng kalikasan.

At doon ay pumasok na ako sa kanyang booth.

Maganda ang booth. Makulay at maaliwalas sa loob. Sa gitna ay may isang box na nakapodlock.

Ito ata yung sinasabe nyang promise box. Ang box na kung saan nya itatago ang mga promises ng mga taong pumunta sa kanyang booth.

“walang ibang makakaalam nito kundi ikaw at ang dyos lamang.”

Kumuha ako ng isang papel sa may table.

At umupo ako. Mabilis ako nagsulat dahil ayaw kong Makita ako ni sally na pumunta sa booth nya at nagbigay ng promise sa isang tao.

HAPPINES

“Dear. Sally Mae Dinigmaan, alam mo bang maganda ka?. Oo. Sabihin mo man na niloloko kita pero totoong maganda ka. At sana Makita mo yun sa sarili mo. Hindi mo kelangang lumevel sa ganda ng ibang taong nasa paligid mo dahil yung ganda mo unique. Katulad mo. I promise that I will continue helping you sa mga taong nananakit sa iyo. Promise ko sa sarili ko na lagi kitang tutulungan kapag kelangan mo ako.

Promise that in the way mapasaya kita. At kahit papaano ay mapangiti kita kasi sa twing ngumingiti ka ay gumaganda ka.

At sana mapasaya kita.

Then I dropped the piece of paper doon sa promise box at kaagad na umalis.

……………………………………………

PROMISE BOOTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon