Karla POV
"Ate anong ginawa mo saamin!" Galit na mahina kong pagkakasabi habang kausap ko si ate sa fon. Siya ang kaisa-isa kong pamilya na natira sa angkan namin.. Sa kanya kami pansamantalang tumira sa New Jersey ng 2 buwan bago kami ibalik dito sa walang kuwentang Pinas!
Hindi ko masyadong mapalakas ang boses ko dahil alam kong baka marinig lang ako ni nanay Celia sa labas ng kuwarto ko.. Ayokong magalala nanaman siya...
"Karla, hindi kita maintindihan??" Saad niya na tila bakas sa boses niya ang kaba at shocked.
"Alam mo ang ibig kong sabihin!! akala ko ba nagkaintindihan tayo?? Akala ko ba maayos na ang lahat?? Ano ito?! Ikaw na nga lang ang natitira kong katuwang sa buhay ko! Ang taong pinagkakatiwalaan ko, pero bakit ganito! Sana hindi na ako naniwala sayo para makabalik dito!! Ano ba talaga binabalak mo saamin??" Nanginginig ako sa gigil sa pagkabulong ko... Gusto nanaman bumuhos ang mga luha ko sa mga mata..
"Karla... Huminahon ka.. Sana maintindihan mo din sana ang side ko oh?? Kaya ko gumawa ng bagay para makabalik kayo ay nais ko na ring maisaayos na ang lahat Ayoko na kasi tumagal pa ito eh! Kapatid ko, may.. may pamilya din ako! Lam mo naman yon e!" Ang boses niya na halos gusto nang humagulgol sa iyak at pagmamakaawa...
"Ate! Papano ako?? Hindi mo ba ako inalala? Kapatid mo pa rin ba ako?? Ate! Hindi ko alam kung san na ako tatakbo kung sakaling may mangyari kay BEA!"
"Hello?.... HELLO?? ATE???"
Nagdial-tone ang kabilang linya... Pinatay niya ang tawag ko... Bakit niya ako niloko?? ang sarili kong kapatid??
"Anak? Karla? Sino kausap mo?" Narinig ko tawag ni Nanay Celia sa labas ng pinto.. Dali ko pinunas ang mukha ko ng puno ng luha ko...
"Ah.. Nay, wala ho ito.. ah.. Napalakas lang boses ko sa... sa galak... Kausap ko lang kasi si ate.." Patawad nay... ngayon lang ako nakapagsinungaling sayo... ayaw na kitang pag-alalahanin pa..
"Ganun ba? Buti kinakamusta ka niya.. Pakamusta na lang din kay Sheila ha? malapit na tayo magtanghalian." Tawag niya..
Nakahinga ako ng maluwag ng konti... Pero patuloy nanaman ang luha ko ng maalala ko ang mga sinagot ni ate saakin...
Ganun na ba ako ka walang halaga sa kanya matapos ko siyang tulungan??
Kelan pa matatapos ang gulong to...
--------------------------------------------------------------------
DJ Pov
Tumila na rin ang ulan. Papunta na ako sa bahay mo gamit ang sasakyan ko. Hindi ko aakalaing babalik talaga ako muli sa lugar niyo.. na kinasumpa ko noon pa na hinding-hindi ako tutungtong sa inyo mula nang umalis kayo!
Mapapadaan nanaman ako sa lugar kung saang madalas ako magistambay tuwing hapon.. Walang taong nagtangkang magstay ng matagal. Dalaw puwede pa. pero hanggang 1 oras lang. Dahil yon ang hiniling ko noon pa.. ang bantayan siya ng husto..
Madami pa ako gustong malaman mula sa mga katanungan ko na noon pa lang ay gusto ko marinig mula sayo. Karla.
Masyado ata ako nakatuon sa binabyahe ko na may naaninag akong isang pamilyar na sasakyang nakapark sa gilid... malapit sa lugar kung san ko pinabantay???
Nak ng... ANONG GINAGAWA NG MGA TAUHAN KO??? SINO NAGPAPASOK SA KANYA??
Taragis... tinawagan ko yung isang mokong. Ginamit ko na CP ni Bea. Bahala na at hinahighblood ako!
BINABASA MO ANG
Melting the Ice (ON Going)
FanfictionA cold solid substance also can appear transparent or opaque bluish-white color, depending on the presence of impurities or AIR inclusions. Applying much of HEAT will melt the ice quickly if the ice is closest to the center of the opposite su...
