Chapter 5: Partial Revelation Pt 3

107 2 0
                                    

wew.. kind of hard writing this part.. oh well... ^_^ <3

----------------------------------------------------------------------

DJ POV

"OO nga pala bunso, may ibibig---" May iaabot pa sana ako kay Bea, ung box ng...

"Sir DJ? Pinapatawag ka po ni mam--- SIR??" Nagkatinginan kami ni Aling Maring.. Nakatayo siya sa may pintuan, at nakatitig lamang.. Napakunot noo ako,

"Bakit aling Maring?" Tsaka niya ako tinuro..

Napansin niyang parehas kami ni Bea na nakaupo pa sa sahig katabi ng kama niya.. Nakaharang kasi ang kama sa inaaninag ng katulong na sa bakas pa lang ng reaksyon niya, kala niya may ginawa na kaming kakaiba. Tinignan ko si Bea na parang nanonood ng tennis saamin..

Napangisi na lang ako sabay tayo at pagpag sa pantalon ko. sumunod lamang si Bea sabay hakbang sa kama niya para lang bumalik sa kakahiga na saaking di namalayan at pilit iwas tingin.. 

Nakacycling shorts at sando lamang ito ng itim...

"Aling Maring? Ayos ka lang?" Bati ko sa katulong pagtingin ko sa kanya na nagbiblink lamang..

"Sir bat po kayo nasasahig? Diba namamahinga si Mam Bea?" 

"Ah, yun ba? ahaha ginigising ko kasi si Bea para maghapunan na.. E alam mo naman ito, madaling maasar, kaya medyo nawalan kami ng balanse pareho kasi nagkilitian pa kami e.. hehe.." Ngisi ko, sabay tingin ko kay Bea na nakakaasar.. Si Bea tinignan na lang ako ng masama, 

"Eto kasi eh!" Sambit niya sabay aakmang susuntukin tyan ko pero di na tinuloy na parang naasar pa..

Tumango na lang yung katulong at mukhang nakahinga ng maluwag,

"Ah.. kala ko lang din kung napano na.." Sabi na lang niya sabay hawak sa dibdib nya nang marinig ko sigaw ni Karla sa baba???

Napalingon ako kay Bea na tumingin din sakin sa gulat..

With a speed of light.. ayon saakin, andun na ako sa baba ng hagdan ng makita ko si Karla, halos kakaripas na lang ng takbo ng bigla siyang sinunggaban at nilock ng braso sa balikat ni Karla ng haup na kakawala lang sa pagkakatali!

"Bitiwan mo siya!" Bulyaw ko.. 

Ang mga matang sing pula ng dugo dumapo sakin. Nagkatinginan kami.. Ewan ko pero parang may naramdaman akong kakaiba.. uminit buong katawan ko.. Ngumingisi siya..

"Hindi mo ako kayang kalabanin.. Dahil galing ako sayo.. ZERO!" Bulyaw niya.. May bumabagabag sa utak ko nang sabihin niya saakin yun... Galing siya saakin? "Hindi mo puwede kalabanin ang kapwa mong elemento!" Sigaw pa neto.. "Taglay ko ang manipulation.. Hindi mo kayang kalabanin..."

Nakakaramdam ako ng galit.. pero hindi ko magawang gumalaw sa ninanais ko... Naramdaman ko na lang.. Lumiliyab ako..

"Sir DJ!!" 

"DJ! Anak!"

Mga boses sa paligid ko... natatakot sila... Ang paligid ko.. parang nasusunog na.. tumatawa ng parang baliw ang haup..

Pero..

Bakit natigilan siya? Mga mata niyang mapula.. umurong mula saakin.. gang sa likod ko..

"Kuya?" Ang boses niya... Bea..?

"Sa wakas naman at nagpakita ka rin.. Ang SOURCE! Hahah!"  Bulyaw ng haup na kung mapapansin mo, parang nakajackpot.. 

Bakit mo ako sinundan Bea...

Melting the Ice (ON Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon