Karla POV
"Ayan! Buti nga sayo, Hayup ka!" Bulyaw ko sa nakahandusay sa lapag sa sobrang sakit ng mamang tinuhudan ko lang..
Naaninag ko lang sa di kalayuan na papalapit dito si Bea na ikinagulat ko sa sarili... Ibang Bea ang nakikita kong papalapit..
Walang buhay... Mga matang walang kaluluwa kundi ang sing lamig ng nyebe...
"Nagbabadya nanaman siya... Eto na nga ba ang sinasabi ko e!" Bulyaw ko lang, pero hindi ko man lang napansing nasa harapan na pala niya si DJ... tila pinipigilan nya to??
"Unnhhgg.." Ungol sa sakit ang lalaking nasa sahig na para bang pilit bumabangon at inaabot ang nakabukas na pinto sa kusina...
Bigla ko siya sinunggaban sa bandang leeg niya at pilit ko siyang binababa sa tuhod niya.. Mukhang malakas pa siya!
"DJ!" tawag ko.. ang ibang katulong ay nagsipagtakbo at humingi ng saklolo, ang isang katulong na tumawag sakin para harapin si DJ sa unang pagkakataon ay tinulungan ako... pero malakas lang talaga siya!!
"DJ!!" Sigaw ko ulit... nang maaninag ko ulit sila doon...
Parang kinakausap ng mahinahon si Bea... na umiiyak na..
"Bea... " Bulong ko.. Hanggang sa nakaramdam ako ng suntok sa pisngi at tumilapon ako sa tabi..
----------------------------
DJ POV
Para akong nabuhusan ng malamig na nyebe ng marinig ko sigaw ni Karla.. Napalingon ako sa lugar nila.. Kasalukuyan kong nakita Yung katulong tila binalibag sa harap mula sa pagkakasabit sa likod ng lalaki..
Hindi ko na nakita si Karla! Pakiramdam kong lahat ng dugo ko sa katawan ay nagsiakyatan sa utak ko..
"Wala kang karapatang saktan siya!!!" Bulyaw ko dito... Hindi ko na alam kung anong inisip ko.. pero alam ko mga pinaggagawa ko..
As a speed of light, naisatabi ko si Bea sa may hagdan ng siya'y mawalan ng malay at in a 0 sec. nasa harapan ako ng ugok na ito at binigyan ng kahit 1 bagsak lang sa mukha nya na tila wala lang muna para saakin para lang hindi ko muna mapuruhan...
At nawalan na ito ng malay..
"A..Anak?.." Ang boses na narinig ko which makes me came back to senses... "Umaapoy... ka..." Sabi lang ni Karla na may bahid na amazed... o takot?? nang magkatinginan na kami. Hindi siya gumagalaw sa kinasasandal niya sa pader. Nakatitig lang saakin..
May dugong tumutulo sa ilong niya dahil sa lakas ng suntok na natanggap niya sa ugok na ito...
Ramdam ko na lang... umaapoy na pala mga balikat ko...
Pilit kong huminahon na muna... Ang apoy sa balikat ko ay unti-unting humupa.. gang sa nawala na ito..
Hindi ko ito inaasahan... Ngayon ko lang naramdaman na hindi ko na makontrol ang taglay ko...
Simula nang makasama ko ulit si Bea..
Habang tumatagal... palala ng palala...
Kahit anong gawin kong pagpigil.. kahit sa pagturok ko sa mga gamot ko sa sarili ko...
na supposedly pangmaintenance ko sana para lang maibsan ang lintik na taglay ko... para lang maging normal...
ay wala ng epekto...
=========================================================
Part 2 ---->
BINABASA MO ANG
Melting the Ice (ON Going)
FanfictionA cold solid substance also can appear transparent or opaque bluish-white color, depending on the presence of impurities or AIR inclusions. Applying much of HEAT will melt the ice quickly if the ice is closest to the center of the opposite su...