Chapter 12
The selfishness in me prevailed. Hindi ko alam kung dahil ba sa nanaig ang pagiging demonyo ko o ang kagustuhan na makasama pa siya ng mas matagal sa huling pagkakataon. Hindi ko binalik ang tracking device sa impyerno pero wala na din akong planong demonyohin pa siya. Hindi ko na kakayanin. Hindi ko alam kung saan ang kahihinatnan ng lahat. We are just hoping that we could trick hell somehow. Sana hindi nila malaman na wala na akong planong gawin ang pinapagawa sa akin. Pero kung malaman man nila at paparusahan ako, it doesn't matter, wala na sigurong mas masamang parusa kesa sa manatili sa impyerno.
"Hindi mo naman kailangang gawin Rae." Napatingin ako sa kanya na nakasimangot habang nagyoyosi siya sa veranda ng condo niya at narinig ko ang level up sound. Napabuntonghininga na lang ako. Kahit ayaw ko nang i-tempt siya, nagpumilit pa din siya. Sabi niya, mahahalata daw kasi kapag hindi gumagalaw ang level ko. Kapag maaga daw akong mabuko, paano pa niya gagawin ang mga dapat niyang gawin. He have a point of course.
Narealize ko din na kahit konting temptation lang kay Raehel, kunting kasalanan lang ang gawin niya, naglelevel na ako. Maybe because he is an angel and angels are suppposed to be faultless and sinless. Malaki ang impact sa isang munting pagkakasala ng isang anghel.
"Naglevel ka?" Nakangiting sabi niya at mukhang tuwang tuwa pa sa mga nangyari. Tuwang tuwa siya, samantalang ako, punong puno na naman ng guilt.
"Raehel, pwede namang hindi mo gawin. Isa pa, kahit hindi ka pa patay, para mo na ding sinusunog ang baga mo sa yosi na yan." Naalala ko na naman ang mga ginagawa sa impyerno sa mga kaluluwang adik sa yosi. Unlimited yosi till you can't breathe and then the soul would experience death again and again. Ang sakit ng pagkakaroon ng lung cancer at mararanasan yun ng paulit ulit kahit na gumagapang na ang kaluluwa. It was a dreadful and pitiful sight.
Binaba niya ang yosi sa ashtray at diniin para mamatay tapos tiningnan niya ako at ngumiti. I can see fondness in his eyes, the way he always looked at me.
"I remember you scolding your Dad about it. You were a force to reckon with even when you were still young Amery." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. He's smiling at the memory. The memory that I can't remember.
"Ano nga ba ang sinabi mo noon? 'Kapag namatay ka dahil sa lung cancer Daddy, I won't cry. I won't even glimpse at your nicotine stained corpse.'" Tumawa siya at lalong nangunot ang noo ko. Ano ba ang pinagsasabi niya?
"You were just ten at that time Amery and you said it in front of all the board of directors who are equally smoking. Hindi ko alam kung napansin mo ang mga mukha nila habang binababa nila ang mga cigar nila. I nearly laughed at loud."
"Wait a sec. You saw me when I was ten?Nung time na muntik na akong maaksidente nung fourth year college ako, it wasn't the first time that we've meet?" Hindi ko naalalang nagkakilala na kami dati. As far as I can remember, nakilala ko siya sa daan nung muntik na akong masagasaan. He saved me that time.
"No. I've meet you when you were 10 years old. I was one of the directors. Luckily, hindi ako naninigarilyo kaya hindi ako nasama sa nasita mo. Siguro hindi mo ako napansin kasi masyado kang nakafocus sa Daddy mo pero napansin kita. I've noticed how beautiful and vibrant you are."
"Paanong? Apat na taon lang ang tanda mo sa akin, paanong andun ka sa meeting na yun? Wala akong nakitang 14 years old na bata doon." Wala talaga! Naalala ko na ngayon ang scene na yun. It was my father's birthday. Nasa bahay kami at hinanap ko si Daddy. Turns out, nasa may open pavilion sila kasama ang mga friends niya at nagyoyosi sila habang nagkakatuwaan. Hindi ako natuwa dahil ayaw ko ng amoy ng yosi kaya pinagalitan ko si Daddy. Pero wala doon si Raehel!
BINABASA MO ANG
The Death and Life of Amery
FantasyA story about death, life and love. A story about what really matters in life.