Chapter 8
"Xiclav! I miss you!!!" Malakas na sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya at naglambitin sa sungay niya. Ahhh...kapag nagtagal tagal magiging gymnast na ako sa galing ko sa paglalambitin.
"Tangina! Bumitaw ka diyan Amery!" Sigaw niya sa akin at pilit na hinila ako pababa ng sungay niya.
"You're so mean. Ikaw na nga itong namimiss, ikaw pa ang galit. Pasalamat ka namimiss kita!" Singhal ko sa kanya pero hindi man lang siya na touch sa sinabi ko. Instead, binatukan niya ako.
"What the hell!" Reklamo ko habang hinihimas ang batok ko.
"Tanga! Hindi uso sa impyerno ang ganyang ka-echosan. Ano ang nalaklak mo at may pamiss miss ka pang nalalaman?" Nakasinghal pa din na sabi niya sabay hawak sa boobs ng seksing kaluluwa na dumaan. Deadma siya sa kaluluwa.
"Level 4 na ako!" Excited na sabi ko.
"Oh ngayon?" Nakataas pa ang kilay niya.
"Malapit na akong makalabas sa hell." Tiningnan niya ako saglit tapos tumawa ng malakas. His signature demon laugh.
"Nag iilusyon ka tanga! Hindi ganun kadaling umalis dito oi! Akala mo lang madali kasi sa mga unang level madali lang pero kapag tumagal ka na, mahihirapan ka na! Tingnan mo ako, hanggang ngayon nasa level 25 pa din."
"Paano ka maglelevel up kung nasa sabungan ka palagi ng mga kaluluwa? Hindi mo naman tinetempt ang ini-assign sa'yo na tao." Tiningnan niya ako ng seryoso ng ilang sandali.
"Nawalan na ako ng ganang i-tempt ang nakaassign sa akin. Mas mabuti pang magsabong na lang." Binuksan niya ang soul container niya at binilang ang mga souls niya. Ang dami! Ang dami na niyang souls. Pwede na ata siya bumili ng house and lot dito sa impyerno. May real estate din ba sa impyerno?
"Ang dami mong soul! Pahingi!" Bigla niyang isinara ang container. Ang damot ng demonyong ito.
"Magsabong ka din para dumami ang soul mo. Tutal magaling ka naman."
'Wala akong pantaya." Nakasimangot na sabi ko.
"Problema mo na yun."
"Di mo ako pauutangin?" I smiled at him and tried my best to be charming. He looked at me and regarded me for a while. Then he smiled and I smiled too. Pauutangin nga niya ako?
"May 1000% na interest." He grinned.
"Hala! Wag na lang. Mas masahol ka pa sa bombay!"
"Siyempre, demonyo ako eh! Utak nito!"
"Pero teka nga! Mabalik tayo. Sino ba ang naka assign sa'yo at ayaw mo nang i-tempt? Sobrang bait ba?" Tanong ko pa habang humahabol sa mabilis niyang paglalakad.
"Gusto mong makilala?"
"Oo ba!" Excited na sabi ko. Sino kaya ang tinetempt ni Xiclav at nawalan na siya ng gana? Hinawakan niya ako sa braso at sabay na kaming nag teleport sa lugar kung nasaan ang tao na naka assign kay Xiclav. It was just a split second teleportation and now we're standing on top of the St. Peter's Basilica.
What in the hell are we doing here?
Confused na napatingin ako kay Xiclav and he have this look of resignation on his face.
"Bakit andito tayo?" Hindi kaya kami masunog dito? I mean, we're in Vatican particularly on top of the St. Peter's Basilica. This is a holy land!
"Ano ang ginagawa natin dito?" Halos magpanic na ako at ineexpect ko na anytime ay mag aapoy ang paa ko.
"Magpapapako sa krus?" Puno ng sarkasmo na sagot niya at tiningnan ako ng masama.
"Akala ko ba gusto mong makita ang assignment ko?"
BINABASA MO ANG
The Death and Life of Amery
FantasyA story about death, life and love. A story about what really matters in life.