Chapter 13

24.4K 1.2K 197
                                    

Chapter 13


"Hoy! Ikaw!" Napapitlag ako pagkarinig ko sa tawag ni Xiclav. Humarap ako sa kanya at tiningnan siya ng masama.

Die! Die now! I chanted as I looked at Xiclav. Malay mo madala sa orasyon ang demonyo.

"Anong problema mo!?" Singhal ko sa kanya. Nenenerbiyos na nga ako, ginugulat pa niya ako. I've been nervous eversince I return to hell. Baka kasi mabuko ako bigla at malaman na hindi ko na ginagawa ang misyon ko. Hindi ko alam ang magiging parusa ko pero tatanggapin ko. Sabi ko nga wala nang mas mabigat na parusa kesa sa mapunta sa impyerno.

"Wala! Feel ko lang na sindakin ka. Nasindak ka ba?" Ngising ngisi na sabi niya. I rolled my eyes at him. Umupo siya sa tabi ko at ginaya ang posisyon ko.

"Alam mo ba, ang laki ng napanalunan ko sa pokerdap." Tuwang tuwa na sabi niya at binuksan ang soul container niya. Pinakita niya sa akin kung ilang kaluluwa ang meron siya at nalula ako. May 10,000 souls siya! Ang dami nun!

"Pokerdap?"

"Yung larong kunyari yayayain mong magpoker ang isang kaluluwa pero ang totoo, hoholdapin mo. Pokerdap. Ang galing noh? Palakpakan!" Tumayo siya at pumalakpak mag isa. I rolled my eyes again. Hindi ko alam na may mga baliw din palang demonyo.

"Pero wag mong ipagsabi na madami akong kaluluwa ha. Baka malaman ng mas makapangyarihang demonyo at holdapin din ako. Ikaw lang naman ang pinagsasabihan ko dahil tatanga tanga ka." He grinned as I give him my deathly stare na alm ko naman na walang epekto sa kanya. How frustrating!

"Ano ngayon ang gagawin mo sa madaming kaluluwa?"

"Pupunta akong disneyland!Hongkong disneyland!" Excited na sabi niya at nangunot ang noo kong napatingin sa kanya. Seryoso siya?

"Are you nuts? Gagastos ka pa ng kaluluwa para makapunta sa disneyland? Pwede ka namang magteleport doon." Tiningnan ako ni Xiclav tapos nangunot ang noo.

"Tanga!" Isang malutong na malutong ang natanggap ko mula sa kanya. "Kung pwede lang sana gawin ng lahat ng demonyo na andito sa impyerno ang sinasabi mo, wala nang natira dito. Pero hindi, dahil ang mga pwede lang lumabas sa impyerno ay ang mga miyembro ang SAPI, ibang matataas na demonyo at tayong binigyan ng tracking device. Pero kahit na may tracking device tayo, sa iisang lugar lang tayo pwedeng mag teleport. Sa lugar kung nasaan ang naka assign sa atin. Hindi mo ba napapansin yun na hindi ka makapagteleport kung saan saan? Kunsabagay, tanga ka nga pala. Bakit ka nga ba napunta dito sa impyerno? Ang mga napupunta dito yung mga toso at di nagpapalamang." Napanganga ako sa sinabi niya. Kaya pala na automatic na kay Raehel ako napupunta.

"Gets mo na? Tayong mga kaluluwa, walang sense of direction. Kaya nga madami ang ligaw na kaluluwa. Sa kagustuhan na makita ang pamilya nila literal na naliligaw sila sa mundo dahil hindi nila alam ang daan papunta sa mga pupuntahan nila. Tayo namang mga demonyo makakagala lang sa mundo kung kasama ang taong naka-assign sa'yo." Dahil sa sinabi ni Xiclav bigla kong naalala sina Mommy at Daddy. Kamusta na kaya sila? Paano nila natanggap ang kamatayan ko? Suddenly, I felt the need to see them, to know how they are.

Pagkatapos ng walang kwentang usapan namin ni Xiclav bumalik na ako kay Raehel. He's in the middle of a meeting at bigla na lang akong lumitaw sa tabi niya. Hindi nakaligtas sa akin ang saglit niyang pagngiti pagkakita sa akin. Kinilig ako bigla. Sino ang mag aakala na ang isang kaluluwang katulad ko ay may kakayahan pang kiligin?

Tumayo ako sa tabi niya at hinintay na matapos siya.

"Kamusta ang impyerno?" Napatingin ako kay Afarin na bigla na lang lumitaw sa tabi ko.

The Death and Life of AmeryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon